Chapter 7

379 17 7
                                    

Chapter 7

Naunang lumabas ng bar sina Krystal at Jomyl kaya halos sabay kaming nagpakawala ng malalim na buntong hininga ni Inno. Nagkatinginan pa kami at sabay na natawa.

"That bastard, he never changed. He's still that selfish horndog who wants to claim everything as his property. Mukhang kailangan ko nang ihanda ang panga ko para saluhin ang suntok niya mamaya." Nakangising usal ni Inno habang nakahalukipkip.

Mapakla ko siyang nginitian. "Hindi niya yun gagawin. Ako na ang bahala sa mokong na yun."

Muli siyang nagpakawala ng buntong hininga saka umakbay sa akin at nagsimulang maglakad. "Tara na nga bago pa yun bumalik at kaladkarin tayo palabas." Untag niya habang patuloy sa paghila sa akin.

Paglabas namin ay dumiretso si Inno sa isang big bike na kulay puti. Binuksan niya ang compartment nito at kinuha roon ang isang extrang helmet na kulay puti rin.

"Here. Isuot mo na." Aktong kukunin ko na ang helmet nang bigla na lang may kung sinong umagaw nito. Paglingon ko ay masamang nakatitig si Jomyl sa nakangising asong si Inno.

"Did you came here to insult me, bro?" Seryoso at tila naghahamong tanong ni Jomyl. Tumawa lamang si Inno na lalo lamang nagpatiim sa bagang ni Jomyl.

"Ano ba, Jomyl? Gusto kong di--" Pakiramdam ko'y biglang umurong ang dila ko nang ibaling niya ang masama niyang titig sa akin. Ang gwapo ng mokong!

"GET.IN.MY.CAR.NOW." Nagngingitngit sa galit ang kanyang ngipin nang sabihin iyon sa akin. Para bang biglang nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa takot sa kanya.

Natulala lamang ako sa kanya habang siya ay masama ang titig na ibinabato sa amin ni Inno.

"Enough, love. Let her go with Inno. Ayoko rin magdrive so sa kotse mo ako sasakay, okay?" Malanding usal ni Krystal habang hinihipo pa ang matigas na dibdib ni Jomyl.

"But--"

"Ayokong sumabay sayo. Gusto kong dito sa motor ni Inno sumakay. Sige na, bago pa maubos ang oras natin dito." Aapela pa sana si Jomyl ngunit inunahan ko na siya. Mariin siyang napapikit at naihilamos ang palad.

"Fine. Magsama kayo. Damn it." Galit nitong tugon saka tumalikod at naglakad papunta sa sasakyan niya. Bago siya tuluyang sumakay ay muli pa niya akong tinapunan ng matatalim na tingin. Napalunok na lang ako. Galit na naman ang damuho!

"Alright! Tara na. Inno, you know the place naman diba? We'll just meet you there. See yah!" Maarteng usal ni Krystal saka sumunod kay Jomyl sa kotse.

Napabuntong hininga ako. Dapat pa ba akong sumama? Masama ang kutob ko dito.

Marahas na pinabarurot ni Jomyl ang itim niyang ranger palayo. Nakatulala lamang ako dito at pinagmamasdan itong lumiit ng lumiit sa paningin ko. Nagbalik lamang ako sa wisyo nung maramdaman kong may kung anong isinuot sa ulo ko. Paglingon ko kay Inno ay nakangiti niyang isinusuot ang helmet niya.

"Let's go?" Masaya nitong alok bago tuluyang sumakay sa big bike niya. Tumango ako saka sumakay na rin.

**

"Val, you wanna ride the white one? Pwede kitang alalayan." Naibaling ko ang tingin kay Inno na nakahalukipkip rin habang nakatitig sa higit isang dosenang mga kabayo. Sa di kalayuan ay natanaw ko si Kyrstal na nakasakay sa isang kulay brown na kabayo. Bagamat mabagal pa lang ang takbo nito ay hindi maipagkakailang sanay siya sa ginagawa.

"Ahm, hindi na siguro. Baka mahulog ako eh." Usal ko. Tumawa siya saka umiling. "Alright. Tawagin mo ako kapag gusto mong sumakay." Untag niya saka nagsimulang lapitan ang isa sa mga kabayo di kalayuan sa pwesto namin.

Pinagmasdan ko na lang si Inno at Krystal habang mabagal na pinatatakbo ang kanilang mga kabayo. Parang may pinag uusapan pa ang dalawa dahil madalas ngumisi si Inno habang si Krystal naman ay panay ang irap dito.

"Enjoying the view, huh?" Halos mapatalon ako nang marinig si Jomyl na magsalita mula sa likuran. Napalunok ako nang makitang salubong na naman ang kanyang mga kilay.

Muli kong ibinalik ang tingin sa mga kabayo. "Nakakaaliw silang tignan. Natural lang na mag-enjoy ako." Tugon ko. Pinigilan ko ang sarili ko kahit gustong gusto ko na siyang tarayan. Magmula nung dumating kami dito ay hindi niya kami pinapansin at lagi na lang salubong ang kilay niya.

"Really? Dahil sa mga kabayo o dahil kay Inno?" Tila nanunuya nitong sabi. Nakagat ko ang labi ko dahil sa narinig. Humarap ako sa kanya at tinapunan siya ng masamang tingin ngunit sinalubong lamang niya ako ng nakangisi ngunit halatang naiinis na itsura.

"What the hell is wrong with you? Ano bang problema mo ha?! Kung makapagsalita ka akala mo naman big deal sayo iyon." Kahit subukan kong kontrolin ang sarili ko ay hindi ko magawa. Nakakairita na ang ginagawa at ipinapakita niya.

Nawala ang ngisi sa labi niya. Kitang kita ko rin kung paanong tumiim ang panga niyang animo'y nagpipigil ng galit. Humalukipkip siya at lalong sinamaan ang tingin sa akin.

"Wag ka na ulit aangkas sa motor ni Inno. Sa akin ka lang pwedeng umangkas, naintindihan mo?" Usal nito. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Eh wala ka namang motor, kotse yung sayo?" Untag ko. Maya maya'y unti-unti nang lumandas ang mapanuya niyang ngisi sa kanyang mapupulang labi. He bit his lower lip while he's raising one of his god damn manly eyebrows. Oh great! The devil has returned. Fuck.

"Bwisit ka!" Nanggagalaiti kong pinagsasapak ang dibdib niya. Hindi niya ako pinigilan at tawa lang siya ng tawa. Halos maiyak naman ako dahil sa pagkainis lalo na't nakikita kong hindi man lang siya nasasaktan sa ginagawa ko. I have the lust to kill this bastard right now.

Nang tuluyan na akong lumuha dahil sa sobrang inis ay doon na rin siya tumigil sa pagtawa. Hininto ko ang pagsuntok sa dibdib niya nung mapansing mapakla ang ngiting mayroon sa labi niya.

Ilang segundo ang lumipas na nakatitig lang siya sa akin. Maya-maya'y bigla na lamang niyang hinaplos ang pisngi ko para punasan ang luha ko.

"Feels like old times... Old times na ako na lang ang aware, ako na lang ang nakakaalala, at ako na lang rin ang nagagawang saktan." May kung ano sa boses niya nang sabihin iyon. He sounds so hurt ngunit hindi ko maintindihan kung bakit. Nakikita kong may hinanakit sa mga mata niya pero pilit itinatago ng peke niyang ngiti.

Sobra akong naguluhan dahil sa sinabi niya kaya bago pa man ako makapagsalita ay tinalikuran na niya ako. Wala akong ibang nagawa kundi ang titigan siya habang naglalakad siya papalayo.

Mariin akong napapikit saka mapaklang napangiti. Alam na alam ng gagong ito kung paano ako totorturin. Alam niyang maaapektuhan ako kung ipapaalala niya sa akin si Johan. He really sound like his brother kanina at ngayon, narealize ko na. Biglang nag echo sa utak ko ang sinabi niya sa club.

Yan ang kabayaran ng pag-iwan mo sa kapatid ko...

He's doing this to torture me. Gusto niya akong pahirapan sa pamamagitan ng pagpapaalala sa akin sa ginawa ko noon. Napakarumi mo talagang maglaro, Jomyl!

*******###*******

A/N: Short update lang muna. Huhu. Sorry bawi ako guys. How was it? Next chapter may sikretong mabubunyag :D

Anyway, add me on Facebook :)
Search niyo lang Unfadingscars watty :)

His Untold FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon