Chapter 23

321 16 1
                                    

Chapter 23

"Texas? Bakit sa Texas? Akala ko ba sa Madrid?" Bahagyang lumakas ang boses ko kaya napatingin sa akin ang ibang pasahero. Patay malisya na lamang akong bumaling sa katabi kong si Johan.

Bahagya siyang natawa. Ang tanga ko naman kasi. Kung hindi pa nagsalita ang piloto na lalapag na ang eroplano sa Dallas, Texas ay hindi ko pa malalamang hindi pa-Madrid ang byahe namin.

Nakamot niya ang batok niya saka nagpakawala ng buntong hininga. "Chill ka lang. I'll explain everything later." Nakangiti niyang tugon. Hindi na ako kumibo at sinunod ko na lang ang bilin ng flight attendant na ikabit ko na ang seat belt ko.

IBANG-IBA ang lugar na ito kumpara sa Pinas. Napaka-unlad, napakalinis, at wala pang traffic.

Huminto ang van na sumundo sa amin sa isang may katamtamang laking bahay. Western ang disenyo ng kulay abong bahay na napalilibutan ng pine trees.

Pagbaba namin sa sasakyan ay kaagad sumalubong sa amin ang isang tantya ko'y nasa early fifty's na babae. Malapad ang ngiti niya na diretsong nakatingin sa akin.

"So this is the girl who changed the black sheep of the family, huh?" Masaya nitong usal. Nang makalapit siya sa akin ay laking gulat ko nang mahigpit niya akong niyakap.

"Mom, this is Tito Santi, Val's father, and this is Faye, her cousin." Untag ni Johan. Humiwalay ang babae sa akin saka nakipag-kamay kina Papa.

"Oh siya, pasok na sa loob nang makapagpahinga na kayo. Lalo ka na, masama sa iyo ang nagpapagod." Muling bumaling sa akin ang mama nila Johan. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"A-alam niyo po?" Nahihiya kong tanong. Lalong lumapad ang ngiti niya.

Bumuntong hininga si Johan. "Sorry, nasabi ko na kay Mom the moment you told to me you're pregnant. Yun din ang rason kung bakit dito tayo instead sa Madrid. Mom insisted it."

"Syempre. This is my first grand child. Dapat lang na mabantayan siyang mabuti. Right, balae?" Untag ni Mrs.Alferez.

Tumawa si Papa saka tumango. "Hindi ligtas doon. Mas mabuti ngang dito na lamang muna."

-

"This is Jomyl's room. Nirequest niyang dito ka daw patuluyin." Nakangiting sabi ni Tita Mara. Pinihit niya ang doorknob saka ako giniya papasok.

Kaagad humalimuyak sa ilong ko ang air freshener ng silid. Napaka-organize ng mga gamit na nakadisplay. Gaya ng silid niya sa Pinas, dominated din ng gray, black at white ang kwarto. Sa kanang bahagi ng bintana ay may drum set na nakalagay habang sa kaliwang gilid naman ay ang may katamtamang laki na kama. Sa taas ng headboard nito ay may napakalaking litrato naming dalawa. Kung di ako nagkakamali, kuha iyon nung unang date namin. Nakasakay kami sa Ferris wheel nang kunin ang litratong iyon. Nakahalik siya sa pisngi ko habang ako naman ay nakadila at naka peace sign sa harap ng camera.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang larawan. Ang dami nang taon ang nagdaan pero hindi pa rin niya iyon tinapon.

Naramdaman ko ang pagtapik sa balikat ko. Nang lingunin ko si Tita Mara ay matamis din siyang nakangito habang nakatitig sa larawan namin ni Jomyl.

"The day he decided to finally live here, napansin ko na kaagad ang pagbabago sa anak ko. You know, Jomyl's always been the hard headed one. Napakatawag gulo, hindi umuuwi ng walang galos ang mukha, at palagi na lang dahilan ng pagkasira ng pangalan ng tatay niya. But since the day he went here, parang nagbago ang lahat." Untag ni Tita Mara habang nakatitig pa rin sa larawan. Maya-maya'y tumingin siya sa akin saka hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Thank you for changing my boy. Dahil sa'yo, natuto siyang mangarap. Nagtapos siya bilang architect, nawala ang bisyo niya, at natuto siyang magseryoso sa buhay." Unti-unting nangilid ang luha ni Tita Mara.

His Untold FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon