Dahil sa umabot na po ng 500 reads ang saranggola, ay nag update po ulit ako today.
Maraming salamat po sa patuloy na suporta. Follow and vote naman po kayo.
-----------------------------------------------------
Umaga pa lang ay gising na ang lahat dahil sa pagbalik ng maynila nina melany. Nakahanda na rin si andrew para sumama. Sa labas naman ng mansyon ay nakahanda na rin ang sasakyan nila at ang sasakyan nina luke.
" Jannah bilisan mo na nga dyan at aalis na tayo" katok ni melany sa kuwarto ng anak.
" Wait lang ma, madali na ito."
Sa baba naman ay nakagayak na ang lahat at tumutulong si andrew maglagay ng mga gamit sa compartment ng sasakyan ni melany. Ang iba naman ay sa sasakyan ni luke.
" Naku mga apo ko mami miss ko kayo." Niyakap ni senyora isabelle si jairo at jansen.
" Si lola nag e emote na, halos 2 wks lng kami mawawala babalik din kami di ba kaw bahala sa bday ko? Hehe kaya siguradong babalik kami."
" Naku apo siguraduhin nyo yan kundi ako mismo susugod sa bahay nyo sa maynila."
" Ma, aalis na po kami, kailangan namin bumalik alam nyo naman may negosyo ako doon. Nagkausap na din kami ni kuya manuel. Wag kayo magaalala sa gener na yun at di titigil si kuya matagpuan yun."
Lumapit ito sa mama nya at may ibinulong.
" May gagawin din pala ako, hahanapin ko ang ama ni jansen."
" Pano mo naman gagawin yun?"
" May binigay sakin si andrew na pagkakakilanlan nya."
" Siguraduhin mong maayos yan. Ayokong masaktan si jansen."
Ngumiti lamang si melany sa ina at pumasok na sa sasakyan.
" Bye lola,bye tita minerva kita kits ulit tayo." Sigaw ni jansen at jairo. Nagmano naman si andrew sa mga ito bilang pamamaalam.
" Hoy jannah bilisan mo na nga dyan aalis na tayo! (Jasper)
" Doon na ako kay kuya luke sasabay para may kausap si ate lia. Kasama din pala nila si tita sandra."
Nakita nga nilang nasa harap ng sasakyan si sandra na kumaway.
" O sya doon kana jannah."
" Bye lola,bye tita mwahhhh!" At agad tumakbo pasakay ng sasakyan ni luke.
Nang paandarin ni melany ang sasakyan.
" Wait mama may nakalimutan ako..." Ng bababa si jansen...
" Wag na jansen iwan mo na muna yun, babalik pa naman tayo dito."
" Alam mo kuya jas? Galing mo talaga hehehe."
" Ako pa hahaha"
" Saranggola mo noh?" Tanong ni andrew na nakangiti. Tumango naman si jansen.
" Ate sandra mauna kayo convoy tayo."
" Sige ingat sa pagmaneho."
Lumabas na ng bakuran ang sasakyan at makikitang kumakaway ang mga tauhan sa mansyon. Tuwang tuwa naman si jairo at jansen na kumakaway sa lahat na nakalabas ang mga kamay sa bintana.
Habang nasa byahe ay sinasabayan ni jansen ang kanta sa radyo. Tuwang tuwa naman ang mama at kuya jas nya sa nakikitang kasiyahan ni jansen na tila walang pinagdaanang pagbabago sa buhay. Nakangiting nakikinig naman si andrew at jairo.
BINABASA MO ANG
SARANGGOLA
General FictionPaano nga ba magpalipad ng saranggola?. May aral ka bang matututunan sa pagpapalipad nito? Minsan kaya mo pang kontrolin ang lipad nito pero dumarating ang pagkakataong hindi na. Dahil sa pabago bagong ihip ng hangin. Parang buhay ng tao, na wala ta...