Chapter 10: No Perfect

6 0 0
                                    

Naging smooth ang relationship namin ni Kier. Sobrang maalaga sya. Palagi nya akong tinetext at tinatawagan, kinakamusta kung nakakain na ba ako? O kung ano ang ginagawa ko. Yung normal na ginagawa ng magkasintahan. Dahil bakasyon na kami, isa akong dakilang tambay sa bahay. Pero syempre, naghahanap na rin ako sa internet ng mga company na may vacant positions. Ngayon nga ay kinakabahan na ako dahil first job interview ko ngayong araw na ito. Ayokong malate ako kaya inagahan ko talaga ang gising ko. Ayokong malate ng dahil sa traffic lalo na at Manila pa naman iyon.

Napaigtad ako ng biglang nagring ang cellphone ko. Agad ko namang sinagot ang tawag na galing sa boyfriend ko.

"Goodmorning baby." Napangiti ako sa simpleng bati nya. Sobrang nakakagaan talaga sa feeling ang boses ni Kier, para akong lumulutang sa himpapawid.

"Goodmorning din baby. Patapos na 'kong mag ayos. Nagbreakfast ka na?" Tanong ko sa kanya dahil nag insist sya na samahan ako sa Manila dahil ayaw nyang mahassle ako kung magccommute pa.

"Yes, baby. Nandito na ako sa labas ng bahay nyo."

Nagmadali na ako at kinuha ang mga gamit na kakailanganin ko para sa interview. Katulad nalang ng envelope na laman ay mga documents ko, corporate attire saka make up kit na rin para naman presentable ako pagharap sa kanila. Madilim pa sa labas dahil 5 am pa lang, pero kita ko na agad ang head lights ng Land Rover ni Kier.

Sinalubong nya agad ako para halikan sa pisngi at kunin ang mga dala ko. Pinagbuksan nya ako ng pinto sa front seat at umupo na ako roon. Nalingon ko ang back seat at nakita roon ang mga pagkaing inihanda nya para sa higit 3 oras na byahe namin pa-Makati. Kumain ako ng sandwich na dala nya at sinusubuan ko pa sya habang nagddrive. Nakatulog ako pagkatapos ng isang oras at nagising na lamang ako sa sinag ng araw na dumadampi sa aking balat at mukha. Napamulat ang isang mata ko at nakita ko na ang nagtatayugang mga building ng syudad.

"Are we in Makati already?" Napalingon si Kier sa akin ng marinig nya ang boses ko at bahagya syang ngumiti.

"Goodmorning sleepyhead. Yeah we're here. May 1 hour ka pa before the interview. What do you want to do?" Malambing nyang sabi sa akin.

"Mag aayos nalang muna ako in 30 minutes then aakyat na ko sa building. Kinakabahan na ko." Sagot ko sabay halungkat ng mga pang retouch ko sa bag. Kinuha ko ang mouthwash at lumabas ng kotse para magpunta sa CR. Natanaw ko na ang building na sadya ko. Malalaking letra ang makikita doon. De Marco Distillery Group. Mag aapply ako dito sa isang position sa Finance Department kung saan hiring sila. Isa itong company ng alcoholic drinks like beer, wine, vodka, whisky etc. Nag aangkat din sila ng produkto sa ibang bansa at sila rin ang humahawak ng mga famous foreign drinks sa bansa.

Malakas ang kaba ko habang tinutungo ang elevator ng building. Iginala ko ang mata ko sa kabuuan ng unang palapag. Malawak ang ground floor at may mga nakikita akong nagkakape sa maliliit na sofa at table sa gitna habang nagbabasa ng dyaryo. Sa bawat sulok ay mayroong mga iba't ibang uri ng alak na siguro ay lagpas isang daan ang dami. Dirty white ang kulay ng wall na bumagay sa sophisticated chandelier na nakasabit sa information desk na nasa gitna ng palapag. Sa sobrang kagandahan ng mga muwebles na nakadisplay, aakalain mong hotel ang building na ito. Lahat ng tao ay may pinagkaka abalahan. Mga naka corporate attire silang lahat maliban sa janitor na nagmomop ng tiles sa di kalayuan.

Pinindot ko ang G ng elevator button at naghintay ng ilang segundo bago bumukas ito. Tumambad sa akin ang bakante at walang kalaman lamang elevator kaya nagmadali na akong pumasok at pinindot ang 10th floor ng building. Doon kasi gaganapin ang first interview ko.

Ilang segundo lang ay tumunog na ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na ako. Lumabas na ako roon at pumunta sa isang babaeng mukhang empleyado dahil sa suot nya.

Back To You (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon