Chapter 22

292 18 3
                                    

Chapter 22

Mugto na ang mga mata ko at halos hindi ako nakatulog buong gabi. Walang mapaglagyan ang lungkot na lumalamon sa akin. Mali nga yatang desisyong humingi pa ako ng isang araw para makasama si Jomyl. We shared the best day of our lives, ngayon hirap na hirap na tuloy akong panindigan ang pangako kong titigilan ko na siya pagkatapos ng araw na iyon.

Naalala ko na naman ang huli niyang sinabi nang ihatid na niya ako pauwi.

"Do me a favor, go away..."

Parang tinatarak ng kutsilyo ang puso ko sa tuwing naaalala ko iyon. Hindi ko siya maintindihan. Sa buong araw na nagkasama kami, naramdaman ko yung pagmamahal niya. Alam kong hindi siya nagpapanggap dahil iyon mismo ang klase ng Jomyl na bumihag sa puso ko. Pero nung akala kong hihilingin niyang manatili na lang ako, gumuho ang mundo ko. Wala akong ibang choice kundi ang sundin ang hiling niyang lumayo na ako.

"Ingatan mo ang sarili mo doon ha?" Naluluhang bilin ni Dahlia. Pilit akong ngumiti saka yumakap ng mahigpit sa kanya. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang nagbabadya kong luha. Ang galing galing talaga ng katawan ko, hindi talaga nauubusan ng iluluha kahit pagod na pagod na akong umiyak.

Naramdaman ko ang paggulo ng kung sino sa buhok ko. Nang lingunin ko ay nakita ko ang may pilit na ngiting si Inno. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Dahlia saka yumakap naman kay Inno na parang iiyak na rin.

"Bantayan mo nga si Faye doon. Baka mamaya magpaligaw sa espanyol yan. Baka mapasugod ako doon ng wala sa oras pag nagkataon." Parang bata niyang bulong. Natawa tuloy ako dahil sa narinig. Sinasabi ko na nga ba, kaya pala palaging si Faye at itong mokong na ito ang madalas kong makitang magkasama. May something na pala.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya saka pinitik ang noo niya. "Aray ko , Val! Tss. Aalis ka na nga lang mananakit ka pa." Iritado niyang hinilot ang noong namumula dahil sa pitik ko. Natawa na lang ako. Ang swerte ni Faye sa mokong na ito.

"Wag kang mag-alala, babakuran ko ng maigi yang si insan." Usal ko saka siya nginitian. Umaliwalas ang mukha niya.

Nagpakawala siya ng buntong hininga saka pilit akong nginitian. Sinenyasan ko na siyang puntahan na si Faye na abala pa rin sa pakikipag daldalan kay Johan.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang magyakap si Faye at Inno. They look perfect for each other. Napakakalog nilang dalawa. Most of the time, kahit napakanonsense na ng usapan nila, parang iyon pa rin ang pinakamasarap na usapan na mapapakinggan mo.

Maybe the saying is right, people who are madly in love always talk about nonsense things yet still thinks it's the best things to talk about.

Naalala ko tuloy nung kami ni Jomyl, madalas mga wala ring kakwenta kwentang bagay ang napag uusapan namin. Mauubos ang oras namin sa mga ganoong usapan. Those were some of my best memories with him. Nakakalungkot lang na alaala na lang ang lahat ng iyon ngayon.

Humigpit ang kapit ko sa bag ko nang marinig ko si Johan na sabihing kailangan na naming umalis. Nakita kong tumapat sa akin ang isang pares ng sapatos na panglalaki. Nag-angat ako ng tingin kay Papa. Nakangiti niyang inilahad ang kamay niya upang alalayan akong tumayo. "Halina, anak? Baka mahuli tayo?"

Nangilid ang luha ko. Ito na talaga yun, wala na talagang atrasan ito.

Nanginginig ang kamay kong tinanggap ang kamay ni Papa. Huminga ako ng malalim bago nagsimulang maglakad. Wala nang mapaglagyan ang sama ng loob ko sa mga oras na ito.

"Hey, you're gonna be okay. I promise." Tinapik ni Johan ang balikat ko. Pilit akong ngumiti saka tumango bilang tugon.

I'm gonna be okay? Sana ganoon nga kadali maging okay matapos ang lahat ng nangyari. Siguro nga magiging okay ako, pero paniguradong hindi kaagad. Kakaibang sugat sa puso ang naidulot sa akin ni Jomyl. He ripped my heart yet it still beats for him.

His Untold FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon