Chapter 1

1.3K 52 23
                                    

Warning: medyo SPG

Chapter 1

"Pa, sabihin niyo po sa doktor ni Abby hintayin ako at gagawan ko ng paraan ang pampaopera niya." Kagat-kagat ko ang ibabang labi habang kausap sa cellphone ang Papa ko.

Dinig ko ang ilang beses nitong pagpapakawala ng malalalim na paghinga bago muling nagsalita. "Pasensya na anak, nadadamay pa ang ipon mo para sa sarili mo dahil sa sakit ng kapatid mo. Hayaan mo at pag nakaluwag ako ay ibabalik ko ang lahat ng ito sa'yo."

Pakiramdam ko ay dinudurog ang puso ko ng mga salitang naririnig mula kay Papa. Kung hindi lang siguro kami nagkanda-baun-baon sa utang hindi namin dadanasin ito ngayon.

Naaninag ko sa repleksyon ng salamin si Madam Olive, ang matandang may-ari ng strip club na pinagtatrabahuhan ko. Sumisenyas ito na kailangan ko nang lumabas ng dressing room. Tumango ako dito saka pinunasan ang ilang luha na nakawala mula sa mga mata ko.

"S-sige na ho, Pa. Tapos na ho ang break ko. B-baka hanapin na ho ako sa kusina." Halos pumiyok na ang boses ko dala ng sobrang pagpipigil ng luha. Masakit man sa akin, kailangan kong magsinungaling sa kanila.

Buong akala nina Papa ay isa akong cook sa isang restaurant kaya ganoon na lang kalaki ang kinikita ko. Nakatapos kasi ako ng vocational course na may kinalaman sa pagluluto kaya naman ganoon na lang ang kompyansa kong makakakuha ng magandang trabaho sa Maynila.

Iniwan ko ang buhay probinsya para makipag-sapalaran sa syudad ngunit pagdating ko dito, ni isa ay walang tumanggap sa akin at tanging si Madam Olive lang ang nag-alok sa akin ng trabaho. Noong una ay waitress lamang ang trabaho ko pero nang magkasakit si Abby at kinailangan ko ng malaking halaga para sa pagpapagamot niya, pinatos ko ang alok ni Madam na maging mananayaw.

Nooong unang beses akong magtanghal ay halos isumpa ko ang lahat ng lalaking kung tumitig sa katawan ko ay animo'y mga mababangis na hayop. Gustuhin ko mang tumigil, hindi maaari dahil kailangan ni Abby ang pera para tuloy-tuloy ang gamutan.

Sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Isang pulang bikini ang suot ko ngayon na may ilang kumikislap na palawit. Isinuot ko na ang maskara kong itsurang paru-paro bago ako tuluyang lumabas ng dressing room. Oras na naman para magtanghal si Methamorphosis.

Umalingawngaw ang malakas na kantyawan ng mga manyak na customer nang simulan ko na ang pag-giling sa entablado. Bawat hampas ng balakang ko ay bumabato sila ng malulutong na perang papel--kapalit ay ang pagtatanggal ko ng saplot ko sa katawan.

Mariin akong napapikit nang alisin ko ang bra na suot ko. Muling nagsigawan sa galak ang mga hayok sa lamang kalalakihan. May ilang nagtatangkang abutin ako para mahipo ang legs ko ngunit mabilis silang napipigilan ng mga bouncer. Mananayaw ako ngunit hindi ako pokpok kaya ni minsan ay wala pang customer na nakadampi ng kamay sa kahit saang parte ng katawan ko.

Unti-unti ko nang inaalis ang buhol ng panty na suot ko dahilan upang maging wild ang mga nanonood. Nang malapit ko nang maalis ang isa pang tali ay iminulat ko ang mga mata ko.

Halos manlamig ang buong katawan ko nang matanaw sa VIP area ang isang pamilyar na lalaki. Salubong ang kanyang kilay na nakatitig sa akin. Sa kaliwang kamay niya ay may bote ng beer habang ang kanang braso naman ay yakap yakap ng isang babae na sigurado kong hindi galing sa club namin.

Natigil ako sa pagsayaw at tinitigan lang siya. Gusto ko nang magtago ngunit bago ako tuluyang makababa ay kitang kita ko kung paano siyang umiling iling habang masama ang titig sa akin. Imposibleng makilala niya ako. Limang taon na mula nung huli kaming magkita.

Sapo-sapo ko ang noo habang pabalik-balik na naglalakad sa loob ng dressing room. Maya-maya ay marahas na bumukas ang pinto dahilan para mapatalon ako sa gulat.

His Untold FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon