Chapter 13: Yes, honey.

3 0 0
                                    

Bawat araw na nagdaan ay sinigurado kong hindi ko pinapabayaan ang health ko emotionally. Naisip ko rin naman kasi na ayokong maging hadlang sa pangarap ni Kier.

Siguro nga, hindi pa ganoon kalalim ang pagmamahal niya sakin kaya naging madali sa kanya ang pang iiwan. Gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi ito ang katapusan ng mundo ko. I'm too young for relationships anyway. I don't need to rush things. Anything worth having is worth waiting for.

There's always a right time for everything. And this is not just the right time for me. Marami pa akong gustong marating sa buhay. Distraction lang kung magmumukmok ako araw araw. Move on. I should focus on the brighter side.

Masigla akong tumungo sa Makati para sa next interview ko. At dahil wala ng maghahatid sa akin, nagcommute ako. Sumakay ako ng bus ng alas 5 ng umaga. Hindi naman ako na-late. Thank God!

Nasa harap na ako ng 40- floor building ng de Marco. Oo nga pala, si Gaige ang acting CEO ngayon. Ayon sa naresearch ko, nasa ibang bansa ang kanyang magulang dahil sa business deals na kailangang iclose. Dahil dito, Gaige will be the temporary CEO for half a year. Well, sa kanya rin naman mapupunta itong kumpanya pagdating ng panahon. I think he can handle this so well.

Mabilis akong nakarating sa 10th floor at pinapasok na rin ako ng secretary ni Mrs. Jaen.

"Good morning Ma'am." Bati ko sa HR sabay ngiti. Hindi na nya pinatagal pa at sinimulan na nya akong interviewhin.

"Why do you want to be hired in this position?" Tanong niya sa akin.

"I wanna be hired because I know that I can greatly contribute my knowledge and skills in your company. I want to get exposed to finance sector and it would be really my pleasure to work in this company. My capabilities........" And the interview goes on. Pagkatapos noon ay tumayo sya at kinamayan ako, ganoon rin ang ginawa ko.

"Please stand by on the receiving area outside the room together with the other applicants. We'll inform you within an hour if you got the position." Sabi nya sa akin at binigyan ko sya ng isang masiglang ngiti. I'm very positive that i would get this job. I know I did my best in this interview.

Lumabas na ako ng room at pumihit na sa sofa na nandoon at umupo na kasama ang iba pang aplikante. Apat lamang kaming nandoon. Siguro ay kami lang ang nakapasok sa 2nd interview. Isinuksok ko sa tenga ko ang earphones ko at nilibang ang sarili sa musika habang nag aantay doon.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero binalewala ko lamang iyon. Nagsimula na ang pangalawang kanta at sinasabayan ko pa ito ng pagkanta ng mahina.

My youth, my youth is yours
Trippin' on skies, Sippin' waterfalls
My youth, my youth is yours
Run away now and forever more
My youth ---

Biglang may kumalabit sa akin dahilan kung bakit ako napalingon at napatigil sa pagkanta.

"Ano?!" Iritado kong sabi sa katabi kong tinutusok tusok ang braso ko.

"Kanina pa kita kinakausap, you're ignoring me." He pouted.

Nakita ko namang nakatingin sa amin ang mga babaeng applicant din. Yumuko ang ilan at mukhang nagpipigil ng kilig. Kalapit ko ngayon ang CEO ng kumpanyang ito. He is so intimidating sa suot nyang americana at pormadong buhok. Matatakot na sana ako sa aura nya pero natawa pa ako dahil sa pag ppout niya ng labi nya.

"I'm sorry, nag ssoundtrip ako." Sabay pakita ko ng earphones ko sa kanya. "Ano nga ba yung sinasabi mo?" Dagdag ko pa.

"Sabay na tayong maglunch." Pag aaya niya.

Back To You (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon