Chapter 21

298 17 3
                                    

Chapter 21

Saglit kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Hindi ko maiwasang mapangiti. Kabisado talaga ni Jomyl ang sukat ko. Tamang tama lang sa akin ang fit ng bikining binili niya. Naalala ko tuloy yung closet na puno ng damit na size ko.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumabas. Hindi na ako nagtapis pa. Ano pa bang dapat kong ikahiya? Ibinigay ko naman na ang lahat lahat kay Jomyl at handa ko pang ibigay ang kung ano pa mang kailangan niya.

Umakyat ako sa deck. Natanaw ko kaagad si Jomyl na nakahiga at nagbibilad sa araw. Naka surfing shorts na siya at nakasun glasses. Hindi ko maiwasang mapasadahan ng tingin ang mala adonis niyang katawan.

Magmula sa kanyang matipunong balikat, pababa sa kanyang tyang may anim na pandesal na nakaumbok, hanggang sa parteng ang makasalanang gaya ko lang ang kakayaning tumingin. Napaka-yummy talaga ng lalaking ito. Kung hindi lang ako ang babae baka tumalon na ako sa ibabaw niya at nilantakan siya.

Ipinilig pilig ko ang ulo ko upang burahin ang kung ano mang iniisip kong kabalbalan. Nang ibalik ko sa kanyang mukha ang tingin ko'y napansin ko kaagad ang pagtitig niya sa akin. Nakagat ko ang labi ko. The way he lick his god damn lips make my ovaries explode.

Inalis niya ang kanyang salamin saka sumenyas na lumapit ako. Parang matutumba pa ako dahil sa panghihina ng tuhod.

Nag indian sit siya nang makalapit ako. Iginiya niya akong maupo sa tabi niya. Hindi pa rin naaalis ang titig niya sa akin. Kinuha niya ang sun block sa tabi niya at inilagay iyon sa katawan ko. Tumitindig ang balahibo ko sa tuwing lumalapat ang mainit niyang palad sa balat ko lalo na nang lagyan niya ang mga hita ko. Nakita ko pa ang ngising lumandas sa labi niya habang nilalagyan ng sun block ang legs ko. Manyakis!

Nang matapos siya ay hinawi niya ang buhok kong napunta sa mukha at inilagay ang lahat ng buhok ko sa isang side lang. Halos mapasinghap ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa likod ng tenga ko.  He ran his fingers on my exposed shoulder. Nakagat ko ang labi ko dahil sa ginawa niya.

Tumindig ang balahibo ko nang halikan niya ang balikat ko. Kakaiba talaga ang epekto ng lalaking ito sa akin.

Dahan dahan niyang ihinarap ang mukha ko sa kanya saka niya ako mariing siniil ng halik. His kisses wanted more so as my body. Napakalalim, masyadong nakakalasing.

Bahagya akong nainis nang putulin niya ang mainit naming halikan. Damn it, Jomyl. I want more!

Ikinulong niya sa mga palad niya ang magkabila kong pisngi saka niya hinalikan ang dulo ng ilong ko. Halos mabingi na ako dahil sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko.

Matamis na ngiti ang unti-unting lumandas sa labi niya. Tumayo siya saka ako hinila papunta sa pinakamababang bahagi ng yate kung saan tumatama na ang tubig. Tumalikod siya sa tubig saka ipinulupot ang magkabilang braso sa bewang ko.

Isang ngisi na naman ang lumandas sa labi niya. "Mas sumexy ka yata? Sarap mong kagatin." Nakakaloko niyang usal. Bago pa man ako makapagsalita ay naangkin na niyang muli ang mga labi ko.

His kisses makes me crazy. Bawat galaw ng labi niya'y dinadala ako sa alapaap.

Maya-maya'y naramdaman ko na lang ang paghigpit ng yakap niya sa akin. Bigla na lang siyang nagpatihulog sa tubig habang hinahalikan ako. Tila nagslowmo ang lahat. This is so perfect.

His Untold FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon