Chapter 8: Cookie

2 0 0
                                    

Sobrang sakit ng ulo ko pagkagising ko kinaumagahan. I checked the time on my phone, it's already 11:17 am. Sht. Tanghali na. Mabuti nalang at Sabado ngayon. Nakita ko ang iilang text sa phone ko. Merong texts ni Tamara at Loise, 3 galing kay Kier, 1 from an unknown number. Binuksan ko muna yung sa mga bruha kong kaibigan.





Tamara:

Text me pag nagising kana!

Girl! You left your wallet sa bag ko, nakalimutan mo ng kunin kagabi.

Loise:

Babae! Magkwento ka sakin! Hindi pwedeng hindi! Text me ASAP.

Ano?! Di ka parin gising??! Inom pa more! Sayaw pa more!




Napahawak ako sa noo ko at naihilamos ko ang dalawa kong palad sa mukha ko ng unti unti kong naalala ang mga nangyari kagabi. Damn! Binuksan ko ang mga message ni Kier at biglang may naramdaman akong kaba.




"Shan, where are you? Answer your goddamn phone!"
"I'm gonna fetch you right now stop drinking and dancing."
"Shan, can we talk?"





Kakareceive ko lang ng huli nyang message ilang minuto lang ang nakakaraan. Hindi ko alam kung ano ang irereply ko pero kailangan ko syang kausapin. Kailangan kong magpaliwanag. Sunod kong binuksan ang message ng isang unknown number.



+63927886****:
Don't you ever do that again! Silly girl!





Halos marinig ko na ang galit nyang boses sa text na yan. Sinabunutan ko ang sarili ko sa sobrang katangahan ng mga ginawa ko kagabi... Ang sakit ng ulo ko dahil sa hang over pero unti unti kong naalala ang mga nangyari.







** Flashback **





"Saan tayo? Explode, The Club 47, Total, or ..." Tanong ni Loise habang kinukulot ang dulo ng kanyang mahabang buhok. Balak namin ngayong mag party at uminom since kakatapos lang ng finals and we need to breathe! Konting araw na lang ay graduation na at paniguradong minsan nalang kami magkakasama sama kaya push na to!






"Sa Explode nalang tayo. Atleast dun nakapunta na tayo ng isang beses." Hindi pa kasi namin nattry sa ibang bar. Kadalasan kasi pag nag iinuman kami ay sa apartment lang nila Loise. Ayaw ko rin naman kasi ng sobrang mausok. Ayoko ng amoy ng sigarilyo!






"Okay. Di mo ba isasama si Kier?" Tanong niya.




"Di ko nga alam eh, ano sa tingin mo? text ko o wag na?"





"Hmmmmm.... Pag kasama natin si Kier, baka di ka makapag party ng todo, baka pagbawalan ka pa uminom. Pero ikaw girl, ikaw bahala." Sabi nya habang naglalagay ng pink lipstick.






Napagpasyahan kong wag nalang itext si Kier kasi bonding time narin naman namin ito ng mga kaibigan ko. Nitong mga nakaraang linggo ay palaging si Kier ang kasama ko at isa pa, pinangakuan ko na itong dalawang bruha na babawi ako next time. So ito na iyong araw ng yon. Sana mag enjoy kami! Dinaanan na namin si Tamara sa boarding house nya at pumunta na kami sa Explode.






Alas 8 palang ng gabi pero sobrang dami na ng tao! Well, it's Friday kaya wag ng magtaka. Malakas na ang music sa loob ng bar. Napapasayaw nalang ako sa kanta ni Nick Jonas at Tinashe na Jealous. Pumunta kami sa counter ng bar at umorder ng ilang bottles at hard liquors. We're gonna go wild tonight girls! Nauna na yung dalawa sa table namin at ako nalang naiwan mag isa dito.






Back To You (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon