Chapter 3

511 36 4
                                    


Chapter 3

"Oh, hi! It's been a long time, Jomyl." Masaya nitong bati saka bumeso kay Jomyl. Halos hindi naman maipinta ang mukha ng balahurang lalaking kasama ko.

Bumaling sa akin si Anika saka makahulugang nagpabalik-balik ang tingin sa amin ni Jomyl.

"You're Jomyl's girl? You're Valeen Collado?" Tila hindi makapaniwala niyang sabi habang bahagyang nakakunot ang noo.

Awkward akong ngumiti. Si Jomyl ay tila iritadong tumango. "Yeah. She's my girl."

Muling bumalik ang tingin sa akin ni Anika. Hindi ko alam pero amy kakaiba sa titig niya sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa saka muling bumaling kay Jomyl. "I didn't know na marunong kang mag--"

"Babe, kailangan na nating bumalik sa ospital. Let's go?" Nakangiti ngunit halatang naiinis na nagsalita si Jomyl kaya naputol ang sinasabi ni Anika.

Gusto ko sanang malaman kung anong sinasabi niya ngunit bago pa man ako makakibo ay nahila na ni Jomyl ang kamay ko. "It's nice to see you, Anika. Goodbye." Walang emosyong sabi ni Jomyl bago niya ako kinaladkad palabas ng boutique.

Seryoso lang siyang nagmamaneho at tila naiinis. Panay din ang pagbuntong hininga niya at paghilot sa sintido.

"Ahm. Diba gusto mo si Anika nung highschool tayo?" Untag ko. Masama niya akong tinignan bago niya muling ibinalik ang tingin sa daan. "Ano naman ngayon?" Masungit niyang sagot sa akin.

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. ano bang problema nito? Bakit ang highblood? Eh ang alam ko nga gustong gusto siya ni Anika noon.

Nagpasya na lang akong ibaling ang atensyon sa labas ng bintana. Hindi ko kaya ang aura niya. Masyado siyang seryoso at nakakatakot.

Nakita ko sa repleksyon ng salamin ang pagsabunot niya sa buhok niya kasunod ay ang malalim na pagbuntong hininga. Gusto ko na lang sanang ipikit ang mga mata ko at magkunwaring tulog ngunit bigla siyang nagsalita. "Anika is Johan's girlfriend."

Nanlalaki ang mga mata akong bumaling sa kanya. Hindi niya ako tinapunan ng tingin ngunit tila iritadong ihinilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha.

Sinubukan kong ngumiti at magpanggap na hindi naaapetuhan. Now I'm getting his deal. Kaya pala...

"So? Ang pinakamamahal kong ex at ang babaeng mahal na mahal mo na pala ngayon? Kaya ba gusto mong magselos si Johan? Para maghiwalay sila ni Anika?" Sarkastiko kong sabi habang wala sa sariling nakatitig sa daan.

Isang malalim na buntong hininga ang pinawalan niya bago nagsalita. "No, Valeen. Hindi sa ganun."

Mapakla akong ngumiti saka tumingin sa kanya. "Okay lang. Mas matatanggap ko pa na yun ang rason kung bakit mo ako gustong mapunta sa sitwasyong ito. Okay lang, naiintindihan ko, Jomyl. Nagmamahal ka lang kaya mo yan nagagawa."

Para bang ikinabigla niya ang sinabi ko. Biglang nawala ang pangungunot ng noo niya at napalitan ng lungkot. Muli niyang ibinalik ang atensyon sa daan. "Yeah. Nagmamahal lang..." Makahulugan niyang bulong.

Iniwas ko na lang ang tingin sa kanya. Hindi na ako ulit nagsalita hanggang sa marating namin ang ospital.

Pagkahinto ng kotse sa entrance ay agad na akong bumaba. Hindi na ako nagpaalam sa kanya at diretso na akong pumasok sa loob. Nakakailang hakbang na ako palayo sa sasakyan niya nang marinig ko ang marahas na pagbarurot ng kotse niya paalis. Halos tumalon sa takot ang puso ko. Mabuti na lang at hindi siya kaskasero nung nakasakay ako.

Tatlong araw ang lumipas at hindi nagparamdam sa akin si Jomyl. Mabuti na rin iyon para magkaroon naman ng peace of mind ang sarili ko kahit sandali.

His Untold FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon