" Papaaaaa! Multoooooo!"" Anong multo?"
Agad namang lumapit ang lahat kay jansen na nangingiti.
" Jaja, adik lang walang casper sa ganitong oras hahaha."
" Ate si kuya.....minulto ako dun sa may puno, nagpakita sa akin at ang talim ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit sya nagpapakita."
" Naku jaja baka may misyon ka na kailangang gawin para sa ikakatahimik ng kaluluwa nya hahaha."
" Kuya wala naman akong maalalang pinapagawa sa akin o ibinilin nya dati. Natupad ko naman pangako ko na mag top sa klase."
" Mabuti pa tignan natin kung totoo ang sinasabi mo jaja, shocckkkssss! Multo multo halerr?!"
" Ate hawakan mo ako samahan mo kami kuya."
Agad namang nauna sina jannah, jansen at jasper. Sumunod ang mga kasama nila na nagpipigil na ng tawa.
" Dyan ko sya nakita ate nakatayo, nakatingin sa akin."
Nang biglang magsalita...
" Sa guwapo kong ito, multo pala ang tingin mo sa akin."
" Ahhhhhhhh ayan sya ate nagsalita na!"
Tuluyan ng nagtawanan ang lahat sa nakikitang reaksyon ni jansen.
" Hindi ako multo, tao ako, totoong tao hehehe."
Yinugyog na ng sinasabing multo ni jansen ang balikat nito.
" Grabe naman itey, makayugyog mapipigtal na ang dyulikat ng kapatid natin!"
" Sobrang namiss ko kasi ito ate hehe."
Saka lang nahimasmasan at nagsalita si jansen...
" Kuya andrew?!! Ikaw, totoong tao ka nga! I hate you akala ko momoo ka para tuloy akong tanga kanina!"
" Grabe ang drama mo naman, naglupasay ka pa kaiiyak hahaha."
" Nakakaasar ka kuya grabe!"
" Kala ko din momoo sya hahaha!"(jairo)
Tuluyan ng nagtawanan ang lahat. Tanging si jansen at jairo kang kasi walang alam sa plano ng pamilya.
" Pero kuya sino yung nakalibing doon?"
" Halika puntahan natin...."
Agad nilang pinuntahan ang puntod at tinanggal ni andrew ang lapida sa ibabaw.
" Si kuya jonas ang talagang nakalibing dyan. Itong lapidang ito na may pangalan ko ay wala na rin ito."
Agad itong itinapon ni andrew at nabasag.
" May mga pinagdaanan ako sa buhay na kailangan kong kalimutan, kaya ko itinapon yun. Pero ang leksyon na natutunan ko sa mga pinagdaanan kong iyon ay hindi mawawala. Ako na ito Daniel.....ang kuya mo si Andrew Serrano Alonzo."
Agad yumakap si jansen sa kuya nya na buong saya.
" Sa panahong nawalang ka ng komunikasyon kina papa, kagustuhan ko yun. Mga November ng nakaraang taon ng magising ako. Agad kitang hinanap at iyak ako ng iyak noon ng maalala ang nangyari sa atin. Ngunit wala akong magawa nasa ibang bansa ako. Hindi sumuko si papa sa pag aalaga sa akin at nakita ko kung gaano nya ako kamahal at alam ko yun na buong puso na nyang natanggap ako. Kaya pinatawad ko na sya. Nagusap kami na gusto ko ng bumalik dito. Pero tumutol sya dahil hindi pa ako lubusang magaling. Kaya nagpasya kaming ilihim sayo ang lahat para sorpresahin ka."
" Alam ko na! Narinig ko dati si kuya jas na kausap si kuya luke about sa lapida katabi ng mama.Nakakaasar ka kuya jas naglihim ka sa akin hmp!
Agad namang nagpeace sign si jasper kay jansen.
BINABASA MO ANG
SARANGGOLA
Tiểu Thuyết ChungPaano nga ba magpalipad ng saranggola?. May aral ka bang matututunan sa pagpapalipad nito? Minsan kaya mo pang kontrolin ang lipad nito pero dumarating ang pagkakataong hindi na. Dahil sa pabago bagong ihip ng hangin. Parang buhay ng tao, na wala ta...