Pagkatapos ng scene na yun sa InfiniTea, pabalik balik ko paring tinignan ang cellphone ko kung nag text na ba sya. Para akong baliw na kada 15 segundo na nakalipas ay ichecheck ko ulit kung may message na ba sya. Ayoko namang ako ang mauna magtext. Sabi nya sya ang magttext. Kaya sya.
"Pero girl, I think bet ka nyang si Kier." Sabi sa akin ni Tamara habang nakapangalumbaba pa. Kanina pa kami nakatambay dito sa RLC ng CBA Building kaya naman walang ibang ginawa itong dalawa kong kasama kundi i-chika ako tungkol sa mga pwedeng mangyari samin ni Kier.
"Oo nga. Tapos, dyan na magsisimula yan. Sa simpleng patext text lang. Alam mo na, pumoporma." Sabay ngisi naman Loise sa akin.
"Ano ba namang mga pinag iiisip nyo? Nag text lang sya sakin, nilagay lang nya ang number nya sa phone ko. Yun lang. Wag hopia mga ateng! Kahit ngiting ngiti na ang puwit ko sa mga nangyari ay pigil pigil muna! Baka mamaya assuming lang pala ako noh?" Di ko maiwasang kiligin pero mahirap ng mag assume. Baka mamaya may kailangan lang pala or what, kaya gusto makipagkilala sakin. Diba? Dapat hindi lahat ng bagay ay binibigyan ng kulay. Dapat hindi lahat ng kilos at motibo ay binibigyan ng malisya.
Alas singko na nga hapon ng mapagpasyahan naming umuwi na sa boarding house. Nadatnan ko ang mga room mate ko na may kanya kanyang mga ginagawa. Naglalaptop, nagbabasa ng libro, at nanonood ng anime. Apat lang kami sa kwartong ito kaya naman super close kami.
"Hi Shan! How's your day? Pasalubong ko?" Bati sa akin ni Elle kahit busy sa pagbabasa ng book nyang Before I Fall.
"It was a long day. Pasalubong? I, myself is a gift already." Sabay tawa ko pa dahil nag iba ang expression ng mukha nya. Mukhang nandidiri. Letche! Hahaha
"K. Whatever. Haha joke" Binalik na ulit nya ang mata nya sa libro.
Nagkwentuhan kami saglit ng dalawa ko pang room mate na sina Allain at Kim. Nagpalit na ko ng damit pambahay at niligpit ang mga gamit na nakakalat sa bed ko. Halos mapatalon ako sa vibrate na phone kong nauupuan ko na pala.
1 message received
Kier:
Hi Shan :)
HOLY shit. Halos malaglag ang puso ko sa sibrang bilis ng tibok nito ng nabasa ko ang text ni Kier. Mabilis kong pinindot ang reply button at nagtype ng irreply.
Omg, Kier! Kamusta? Nakauwi ka na?
Nooooo, delete delete.. I sounded like a possessive one.
Uy, Kier! Ikaw pala yan. Bakit ka nagtext?
Ugghh. Mukha naman akong aggressive dito. Delete delete...
Hello din, Kier.
MESSAGE SENT.
Nakakagat labi kong tinititigan ang phone ko sa pag aantay ng reply nya. Ngayon lang ako naging ganitk ka'super excited pag nag aantay ng text. Para akong nasa langit. Para akong lutang sa mga oras na to.
Kier:
You home? I just wanna ask if I can take you out tonight for dinner. And, I'm sorry kanina.
Holy hell! Nasa heaven na ngang talaga ako! Oh MY GOD! Bakit nya ako niyayaya magdinner? Date ba ito? Hay nako wag muna mag assume. Pero grabe. Omg. Is it really happening? After 4 long years, finally makaka dinner ko na ang matagal ko ng pinagpapantasyahang makasama. Omg! Makapag reply na at baka magbago pa ang isip nya nakuuu!
Yes I'm free tonight. And about what happened earlier sa InfiniTea, okay lang yon. Wala yun. Hehe.
Kier:
So dinner tonight then. I'll fetch you at 7pm. See ya Shannen Martinez.
BINABASA MO ANG
Back To You (On-Going)
Teen FictionShannen Priya Martinez, a simple college student who has a long time crush like any other girl. Sa hindi inaasahang pangyayari, napansin sya ni Kier Valencia, ang kanyang nag iisang crush for 4 long years. As time goes by, she met this guy who could...