Chapter 9: Yes Kier, yes.

4 0 0
                                    

"You're being so so unfair, Shan." Yan ang sabi sakin ni Tamara matapos kong ikwento sa kanila ni Loise na hindi ko pa nirereplyan si Kier simula ng nagising ako kanina. Nasabi ko rin sa kanila na si Gaige ang nireplyan ko, kaya ganyan ang reaksyon nila.

"Do you really like Kier?" Tanong ni Loise

"Srsly Loise? You don't need to ask me that kind of question kasi alam mo na ang sagot ko dyan. Kung gaano tayo katagal magkaibigan ay ganung katagal ko na rin sya gusto. Alam nyo yan." Paliwanag ko sa kanila. Gusto ko naman talaga si Kier. Alam nyo naman siguro na langit na sakin itong malaman na gusto rin ako ng crush ko. Lahat ng babae ay ganito ang pangarap pagdating sa pag ibig.

"I know. We know Shan. Kaya nga you're being so unfair to Kier. Bakit mas pinili mo pang mag sorry dun sa Gaige na yon? E diba si Kier itong nanliligaw sayo, si Kier itong concern na concern sayo. Kailan mo lang nakilala yung Gaige na yun? Actually, di mo sya makikilala kung di dahil kay Kier." Sabi ni Tamara sa akin. Alam ko naman na nililiwanagan lang nila ang isip ko. Kahit ako naman ay naguguluhan. Hindi ko alam kung bakit. Parang bigla nalang nagkabuhol buhol yung ugat ko sa puso. Pag kasama ko si Kier, masaya naman ako. Hindi rin naman kami close ni Gaige, bakit apektado ako sa kanya? Ako talaga ang may diperensya. Ako ang may mali.

"I know.. I'm sorry... I know what to do now." Napagpasyahan ko ng didistansya nalang ako kay Gaige at iiwasan ko na sya kung sakali man na magkita kami. Napagtanto kong wala akong kaalam alam tungkol sa kanya tapos ganito ang pinaparamdam nya sa akin? Ginagalit nya ko ng walang dahilan. Ni hindi ko alam ang buo nyang pangalan, o kung ilang taon na sya. This is so wrong.

Bago matapos ang araw na iyon kay kinausap ko na rin si Kier. Nag sorry ako tungkol sa nangyari kagabi at agad naman yang tinanggap iyon. Sabi nya ay hindi na raw sya makapaghintay na maging girlfriend ako para magkaroon na sya ng karapatan sa akin. Napangiti nya naman ako. Magkasama kami buong Linggo at bumawi talaga ako sa kanya. Nag enjoy ako sa araw na iyon. Sobrang sweet nya talaga. Yun tipong Prince Charming ang peg. Pinagtitinginan tuloy kami tuwing napapadaan sa maraming tao.

At dahil tapos na ang final exams namin, wala na kaming mga klase. Except sa lower years dahil sa katapusan pa ng April ang tapos ng klase nila. Kami naman ay graduating kaya mas maaga talaga. Ginugol namin ang oras sa pagppractice ng graduation. Syempre bago ang Graduation, may Graduation Ball muna at si Kier ang partner ko.

"Ang ganda ganda mo talaga anak!" Sabi sa akin ni Mama habang nakangiti at kinakabitan ako ng pearl earrings.

"Alam ko naman yun ma, sino pa bang ibang pupuri sa akin kundi ikaw na mama ko?" Sabi ko kay mama at tumawa ang dalawa kong kapatid. Sinakyan pa talaga nila yung biro ko. Lol. Bait talaga ng kapatid ko! Ang bait bait! Slow clap!

Tinitigan ko muna ang sarili ko sa salamin. Namangha ako sa itsura ko ngayon dahil bihira kong makita ang sarili ko na ganito ka formal. Nakasuot ako ng Blue Long Gown, sleeveless ito at turtle neck ang harap, backless hanggang sa may baywang. Yumayakap ang tela nito sa buo kong katawan kaya kitang kita ang curve ng baywang. Nanginginang ang gown tuwing masisilawan ng ilaw dahil sa beads na nakatahi sa kabuuan nito. Light lang ang make up ko at skin tone lang din ang shade ng lipstick na ginamit. Itinaas ang buhok ko at naglaylay ng konting hibla sa magkabila kong tainga. For the very first time, nagmukha akong tao. Charot.

"Ate, yung escort mo nasa baba na!" Sabi sa akin ng kapatid kong si Jude.

Bumaba na ako at nakita ko si Kier na nakaupo sa sofa namin. Ang gwapo nya. Ang gwapo gwapo nya sa Americana na suot nya. Mukha syang prinsipe. Nagterno rin ang kulay ng gown ko sa bow tie nyang kulay blue rin. Nakita kong naka awang ang bibig nya ng nakita akong pababa na ng hagdan.

Back To You (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon