Chapter 30 - Si Daniel at Andrew

318 20 0
                                    

Naunang nagising si jansen kinaumagahan. Pero nanatiling nakahiga. Akala nya panaginip lang ang lahat pero hindi. Kailangan nyang magpakatatag sa kabila ng mga nalaman. Ibinaling nya ang tingin sa katabing kapatid na tulog na tulog pa.

Jansens POV

" Magandang umaga kuya. Salamat at di ka sumukong kalimutan ako. Hindi ko man maalala ang mga panahong kasama ko kayo ni mama. Pero nararamdaman at naaalala iyon ng puso ko. Ang pagmamahal na na hindi mapapalitan at mawawala. Napakabuti ng diyos sa atin at pinagtagpo tayo sa isang sitwasyong nakakabahala at di natin aakalain. Ngayong alam ko na kapatid kita ay lalo kitang mamahalin kuya kasama ang pamilyang nagmahal sakin."

Hindi namamalayan ni jansen na nagigising na pala si andrew. At nakitang nakatitig ito sa kanya.

" O gising ka na pala. Ok ka na ba? Huwag mong sabihing hindi pa?. Magagalit ako sayo nyan. Ngayong alam mo na ang lahat gusto kong magpakatatag ka. Nandito lang ako at hindi kita pababayaan. Halika ka na bumangon na tayo at ipakita sa kanila na parang wala lang ang nangyari kahapon."

Nangiti si jansen na sumangayon kay andrew. Agad itong bumangon at nagpunta ng cr. Inayos naman ni andrew ang pinag higaan nila.

Nang matapos si jansen ay sumunod si andrew. Bago ito pumasok sa cr...

" Huwag mo na akong hintaying sabay bumaba. Puwede ka nang bumaba. Susunod na lang ako. Marahil gising na rin sila. Harapin mong nakangiti ang lahat sa kabila ng nangyari kahapon ok?"

" Sige po kuya."

Agad lumabas ng kuwarto si jansen na huminga muna ng malalim bago naglakad. Nakita sya ni jasper ba pababa na rin. Agad lumapit sa kanya ginulo ang buhok at inakbayan. Sabay na silang bumaba sa may veranda ng mansyon. Nakita nila na nagkakape ang mama at lola nila. Agad silang humalik sa mga ito. Si jansen ay yumakap pa ng napakahigpit sa mama nya na tinugunan naman nito na naiintindihan kung bakit.

" Ma, kelan tayo babalik ng maynila?"

" Umm....baka sa makalawa pa."

" Isasama na po ba natin si jaja?"

Tumingin si melany sa anak.

" Jaja, gusto mo na bang sumama sa maynila?"

" Hindi ko pa po alam mama....pero sasabihin ko po sa inyo agad."

Tumango si melany at napatingin sa mama nito na sumangayon sa sabi ni jansen. Maya maya lang ay bumaba na din si andrew at nagbigay galang sa mga naroon.

" Magandang umaga po senyora isabelle."

" Lola andrew! Di ba sabi ko lola na rin tawag mo sa akin."

" Ok po lola." Sagot ni andrew na tila nahihiya pa.

" Nakatulog ba kayo ng maayos andrew ni jaja?"

" Opo mam me....ay mama po pala. Maayos naman po tulog namin."

Napangiti naman si melany sa pagkautal ni andrew.

" Alam ko na mama! Bakit hindi natin isama si andrew sa maynila? Matagal na rin naman syang hindi nakakapunta doon."

Namilog ang mata ni jansen sa narinig na tila nasiyahan sa suhestyon ng kuya jas nya. Hindi naman umimik si andrew na nanatiling nakikinig.

" Sa palagay ko tama si jas anak. Isama nyo si andrew para makapamasyal. Tutal bakasyon pa naman. Bumalik kayo bago ang bday ni jansen. Gusto ko dito mag celebrate ng ika 12 na bday ang apo ko."

Nagalak ng tuluyan si jansen sa narinig kaya umaliwalas ng tuluyan ang mukha nito na napansin ng lahat.

" Andrew, sa ayaw at gusto mo ay sasama ka sa amin pabalik ng maynila. Wag kang tatanggi dahil no choice ka."

SARANGGOLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon