So wake up
Your sleeping heart
I know sometimes we'll be afraid
But no more playing safe, my dear
I'm here
So wake upTamad kong kinuha ang cellphone kong nag aalarm habang pikit pa ang mata at sobrang antok parin. Shit. Napuyat ako kagabi dahil sa lintik na case study na deadline today. Pilit kong iminulat ang isa kong mata at tinignan ang oras. Ok, 7am na. 7 AM NA POTEK MALALATE NA AKO! 7:30 ANG PASOK KO.
Dali dali kong kinuha ang tuwalya ko at pumunta sa banyo. Buti at hindi hassle kasi may banyo naman dito sa kwarto ng boarding house namin. Naligo ako ng 15 minutes at dali dali ako sa ritwal na nakasanayan ko na sa pang araw araw. 5 minutes kong nilakad and distansya mula boarding house hanggang sa university na pinapasukan ko. Hingal na hingal kong inakyat ang 4th floor CBA building. Doon kasi ang una kong klase.
"Shan, natapos mo yung Case Study? Grabe, absent naman pala si Ma'am ngayon kaya di natin maiipasa yun." Sabi ng kaklase kong si Loise.
"Ay anak ng.... TALAGA?! Kakainis ha. Sayang effort ko pagpupuyat kagabe!"
"Oo nga e, pero okay lang yun. Atleast wala sya ngayon." Sabay halakhak nya pa.
"Girl, nagbreakfast na kayo? Tara sa canteen! Nagwawala na ang mga bulate ko sa tiyan." Natatawang yaya naman ng isa ko pang kaibigan na si Tamara.
Umalis na kami ng room at tumungo na school grounds. 4th year college na ako. Business Administration major in Financial Management ang kinuha kong kurso. Sa isang Unibersidad ako sa Laguna ngayon nag aaral. At dahil ito na nga ang huling taon namin dito sa school, sinusulit na namin ang oras na magkakasama kami.
Si Loise at Tamara ang closest friends ko simula ng nagcollege ako. Apat na taon na kaming magkakaklase. Taga Laguna rin ako, 4 na bayan ang layo mula sa Unibersidad. Pero pinili kong magrent ng boarding house kasi ayokong mahassle pauwi at papasok. Nakakapagod kaya yun! Si Loise at Tamara naman ay parehong taga Quezon. Dumayo sila dito dahil maganda raw ang kalidad ng edukasyon at gusto nilang malayo sa bahay nila.
Habang papunta kami sa canteen, hindi ko mapigilang ang mabilis na pagpintig ng puso ko... Kaya pala.
"Oh my Gosh Shan, nakikita mo ba ang nakikita ko?" Pigil na kilig ni Loise.
Di na ko makapag salita. Ganito ako palagi pag nakakasalubong si Kier. I'm so sure pulang pula na naman ang pisngi ko.
"Wag ka ngang maingay! Baka marinig ka." Bulong ko kay Loise.
"HOY SHANNEN PRIYA MARTINEZ, ANO NGANG PANGALAN NUN?" Sigaw ni Tamara na palagi nyang ginagawa tuwing makakasalubong namin si Kier. Obvious na obvious sya jusko! Nakakahiya talaga tong mga kasama ko.
Napapashit nalang ako ng nalagpasan kami ni Kier sabay hinga ng malalim.
"Shit kayo ha. Isa nalang talaga F.O. na tayo!!!!" Pagalit kong sabi pero joke lang naman.
"Sus! Kunwari pa. Deep inside naman kilig na kilig ang lola mo. Pati puwit nakangiti." Halakhak ng mga bruha sabay apir.
Nakarating naman kami sa canteen ng di ko nabibigwasan tong dalawa kong kasama. Kumain kami at nagkwentuhan tungkol sa nalalapit na graduation. February na ngayon at May ang inaasahan naming martsa. Pero hanggang March nalang ang klase namin since graduating kami.
