Chapter 6

416 17 18
                                    

Chapter 6

"Ibig mo bang sabihin kailangan mong mapauwi si Johan para hindi ituloy ni Jomyl ang banta niya sa'yo?" Kagat-labi akong tumango kay Dahlia. Nasapo niya ang kanyang noo. "Damuho yun ah! Kung alam ko lang na gagawin niya iyan sa'yo hinayaan ko na lang sana siyang mamatay kakahanap sa'yo." Nanggagalaiting usal niya.

Mapakla akong ngumiti. "Ayos lang. Siguro kailangan din talaga niya ang tulong ko. Nakita ko kung papaano siya bugbugin ni Governor Alferez. Siguro matindi lang talaga ang kagustuhan niyang mapauwi si Johan kaya niya nagagawa iyon. Kahit naman siraulo yun dati, alam kong mabuti pa rin siyang tao. Ang pinag-aalala ko ay mukhang may namamagitan ngayon kina Jomyl at Krystal."

Sandaling natigilan si Dahlia sa pagnguya. Nilunok muna niya ang pasta na nasa bibig bago nagsalita. "Yung bruhang si Krystal? Ang akala ko ay ilusyunada lang siya. So totoo pala?" Kunot-noo nitong komento saka muling sumubo ng pasta. Nang maubos niya ang nasa bibig ay muli siyang nagsalita na nakaduro pa sa akin ang tinidor na ginagamit niya.

"Siguro about six months ago, nagdeklara si Governor na tatakbo ulit at mukhang magkaalyado nga si Congressman Sembrano at si Gov. Merong isang event nun na dinaluhan ang dalawang pamilyang iyon. Nakita ko doon si Jomyl at yung si Krystal ay panay ang dikit sa kanya. Nang interviewhin nga ang bruha kung may relasyon sila, aba't akalain mong nagkunwari pang tinamaan ng hiya ang higad na iyon at sinabing no comment daw muna dahil masyado daw private ang bagay na iyon, sa kanila na lang daw muna ni MJ yun. Sus! Feeling!" Pailing iling nitong sabi.

Pakiramdam ko nakaramdam ako ng pagkainis at pagkabalisa. Paano kung may alam si Krystal sa usapan namin ni Jomyl? Kung sakali mang totoong may namamagitan sa dalawa, hindi malabong madiskubre ni Krystal ang tungkol sa mga litrato at video namin. Bigla akong tinakasan ng kulay dahil sa naisip.

"Uy, ayos ka lang? Bakit bigla kang namutla dyan?" Tila nagtatakang usal ni Dahlia. Agad kong kinuha ang inumin ko saka uminom bago ko siya binalingan. "Dahlia, mukhang delikado ang lagay ko kung sakaling may relasyon sila."

Mukhang naintindihan niya kaagad ang ibig kong sabihin kaya natigil siya sa pagkain at natutop ang bibig. "Oh my gosh!" Nag-aalala nitong bulalas. Maya-maya ay mabilis niyang inilabas ang cellphone niya at may tinawagan doon.

"Hello? Hello, Kris? Hindi ba't may numero ka ni Johan? Pakiforward nga sa akin. Importante lang, salamat." Ilang sandali pa ay ibinaba na niya ang tawag saka kinalikot ang cellphone at muling may tinawagan. Nang sagutin ang kanyang tawag ay agad niyang niloud speaker ito.

"Hello?" Pakiramdam ko'y sandaling tumigil sa pagtibok ang puso ko nang marinig ang boses ng tinawagan ni Dahlia. Nagpabalik balik ang tingin ko sa cellphone at kay Dahlia na halatang tuliro ding gaya ko.

"Hello, Johan? Si Dahlia to, Dahlia Santiago. Yung ka-batch mo sa Concepcion Academy?" Tila nag aalangan pang pagpapakilala ni Dahlia.

Sandaling tumahimik si Johan pero maya-maya'y biglang sumigla ang boses niya. "Ah! Dahlia, right! The girl with a thick eye glasses." Untag nito saka bumungisngis ng tawa.

Nakita kong nakagat ni Dahlia ang ibabang labi niya na tila nagpipigil ng pagkainis. "Oo, ako nga yun. Tse!" Usal ni Dahlia saka umirap na akala mo'y nakikita siya ng kausap.

Tumigil si Johan sa pagtawa saka muling nagsalita. "Zup, D. How's life? Napatawag ka ata?"

Tumingin sa akin si Dahlia bago muling sinagot si Johan. "I uh, I actually want to ask you a favor." Nag-aalinlangan nitong tugon sa kausap.

"Favor? Sure. About what?" Nagkatinginan kami ni Dahlia na tila nagtuturuan kung sinong magsasalita. Napabuntong hininga ako nung mukhang wala na siyang balak pang sumagot kay Johan.

His Untold FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon