Napangiwi ako ng naramdaman ko ang sakit ng left ring finger ko dahil sa namumuong kalyo. At dahil left handed ako, punong puno ng tinta ng ballpen ang gilid ng kamay ko. Halos 3 pages back to back na ang nallecture ng Prof. at pagod na pagod na ang kamay ko kakasulat! Sheeet. Minamadali nya kami dahil simula na ng final exams namin sa Wednesday. Uuggh!
Natigil kami sa pagsusulat dahil sa isang computer engineering student (base sa kanyang I.D lace) na kumatok sa pinto kahit bukas naman ito.
"Excuse me po Ma'am Perez, pwede ko po ba kayong makausap sandali?" Ngiting ngiti na tanong nung lalaki.
Lumabas naman agad si Ma'am. Tinignan ko ang relo ko at may natitira pa kaming 15 minutes bago ang dismissal.
"Sana pauwiin na tayo ni Ma'am, sakit na ng kamay ko eh. Nakakapang init ng puwit ang tagal ng lesson dito. Nakakainip." Seryosong sabi ni Loise na umaayos pa ng pag upo.
Bumalik naman agad si Ma'am Perez sa loob. "Everyone, we'll continue the lecture next meeting..." Naghiyawan na ang mga kaklase ko sa tuwa. "But you're still not allowed to leave this room yet." Pahabol ni Ma'am at umupo rin sa unahan katabi ng isa kong kaklase. Bakit dun yun umupo?
Ilang segundo lang ay may pumasok sa room na naggigitara, yun yung kumatok kanina! Nakaramdam ako ng kaba ng makita ko ulit yung I.D. lace nya. Kasunod nyang pumasok ay isa pang may hawak ng gitara at nagsisimula na silang magstrum nito.. Computer Engineering. Basa ko sa I.D. lace ulit ng isa pang pumasok.
"Oh - thinkin' about all our younger years
There was only you and me
We were young and wild and free"Nagsitilian ang mga kaklase kong babae. Nakita ko pang naghahampasan sila sa sobrang kilig. Pati yung mga nasa corridor ng building ay nakikiusyoso, naririnig ko ang tili at kilig nila. I am so nervous! Parang alam ko na kung saan patungo ito. Sobra akong naeexcite na kinakabahan. Halos lumabas ang puso ko ng nakita ko kung sino ang huling pumasok at kumakanta.... Si Kier.
"Now nothin' can take you away from me
We've been down that road before
But that's over now
You keep me comin' back for more"His eyes met mine immediately. Lalong lumakas ang tilian ng pumasok na sya sa classroom ng may dalang isang bouquet of red roses. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi sa akin nina Loise dahil sa ingay ng mga kaklase ko. Hindi pa nga pala alam ng kahit sino na nanliligaw sa akin si Kier.
"And baby, you're all that I want
When you're lyin' here in my arms
I'm findin' it hard to believe
We're in heaven"Sobrang gwapo nya kaya malamang ay meron din syang tagahanga sa mga kaklase ko at sa mga estudyante pa na nasa labas. Si Loise at Tamara lang naman ang nakaka alam pero ngayon, I am so sure buong school ay alam na nila. Hindi inaalis ni Kier ang titig nya sakin habang kumakanta sya kaya naman nakita ko rin ang titig sakin ng mga tao.
Nakikita ko sa mga mata nila ang mga expression nila. Yung iba mukhang nagddaydream parin, yung iba mukhang hinayang at nagtataka kung bakit ako. Bakit nga ba ako? Sa dami ng magagandang babae sa campus, ako pa talaga na may lihim na pagtingin sa kanya ang mapapansin nya? Hindi naman ako ganun kaganda. Simple lang ako, hindi mayaman, hindi modelo, hindi sopistikada. Pero bakit ako?
"And love is all that I need
And I found it there in your heart
It isn't too hard to see
We're in heaven"
BINABASA MO ANG
Back To You (On-Going)
Teen FictionShannen Priya Martinez, a simple college student who has a long time crush like any other girl. Sa hindi inaasahang pangyayari, napansin sya ni Kier Valencia, ang kanyang nag iisang crush for 4 long years. As time goes by, she met this guy who could...