Tulala ako habang sakay ng jeep pauwi sa bahay namin. Nauwi talaga ako sa bahay tuwing weekend dahil wala naman akong gagawin sa boarding house saka nauwi rin mga room mate ko pag weekendHanggang ngayon, hindi parin maalis sa isip ko yung nangyari kanina. Nangyari ba talaga yun? O guni-guni ko lang? Oh my gosh. First time kong narinig kay Kier na binanggit nya ang nickname ko! Nakakakilig pero ayokong ma- hopia! Syempre ayoko naman bigyan ng meaning yun. Mahirap na.
Dalawang oras pa ang byahe kaya sinaksak ko na ang puti kong headset sa tenga ko. I love listening to music while travelling, I mean... Sinong hindi? Pinindot ko na ang Party Shuffle at tumugtog naman ang isa sa paborito kong kanta.
Oh say, can you see?
This is not who I'm supposed to be
Without you I'm nobody, killing time
I tried to deceive, tried to win you desperately
Now I'm lost in this swirling sea of your sorry eyesAng sarap talagang mag imagine kapag ganitong nasa byahe ka. Yung tipong malamig ang simoy ng hangin ang dumadampi sa balat mo habang gumagawa ka ng sariling mundo.... Yung ikaw lang ang nakakaalam... Yung pwede kahit ano, kahit sino. Ang sarap iimagine ns boyfriend ko si Kier. Haaaaay, hopia pa more.
All my life, I've been waiting for moments to come
When I catch fire, and watch over you like the sun
I will fight, to fix up and get things right
I can't change the world, but maybe I'll ch------
*RRIIIIIIIINNNNGGGGGGG*Halos mabasag ang eardrums ko sa pag-ring ng phone ko habang naka max volume! Shit. Ang sakit! Bwisit! Nakita ko namang si Loise ang natawag. Yari ka sakin!
"Shit ka ha!" Sigaw ko sa kanya pero syempre mahina lang yun. May sigaw bang mahina? Hahahaha. Nasa jeep eh, nakakahiya.
"Bakit??!" Takang taka nyang tanong.
"BAKIT? Bruha ka. Napaka wrong timing mong tumawag. Ang sakit sa tenga ha?! Halos mabingi ako. Lintik ka." Inis na inis kong sabi habang hinahaplos ang butas ng kabila kong tenga.
"Hahahahahahah! Malay ko ba? At nga pala, I have a very very very super duper good news for you!" Sabi nya with a very slow and seductive tone.
"Ano naman yan? Pag yang balita mo ay hindi binigyang hustisya ang pagkabingi ko, ikaw ang bibingihin ko dyan." Sagot ko.
"Ito naman, napaka HB mo! Taray ha. Haha anyway, alam mo bang nakasalubong ko si Kier kanina habang pauwi at binigay nya sakin itong planner mo." WHAT. di ko namalayang wala yung planner sa bag ko. Hinalughog ko ito at VOILA! wala nga.
"Teh nandyan ka pa?" Sabi ni Loise na halatang nangingiti.
"Oo, oh my gosh girl!" Nagppanic nako. Nagsisimula na akong kiligin at mag isip ng kung ano ano.
"Hep!! I can't take stories via call. Mas maganda kung sa personal, so see you on Monday! Save your chika! Bbyee." At in-end na nya yung call.
"Oh dito na ang babaan!" Sigaw ng driver ng jeep.
Nagitla ako ng nasa terminal na pala ako. Bumaba ako ng jeep at sumakay ng tricycle papunta sa bahay. Naabutan ko si Mama at ang bunso kong kapatid na nanonood ng tv. Dumaretso ako sa kwarto at nagpalit ng pambahay na damit bago bumaba uli sa sala.
"Ate pahiram naman ng phone mo, palaro ako." Sabi ng kapatid kong si Jude.
Binigay ko naman ito sa kanya agad since wala naman akong nakakatext at babad lang ako sa TV tuwing umuuwi dito sa bahay. Wala naman kasing TV sa boarding house.
"May text ka Ate." Nagtatakang sabi ng kapatid ko na binalewala ko lang at sinabi kong burahin na dahil paniguradong GM lang naman yun.
"Sinong nag text Jude?" Usisa naman ni mama.
"Number lang po eh. Pero ang sabi sa text Ki--- K-- Nalimutan ko na po! Basta K yung pangalan." Sagot ng kapatid ko na busyng busy na pagkukutingting sa cellphone ko.
Halos wala namang nangyari sa bahay buong weekend. Sumimba lang ako ng alas- singko nung linggo kasama ni mama. Bumisita rin kami sa bahay ng lola ko gaya ng kinagawian linggo linggo.
Lunes ng umaga ng nagkita na ulit kami nina Tamara at Loise sa school.
"You owe me a story." Pambungad ni Loise habang naglalagay ng lipstick na pink sa maninipis nyang labi.
"I know. Later nalang after class. Tara na sa room." Sabi ko dahil hindi titigil ang mga 'to hanggat hindi ko kinekwento sa kanila ang nangyari kung bakit napunta kay Kier ang planner ko.
Mabilis natapos ang unang klase dahilan kung bakit nandito kami ngayon sa InfiniTea para magbreakfast at ng maichika ko na sa kanila.
"So, ganito yon. Diba nauna ako sa inyong makauwi nung friday? Dun ako dumaan sa second gate kaya naman nung nasa tapat na ako ng engineering bldg, di sinasadyang nagkabungguan kami. Nalaglag yung mga gamit ko. Kaya ayun, napunta sa kanya yung planner ko. Di ko na napansin na wala pala yun kasi omg girls, tinawag nya ko sa nickname ko! Shan." Kwento ko sa kanila habang kinikilig at malambing kong sinabi yung pangalan ko sabay beautiful eyes.
"Oh my GOD! Ang swerte mo nga naman. Haha, o eto na yung planner mo." Sabay abot ni Loise sakin nung planner ko. Nakita ko namang nanlaki ang mata ni Tamara sa kung ano o sino ang nasa pintuan.
Mabilis kong nilingon iyon at nakita ko ang prince charming kong nakatayo doon at pinagtitinginan ng mga estudyante dito sa loob ng InfiniTea. Yung iba kinikilig at nagbubulungan pa.
"Hi, Kier!" Bati ng isang student at parang naghhyperventilate na ng nginitian sya pabalik ni Kier.
Oh Lord, why am I so blessed? Napaka gwapong nilalang ng nakikita ko ngayon. He clenched his jaw when my eyes met his.
I'm so sure namumula na ko ngayon. Umupo ako ng maayos at ininom ang Tea na hindi ko pa nagagalaw simula kanina. Hinintay ko syang dumaan at pumunta sa counter para umorder pero laking gulat ko ng tumigil sya sa tabi ko."Uuhhm, Uy Kier... Ikaw pala. Ahm, thank you nga pala dito sa ano.. sa pagbalik nitong planner." Pautal utal kong sabi
"Why didn't you reply?" Hugis O ang bibig ko ng binitawan nya ang isang sentence na yan. The way he speak is very manly.
"Huh? Ako ba?" Nagtataka kong sabi at tinuro ko pa ang sarili ko.
"Yes, Shan. I texted you last Friday if you already got your planner. Pero di ka nagreply." Sabi pa nya. Teka? Nagtext sya? Wala naman akong nareceive eh.
"What? Tinext sya ni Kier"
"Sila ba?"
"Omg anong meron. Ang swerte naman ni girl."Rinig ko na ang bulong bulungan ng mga estudyante.
"Can i borrow your phone for a sec?" Utos nya at agad ko namang binigay sa kanya na parang alipin nya.
"There. I saved my number. I'll text you later and please... REPLY" At umalis na sya agad.
O H MY FUCK.
"THAT SCENE IS SO HOT!!!" Manghang manghang sabi ni Tamara.
WHAT WAS THAT.
WHAT HAD JUST HAPPENED?
Pero... Teka. Naalala ko yung unknown number na nagtext sakin kagabi. Yung binura ng kapatid ko. "K" daw yung name sabi ni Jude. Hindi kaya si Kier yun?Napatakip nalang ako ng bibig at napatitig nalang sa cellphone kong nakabalandra parin ang number na nilagay ni Kier.
BINABASA MO ANG
Back To You (On-Going)
Teen FictionShannen Priya Martinez, a simple college student who has a long time crush like any other girl. Sa hindi inaasahang pangyayari, napansin sya ni Kier Valencia, ang kanyang nag iisang crush for 4 long years. As time goes by, she met this guy who could...