"Saan mo balak mag-apply Loise?" Tanong ko.
"Di ko pa sure eh. Gusto ko sa Quezon nalang muna. Kayo ba?"
"Balak ko sa Manila. Mas mataas ang sahod dun kumpara dito sa province. Gusto ko rin maging super independent noh. Bar dito bar doon." Halakhak ko ng nakita kong nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan ko.
"Gaga ka! Bar lang dadayuhin mo sa Manila? Hahahahaha. Ihanap mo ko ng fafabols ha. Gusto ko yung ma-abs, gwapo, matangkad, moreno, parang si Jacob ng Twilight." Sabi ni Tamara na mukhang nagddaydream habang binabanggit ang mga description ng dream boy nya.
"Mag Manila nalang din kasi kayo!" Pilit ko sa kanila.
"We'll see." Kindat ni Tamara.
Nagtagal pa kami ng isang oras pagkkwentuhan sa canteen bago napagpasyahang bumalik na sa CBA building para sa second class namin.
Halos wala akong maintindihan sa pinagtatalak ng Prof namin sa unahan kasi nagsisimula na naman akong mag imagine ng kung ano-ano tungkol kay Kier. Si Kier James Valencia ay 5th year computer engineering student. So, sa madaling salita, sabay kaming ggraduate. Ohmygosh. Iniisip ko palang na nasa iisang year book kami ay kinikilig na ko!
Biglang nagsitayuan ang mga kaklase ko. Di ko namalayang tapos na pala ang klase. Masyang naoccupied ni Kier ang utak ko buong period.
"Girls, una na ko ha? Kailangan ko pang magmadali maglalaba pa ko bago umuwi sa bayan kong sinilangan." Kindat ko pa at ngumiwi ang dalawa dahil sa pagiging makata ko.
"Sige, bye!!" Sabay na sabi nina Tamara at Loise.
Dali dali akong naglalakad papunta sa second gate kung saan mas malapit yun sa boarding house. Sa pagmamadali ko, di ko napansin ang isang makisig na lalaki sa harap ko kaya naman nabangga ko sya at tumilapon sa sahig ang mga gamit ko.
"ANO BA NAMAN YAN ? TAMA BA NAMANG MAGLAKAD NG NAKA--- tali....kod." OMFG bakit di ko napansin na sya la yun omg omg omg! Ano Shan! Magtaray ka pa!
"Ay sh-- sorry Shan. " Natigilan sya ng nakita ako. Dali dali naman nyang pinulot ang mga gamit kong nagkalat.
Napatitig naman ako sa mukha nya. Yung mata nyang mapupungay, matangos at perpektong ilong, maninipis ng mga labi, at ang pormado nyang buhok na hindi gasinong mahaba.
"Shan, naku sorry ito na yung mga gamit mo. Shan? Uy." Natauhan ako ng tinapik tapik nya ang braso ko. Anak ng pating ka naman Shan!!! Nakakahiya, caught in the act, naglalaway kay Kier!
"Ah, O-okay lang Kier... Uhm.. S-sorry din ha. Osige... Uhhm, alis na ko... Salamat.."
Nagmadali akong naglakad, walang lingon lingon dahil paniguradong pulang pula na naman ang mukha ko! RED is an understatement actually. Pero, teka.. Tama ba yung narinig ko? Tinawag nya ko sa nickname ko? Seryoso?!
Hay nako. Malamang Shannen alam nya dahil naririnig palagi sa dalawa mong bruhang kaibigan. Pero nakakakilig parin. Natandaan ni Kier ang pangalan ko. :)
BINABASA MO ANG
Back To You (On-Going)
Teen FictionShannen Priya Martinez, a simple college student who has a long time crush like any other girl. Sa hindi inaasahang pangyayari, napansin sya ni Kier Valencia, ang kanyang nag iisang crush for 4 long years. As time goes by, she met this guy who could...