Nilapitan agad ni melany ang umiiyak na si jansen. Nang yayakapin na ito ay biglang umatras. Natigilan ang ina at napahawak sa dibdib at naiyak.
" Anak....sorry...."
" Mama....totoo ba ang sinabi ni kuya?"
Tanong ni jansen na walang tigil sa pagpatak ang luha. Lumapit naman si jannah sa ina at si jasper kay jansen.
" Dyan ka lang kuya wag mo muna akong lalapitan....mama totoo ba?"
Tumango na napahagulgol na lang si melany. Natigilan si jansen at umiling iling kasabay ng tuluyang paghagulgol nito.
" Mama bakit, bakit?"
" Anak magpapaliwanag ako..."
" Narinig ko na ma, hindi nyo ako tunay na anak..!"
Pagkasabi niyon ay agad nagtatakbo ito pababa ng hagdan.
" Jansennnn anakkkk!"
" Ah mam ako na po bahala kay jansen susundan ko po sya. Mam jannah tawagan ko po kayo kapag nakita ko si jansen."
" Sige andrew, sundan mo na muna si jaja."
Agad nagtatakbo si andrew palabas ng mansyon at lumabas ng bakuran. Nasalubong naman nya si manuel.
" Andrew anong nangyari kay jaja nagtatakbo papunta doon at umiiyak?"
" May nangyari po kasi sa mansyon. Mas makakabuti po siguro kausapin nyo na lang po si mam melany at susundan ko pa po ang kapatid ko."
Pagkasabi niyon ay agad na nagtatakbo si andrew sa direksyon na itinuro ni manuel. Nabigla naman si manuel sa sinabi ni andrew kaya agad itong pumasok sa mansyon.
Patuloy naman sa pagtakbo at paglakad si jansen. Basang basa na sya ng luha at pawis. Gulong gulo sya hindi nya alam ang gagawin at kung saan papunta.
Jansens POV
" Bakit ngayon ko lang ito nalaman. Buong akala ko walang iba sa pagkatao ko. Hindi ako makapaniwala, parang sa palabas lang sa tv at sine. Ampon lang pala ako."
Natumba ito dahil sa kapaguran. Malayo na siya sa mansyon at tila nakikisama sa kanya ang paligid walang katao tao sa kalsadang kinalalagyan nya, napakadilim at napakalungkot. Tumayo siya at umupo sa bangketa, pinahid ng mga kamay ang mga luhang walang tigil sa pagpatak. Ilang sandali pa ay tumayo ulit ito at naglakad. Hanggang sa napadpad sa isang maliit na playground na walang katao tao. Umupo sya sa isang swing at muling umiyak.
Samantalang si andrew naman ay walang tigil sa katatakbo nag aalala na sya sa kapatid at baka mapahamak ito. Hindi sya makakapayag na may mangyari dito at magkahiwalay ulit sila.
Lakad takbo ginawa nya. Hanggang makita nya ang isang playground at nakita nya ang isang nakatalikod na tao na nakaupo sa swing. Nang masiguro nyang si jansen ito ay agad syang nag txt kay jannah. Hindi muna sya lumapit dito at pinagmasdan ito sa malayo. Makikitang paminsan minsang yumuyugyog ang balikat nito dahil sa pagiyak. Naluluha na sya sa awa sa nakikita sa kapatid kaya dahan dahan syang naglakad at umupo rin sa katabing swing.
Nabigla si jansen nang makita si andrew. Pero ibinaling na lang nya ang tingin sa langit na tila kabaliktaran sa nararamdaman nya. Napakaraming bituin na nagkikislapan sa napakaaliwalas na kalangitan sa gabi.
" Kamusta ok ka na ba?..."
Hindi umimik si jansen at yumuko na lang ulit ito.
" Alam kong masakit ang nangyaring ito sayo ngayon. Pero hindi lang naman ikaw ang nakaranas ng ganito. Maraming batang katulad mo ang pinagdaanan pero hindi kasing suwerteng tulad mo."
" Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan sa nagyaring ito. Higit sa lahat ang pamilya mo lalong lalo na ang mama mo. Mahal na mahal ka nya at sa bawat araw na hindi nya makayang masabi sayo ang totoo ay araw araw din syang nasasaktan at nagaalala sayo."
" Hindi ko alam kuya....buong buhay ko akala ko kumpleto ang pamilya ko at pagkatao ko. Ni sa panaginip hindi ko ito napanaginipan. Kaya ang sakit sakit kuya."
" Alam mo jansen yang sakit na nararamdaman mo maghihilom yan sa tulong ng pamilya mo. Hindi porke nalaman mo na ampon ka ay tatakbo ka na lang aalis o mamumuhi sa kanila. Hindi tama yun, may mga dahilan kung bakit nangyari sayo ang ganitong bagay."
" Hindi naman ako namumuhi sa kanila. Hindi ko lang matanggap na hindi pala ako parte ng pamilyang kinagisnan ko."
Pagkasabi nun ay agad muling umiyak si jansen na sinusuntok pa ang mga hita. Lumapit si andrew dito at umupo sa damuhan habang hawak ang mga kamay nito.
" Wag mong saktan ang sarili mo. At wag mong sasabihing hindi ka parte ng pamilya nila. Hindi makakatulong na saktan ang sarili mo para takasan ito. Harapin mo para lubusan mong maintindihan. Kausapin mo ang mama mo para hindi ka nagaalala. Gusto mo bang nag aalala sayo ang mama mo? Mahal na mahal ka nila jansen. Napakasuwerte mo hindi katulad ko na pinagkaitan na magkaroon ng buong pamilya. Nandyan silang lahat sayo at hindi ka nila iiwang mag isa."
"Alam mo kuya hindi ko lang kasi lubusang maunawaan kung bakit naging ampon ako. Nasaan ba ang mga magulang ko, may mga kapatid ba ako, saan ako galing at sino sila?.. Ang gulo kuya, ang sakit isipin na bakit nangyari ito, ayaw ba sa akin ng mga magulang ko kaya nila ako ipinaampon. Ang sama naman nila kuya!"
Agad pinatigil ni andrew sa pagsasalita si jansen at tinakpan ng dalawang daliri ang bibig na agad din nyang tinanggal.
" Huwag mong sasabihin ang ganyan jansen. Masamang magsabi ng mga bagay bagay na di natin lubusang naintindihan lalo sa mga magulang natin. Nangyayari ang mga bagay bagay dahil may rason ito may dahilan, may sapat na eksplenasyon ang mga bagay na ito."
" Rason? Eksplenasyon? Hindi ko maintindihan kuya kung anong rason nila para ipaampon ako."
" Kaya nga para lubusan mong maintindihan ay umuwi na muna tayo. Nag aalala na ang mama mo sayo."
" Natatakot ako kuya, natatakot akong malaman ng tuluyan ang katotohan sa likod ng pagkatao ko."
" Wag kang matakot, nandito lang ako sa likod mo hindi kita iiwan. Halika na tumayo ka na hinihintay ka na nila andyan sila sinusundo ka na."
Paglingon ni jansen sa likod nakita nya ang ate at kuya nya na umiiyak na nakaangat ang mga kamay na tila hinihintay ang pagyakap nya. Agad syang tumakbo sa dalawa at niyakap ang mga ito. Sumunod naman si andrew.
" Kahit anong mangyari jaja, kapatid ka pa rin namin, mahal na mahal ka namin." (Jasper)
" Mahal na mahal ko din po kayo kuya."
" Halika na uwi na tayo hinihintay na tayo ni mama. Tama na itong iyakan na ito at nawawala ang kagandahan ko."
" Ate maski naman di kayo umiyak wala naman talaga kayong kagandahan."
"TSEEE!" Pero agad ding niyakap ni jannah si jansen at hinalikan sa noo at sabay sabay na bumalik ng mansyon.
BINABASA MO ANG
SARANGGOLA
General FictionPaano nga ba magpalipad ng saranggola?. May aral ka bang matututunan sa pagpapalipad nito? Minsan kaya mo pang kontrolin ang lipad nito pero dumarating ang pagkakataong hindi na. Dahil sa pabago bagong ihip ng hangin. Parang buhay ng tao, na wala ta...