Chapter 41 - Disowned

208 19 1
                                    

Hi po sa lahat lalo na mga patuloy na nagbabasa at nagaabang. Nalalapit na po tayo sa mga huling kabanata at may mga mangyayari pa.

Have a safe trip po sa lahat ng magbabakasyon. Huwag pong kalimutan kung ano ang ginugunita natin ngayong wk.

Update po ulit ako para po masiyahan kayo.

Sa mga maglalakbay, ilagay nyo naman po sa library nyo para patuloy nyong mabasa.

Thank you.

------------------------------------------------------

Araw ng pinakahihintay ni jansen ang birthday nya. Nauna syang gumising at agad naman nyang ginising ang kuya nya. Agad naman itong bumangon at pumasok ng cr.

" Kuya bilisan mo pupunta tayo sa libingan ni mama tapos dadaan pa tayo ng simbahan. Madami tayong gagawin ngayon kasi bday ko na wohoooooooo 12 yrs old na ako."

" Oo na hintayin mo na lang ako sa baba hehehe."

------------------------------------------------------

" Hello pare ok na ba yung sasakyang hihiramin ko?!"

" Oo na nakahanda na. Saan ka ba pupunta at saan mo gagamitin?"

" Basta pare wag ng maraming tanong raket ito, pagkakaperahan kaya relax ka lang!"

" Siguraduhin mo lang gago ka pag hindi mo binalik sasakyan ko hahantingin kita! Kilala mo ako gener!"

" Woooo! Relax! Baka ibili pa kitang bago kapalit ng bulok mong sasakyan hahaha!"

" Siguraduhin mo lang gener!"

Agad pinutol ng kausap ni gener ang tawag.

" Hoy jonas bumangon ka na dyan! Kunin mo yung sasakyan sa ninong mo yun ang gagamitin natin ngayon. Tamang tama ito para kidnapin ang magkapatid na yun at ipapatubos natin!"

" Talagang itutuloy mo na balak mo tay?!"

" Hindi nako makapaghintay! Handa na rin yung bodegang pagtataguan natin sa dalawang yun! Tamang tama pa sabi nung kakilala ko nagtatrabaho dun may okasyon ngayon bday nung jansen yung kapatid ni andrew!"

" Pano natin isasagawa ang pagkidnap tay?!"

" Ngayon mismong umaga o tanghali. Maaring lumabas ang dalawang yun saka natin dudukutin! Mahirap sa hapon o gabi kasi yun ang oras ng selebrasyon daw!"

" Panong gagawin natin?!"

" Ang dami mong tanong putang ina!sumunod ka na nga sa ipinapagawa ko sayo at baka mabulilyaso pa tayo!Kailangang magmatyag pa tayo doon kaya gumalaw ka na!"

Agad namang sumunod si jonas para puntahan ang sasakyang sinasabi ng ama.

----------------------------------------------------

Sa mansyon ay sabay sabay na nag almusal sina andrew,jansen,jasper at jannah dahil sila ang magkakasamang pupunta sa sementeryo.

" Manang belinda si mama po nakaalis na?"(jasper)

" Oo kaalis lang may aayusin pa daw sya para sa bday ni jaja mamaya. Yung van daw gamitin nyo sabi ng mama nyo. Naghihintay na din sa labas ang driver."

Alas otso ay umalis na sina andrew ay sakto namang nagising na sina alfred at sandra. Bumaba sila sa veranda at tinignan ang mga tauhan sa mansyon na abala sa simpleng gayak na ginagawa para sa selebrasyon ni jansen.

Saka naman lumabas si minerva.

" Kuya alfred ate angela. Sabay na tayo mag breakfast."

Tumungo naman sa dining ang dalawa kung saan nandun na rin si lyka at jairo.

SARANGGOLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon