Chapter 9

336 19 9
                                    

Chapter 9

"Baka hindi tayo kayanin ng kabayo!" Pilit akong bumababa ngunit matindi ang pagkakaharang ng mga braso niya sa katawan ko. Dalawa kaming nakasakay sa kabayo at sobrang dikit ng mga katawan namin. Nararamdaman ko pa ang mainit niyang hiningang tumatama sa balikat ko dahil sleeveless lang ang suot ko. Maging yung 'malaking bagay' ay hindi maiwasang dumikit sa likuran ko.

Sinimulan na niyang patakbuhin ang kabayo pero mabagal lang. Para lang kaming namamasyal dahil sa kabagalan ng lakad nito. "Relax, okay? Kung wala kang gusto sa akin well then wala kang dapat ikailang, hindi ba? Or else..." Mapang-asar nitong sabi.

Hindi pa nakuntento ang damuho at pinilupot pa talaga ang isang kamay sa bewang ko habang ang isa ay nakahawak sa tali. Parang biglang nagsiakyatan sa mukha ko ang lahat ng dugong nananalaytay sa katawan ko dahil sa ginawa niya. Ipinatong niya pa ang baba niya sa balikat ko dahilan para iritable ko siyang lingunin. Matamis ang ngiti niya na tila tuwang tuwang makitang nabubwisit ako sa kanya. "I'm sorry, baby. But my awesomeness is just so irresistable." Mayabang nitong usal.

I rolled my eyes at him saka ko siya mahinang siniko. "Seriously, Jomyl. Talaga bang ganyan kalaki ang galit mo sa akin kaya pati mga linya ni Johan ginagaya mo. huh? Tell me, why can't you fucking forgive me? Bakit ang hirap mo kong patawarin to think na hindi naman ikaw ang iniwan ko?" There. Finally nasabi ko rin.

I don't really get him. He's too affected sa ginawa ko kay Johan habang yung mismong kapatid niya ay ni wala na ngang pakeelam.

Napansin ko ang biglang pagbabago ng ekspresyon niya. Umigting ang panga niya at iniwas niya ang nakakatakot niyang tingin sa akin. Parang nasusuffocate ako ng kung ano mang klaseng atmosphere ang namamayani sa pagitan namin ngayon. I don't know what to say anymore. Hindi rin naman kasi ako nagpreno, those words are below the belt.

It took him almost a minute bago siya nagsalita. Nakatitig pa rin siya sa malayo at unti unti na niyang inalis ang pagkakahawak sa bewang ko. His grip on the rope is too tight na senyales na galit siya.

"Bakit mahirap para sa atin ang magpatawad? Kasi masakit sa ating isiping minsang dumating yung araw na pinili nila tayong saktan habang wala tayong ibang ginawa kundi ang mahalin at pahalagahan sila" Seryoso niyang sabi saka ako sinulyapan.

Napalunok ako dahil sa matinding galit na nakita ko sa mga mata niya. No, he's not just mad. He's in pain to be exact pero ang OA naman atang ganun siya kaaffected sa break up namin ni Johan?

Natigil na lang ang pag-iisip ko nang mabilis niyang pinatakbo ang kabayo. Halos tumalon palabas ng dibdib ko ang puso ko dahil sa takot. Napapikit ako at wala sa sariling napayakap sa isa sa mga braso niya. Naramdaman ko na lang maya-maya ang unti unting pagpulupot ng isang braso niya sa bewang ko kasunod ay ang dahan dahang pagbagal ng takbo ng kabayo hanggang sa tuluyan na nga itong huminto.

Bumaba siya mula rito saka ako inalalayan pababa. "Tara na, let's go somewhere else." Seryoso nitong sabi bago hinawakan ang kamay ko at kinaladkad ako palabas ng rancho. Nasulyapan ko pa si Krystal na nakatitig sa amin. Hindi na halos maipintaang mukha niya.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang magpatianod sa paghila niya sa akin hanggang sa marating namin ang sasakyan niya. Agad niya akong pinapasok doon at siya pa ang nagkabit ng seatbelt ko bago siya tuluyang pumasok sa driver's seat. I admit it. Hindi ko kayang tagalan si Jomyl kapag ganito siya kaseryoso. He's scaring the shit out of me for goodness sake!

Pasalamat na lang rin siguro ako at hindi umiral ang pagiginhg kaskasero niya pagdating sa pagmamaneho ngayong kasama niya ako. Tahimik lang akong nakatanaw sa labas ng bintana habang siya ay seryoso pa rin ang itsura na mukhang wala naman balak na kausapin ako.

His Untold FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon