Chapter 26

317 15 4
                                    

Chapter 26

"So, what changed your mind? I thought ayaw mo ng politics?" Usal ko habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang daliri ko.

Nag angat siya ng tingin sa akin saka matamis na ngumiti. Hinawakan niya ang baba ko. "I told you, I'll do everything for you."

Bumangon siya at dinampian ng halik ang dulo ng ilong ko. Napapikit ako dahil sa ginawa niya. May kakaiba talagang naidudulot sa akin maging ang mga simple niyang paglalambing. There's this certain effect only him could give to me.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang matamis niyang ngiti. Maging ang mga mata niya ay tila nakangiti rin. Those mesmerizing eyes, I wonder, ilang babae na kaya ang napa-ibig ng mokong na ito dahil sa mga mata niya? Ang alam ko, palagi talagang unang napapansin ay ang mga mata niya. Pangalawa na lang ang tindig niya at kung paano niya dalhin ang sarili.

"Hindi mo na kailangang gawin ang lahat. Basta nasa tabi kita, ayos na sa akin. Wag mong pilitin ang sarili mong gawin ang mga bagay na hindi mo naman gusto. You've done enough, Jomyl."

Sandali siyang hindi kumibo at pinakatitigan lang ako. Para bang may kung anong tumatakbo sa isip niyang hindi ko mabasa. Maya-maya'y nagpakawala siya ng isang buntong hininga.

"I may have given enough, but I would still do more for you. Even the things that kills me or takes me out of my league. Isang bagay lang ang hindi ko kaya. Something that really terrifies me." Muli siyang lumapit at ikinulong ako sa kanyang bisig.

Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa lantad kong balikat.

"Huwag na huwag mo lang hihilinging lumayo ako sa'yo dahil hinding hindi ko gagawin yun. Everything about you is mine...And mine only, Valeen. Akin ka lang." Humigpit ang yakap niya.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi niya. What have I done to deserve him? Makasalanan akong tao ngunit pinagpala pa rin ako pagdating sa lalaking magmamahal sa akin.

A tear rolled into my cheek. What's so special with me? Hindi ko pa rin maiwasang itanong iyon sa sarili ko. Ano nga ba?

He started kissing my shoulder. May kung anong kiliti na naman ang gumapang sa aking katawan. Unti-unting bumigat ang kanyang paghinga, and the next thing I knew, I was already on top of him while he's busy claiming my lips.

He's about to cup my mountains when three loud knocks on the door destroyed the moment. Mahina siyang napamura saka ako maingat na hiniga sa kama.

"What?!" Asik nito habang papunta sa pinto. Binuksan niya ito ngunit hindi ganoon kalaki ang pagkakaawang.

"Dude, she's here." Ani Johan.

Hindi ko alam kung sinong tinutukoy niya ngunit may kung ano itong naidulot sa akin. Parang hindi maganda ang kutob ko sa pinag-uusapan nila.

"Damn it!" Napahilamos si Jomyl ng kanyang palad. Bumalik siya sa kama at dinampot ang t-shirt. Inilahad niya ang kanyang kamay. "Let's go, baby. This has to stop."

Sandalikong tinitigan ang kamay niya. Sumulyap ako kay Johan na ngayon ay hindi na mapinta ang mukha. Lumunok ako bago tuluyang iniabot ang palad ko.

Maingat niya akong inalalayan. Dumausdos ang palad niya sa bewang ko.

Hindi ko maiwasang mangamba dahil sa nakikitang itsura ng magkapatid.

Pagdating sa sala ay nakita ko ang isang pamilyar na babae. Nakatalikod ito at nakaharap sa mama nina Jomyl.

"What are you doing here, Krystal?" May pagpipigil ng galit sa tono ni Jomyl.

Tumayo si Krystal at makahulugang ngumisi. Nagsimula siyang lumakad palapit sa amin. Bigla na lamang siyang yumakap kay Jomyl na akala mo ay hindi ako nakikita.

"Woah, woah! Hey, bitiwan mo ako." Mabilis na kinalas ni Jomyl ang mga braso ni Krystal ngunit lalo lamang lumaki ang ngisi nito.

Bumaling siya kay Johan. "Which way is the powder room?"

Sandaling tumingin sa amin si Johan bago niya itinuro ang banyo.

"That way." Ani Johan.

"Thanks, brother." Mapang asar nitong sabi bago nagpunta sa banyo.

Kaagad na hinawakan ni Jomyl ang balikat ko. I can see how worried he is. Pilit akong ngumiti. "I'll be fine. Hindi niya ako masasaktan."

Saglit niya akong tinitigan. Maya-maya'y nagpakawala siya ng isang mahabang buntong hininga bago ako niyakap. "She won't. I won't let even the tip of her nails touch you."

Nakaramdam ako ng seguridad dahil sa sinabi niya. Yumakap akong pabalik at ibinaon ang mukha sa kanyang matipunong dibdib.

Lumipas ang ilang minuto at bumalik na ang bruha. Lumapit ito kay Mama na halatang naiirita rin sa presensya niya.

"Tita, bukas pa kasi ang flight ko, wala na rin akong makuhang hotel, dito na lang po muna ako magstay. Don't worry wala po kaming gagawin ni Jomyl." Humalakhak ang bruha.

Kumuyom ang palad ko sa narinig. Gustong-gusto ko siyang sugurin.

"You can stay, but you'll sleep in the guest room, not on my son's bed." Iritadong usal ni Mama. Pasimple akong napangiti nang layasan niya si Krystal.

"Val, anak, halika na maghain na tayo." Sigaw ni Mama. Lalong lumaki ang ngiti ko. Nang sulyapan ko si Krystal ay halos mamula na ang buong mukha niya. Serves you right, bitch.

-

Matigas talaga ang apog ng isang ito. Talagang tumabi kay Jomyl sa hapagkainan, nawala tuloy ang gana kong kumain kaya naman dumiretso na lang ako sa kwarto.

Tumunog ang alarm ko, senyales na oras na para sa vitamins ko. Pumunta ako ng banyo at kumuha ng isang tableta sa lagayan.

Parang pumait yata? Untag ko sa sarili.

Nawala ang iniisip ko nang bumukas ang pinto at iniluwa si Jomyl. Matamis siyang ngumiti saka yumakap mula sa likuran.

"Are you okay, baby?" Ani niya saka humalik sa pisngi ko.
Tinignan ko ang repleksyon namin sa salamin. This is what perfection means for me. I hope we could stay like this forever.

Simple akong ngumiti saka umikot paharap sa kanya. Agad pumulupot ang mga braso niya sa bewang ko habang ang mga braso ko naman ay nakahawak sa magkabila niyang pisngi.

Hindi ko maiwasang humanga sa lahat ng tungkol sa kanya. He may not be perfect, but at least he's real, that's enough for me.

He started licking his lips and I find it seductive. Nagtama ang aming mga mata. Naramdaman ko na naman ang init na nagmumula sa aming dalawa.

Unti-unting lumapit ang kanyang mukha sa akin. He began claiming my lips hungrily. Nakakalasing ang kanyang halik. Dinadala na naman niya ako sa langit.

Tinutunaw ng nag aalab niyang pagmamahal ang lahat ng sama ng loob ko.

He began carresing my mountains. Unti-unting napunta ang kanyang halik sa leeg ko.

I felt something between my thighs, ngunit hindi ito gaya ng dati. Unti-unting kumirot ang loob ng tyan ko. Napakapit ako sa kanya. Habang tumatagal ay hindi ko na makayanan ang matinding sakit. Napasigaw na ako at naluha.

May maiinit na likidong gumapang sa hita ko. Halos manlumo kami nang makita ang malapot na dugo mula sa gitna ng hita ko.

Taranta niya akong binuhat saka siya tumakbo palabas ng bahay. Nakita kami nina Johan at maging sila ay nataranta.

Si Johan na ang pumwesto sa driver's seat. Pumapalahaw n ako ng iyak dahil sa sobrang sakit. No please, wag ang baby ko.

Mahigpit akong niyakap ni Jomyl. Lumuluha na rin siya.

Bago pa man kami makaalis, nasulyapan ko si Krystal na nakatayo sa labas ng bahay. Nakahalukipkip siya,

habang may makahulugang ngisi sa labi...

His Untold FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon