Chapter 11: Graduation

2 0 0
                                    

Maluha luha na ang mata ko dahil sa kakatitig sa ceiling ng aking kwarto pero ayaw akong dalawin ng antok. Kanina lang ang saya saya pa namin tapos naghiwalay kami ng hindi nagkaka ayos. Tama nga sila. Ang bawat tawa at halaklak ay may kapalit na kalungkutan.

Kinakabahan ako para sa amin ni Kier. Ngayon lang kami nagka tampuhan ng ganito. Ano kaya yung hindi nya masabi sabi sa akin? Gaano ba kaimportante at kapribado iyon at ganoon nalang kahirap sabihin sa akin? Alam kong wala pa kaming isang buwan na magkarelasyon ni Kier. Hindi pa ganoon kalalim ang pagmamahal na nararamdaman niya sa akin. Ako, gustong gusto ko talaga sya. Nabuo ito mula pa noong una ko syang nakita, pero siya, hindi ko alam kung kailan nya lang ako nasimulang mahalin. Pero dapat ay magtiwala sya sa akin. Trust is the most important thing in relationships. If you don't trust your partner, then it simply means that your feelings isn't enough to settle all your doubts and problems. I want to understand him but he won't let me. He can't tell what is bothering him in the first place.

Ipinikit ko ang mga ko at sinubukang matulog. We'll see what will happen tomorrow. Sa ngayon, gusto ko munang magpahinga.

Kada limang minuto ay chinecheck ko ang phone ko sa pag aasam na makikita ang isang partikular na pangalan sa aking inbox. Malungkot kong ibinalik ang cellphone ko sa aking purse dahil hanggang ngayon ay wala parin. Limang araw na mula noong nag away kami ni Kier at hanggang ngayon ay wala parin akong natatanggap na text o tawag man lang galing sa kanya. Even his own shadow, wala.

"Close your eyes...." Utos ng bakla sa parlor na nag mamake-up sa akin. Yes, today is my graduation day at kahit isang greet mula kay Kier ay wala parin akong natatanggap. Well, I'm sure we'll see each other naman mamaya sa university gymnasium kung saan gaganapin ito.

Tinext ko na sya ng isang beses ng "Kier.." pero hindi nya ako nireplyan. Mula noon ay hindi na muli ako nagtangka. Siguro ay nag iisip pa ang isang yon o bumebwelo lang.  Miss na miss ko na sya. I know we're gonna make this through. This is just one of those little problems every relationship is experiencing. And I'm sure we're going to be okay. Naniniwala ako.

Inayos ng bading ang aking buhok. Nagpa kulot ako para sa araw na ito, suot ko ang isang above the knee off shoulder orange dress at 5 inches black stilleto from Primadonna.

"Ganda mo ngayon ate! Para kang artista!" puri ng kapatid kong si Jude.

"Ano ka ba naman Jude, mukha na talagang artista si ate simula't sapul." Biro ko sa kanya at hinatak nya ang braso ko dahilan para mapa tungo ako at hinalikan nya ang pisngi ko. My little brother is so sweet. Kahit papaano ay naibsan ang iniisip kong problema.

Pumunta na kami nina Mama at Jude sa University Gymnasium. Sinuot ko na ang itim na toga at pumunta na sa linya kung saan ako ppwesto para sa pagpasok sa loob. Luminga linga ako sa engineering students to find Kier. Nakita ko pa sina Ezekiel at Brylle na mga kaibigan niya pero wala akong Kier na nakita. Kinuha ko ang phone ko sa aking pouch pero wala paring text o tawag doon si Kier. Nasaan na kaya sya? Ilang minuto nalang magsisimula na ang ceremony ah.

"Shaaaaaan!" Napalingon ako sa tawag ni Loise sa akin. Ngumiti ako sa kanya at yumakap.

"Ba't parang ang lungkot mo ngayon teh? Graduation na oh?! Anong ineemote mo diyan?" Pag aalala nya.

"Si Kier kasi...." Napatingin ako sa mga kuko ko at pinaglaruan ko iyon. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Loise ang nangyayari sa amin ni Kier.

"Oh, anong meron kay Kier?" Luminga linga siya na para bang automatic na hinanap si Kier dahil sya ang topic namin. "Bakit parang wala parin sya? Magsisimula na ang program ah."

"Aba, Miss Faller! Nagsisimula na magmartsa. Baka gusto mong bumalik na sa linya mo?" Sabat ng isa naming prof kaya wala ng nagawa si Loise kundi senyasan akong mag uusap kami mamaya.

Kinuha ko ang cellphone ko at ni- dial ang number ni Kier. Bahala na. Nag aalala na ako ng sobra.

The number you are calling is out of coverage area... Please try your call later. The number you are calling is out of coverage area... Please try your c---

Inulit ulit ko pa syang tawagan pero ganun parin, operator parin ang naririnig ko sa kabilang linya. The fvck!

Wala na ako sa sarili ko. Imbis na maging masaya ako sa araw na ito, mukha akong nagluluksa. Ilang araw na syang hindi nagpaparamdam sa akin. I am starting to get frightened. Are we okay? Are we?

".... And for our last guest speaker for today. He is a young bachelor and a millionaire at a young age. He graduated at Ateneo de Manila University with a degree in Bachelor of Science in Business Administration, Masters in Marketing Management, pursued his doctoral degree at New York University, owns a number of bar nationwide and currently the acting CEO of De Marco Distillery Group. Let us give a warm round of applause to Mr. Gaige Acrux de Marco!"

Halos mabingi ako sa masiglang music, palakpakan, hiyawan at tilian ng lahat ng tao dito particularly girls. Napaayos ako ng upo, nanghahaba ang leeg kong tinatanaw ang naka gray suit at black neck tie na matipunong lalaki na nasa harap naming lahat. Pormado parin ang buhok nya, mohawk na tama lang ang haba. Mula rito sa kinauupuan ko ay kitang kita ko rin ang itim na star nyang earring. Seriously? How is it even possible to looks so hot in front of many people? His aura is jaw dropping. Napailing nalang ako sa mga naiisip ko.

Naalala ko ang mga narinig ko kanina. Si Gaige? Si Gaige ang CEO ng kumpanyang inapplayan ko? What the heck?! Oo, sobrang shunga ko na. Hindi man lang ako nagresearch ng tungkol sa kumpanyang iyon. Wala din akong kaalam- alam sa pagkatao niya, hindi ko alam kung anong trip nya sa buhay. Ang alam ko lang noon ay may- ari sya ng EXPLODE bar at isa syang playboy slash fuckboy. Ngayong narinig ko lahat ng credentials nya, jusko! Gusto ko nalang lumubog sa kinauupuan ko.... Parang kailangan kasi syang tingalain at galangin! Sobrang layo na ng narating nya... Nakakahiya. Ngayon, alam ko na rin ang buo niyang pangalan. It is so unique. Gaige Acrux.

Natahimik na ang lahat nang nagsimula ng magsalita si Gaige kaya naman yung bulungan sa likod ko ay rinig na rinig ng tenga ko ang bawat letra.

"Oh my gosh! He's so gwapo! And very successful, may girlfriend na kaya yan?"

"Sana wala.. Pero nabalitaan ko noon, naka fling ni Bea yan.. Saka yung isang artista? Si... Therese ata yun. Pero di ko sure ha."

"Look girl, i searched him on google. He is 25 years old."

And the chika goes on... So he is 25. Hmmm.. 6 years older than me then.

Nilingon ko ang dapat sanang upuan ni Kier at nakitang bakante parin iyon. Napasinghap nalang ako at napatingin kay Gaige sa harap. Magaling syang magsalita. His accent is very manly. He has this strong english like how any other foreigner speaks. Para bang ito na ang naging mother tongue niya. Hindi rin sya ngumingiti. Kahit doon ay makikita mong may pagka suplado sya. Iginala nya ang mga mata nya habang nagsasalita. Palapit ng palapit ang mga ito sa kinaroroonan ko, at sa loob lamang ng ilang segundo, his eyes stopped searching and locks on mine. His intense gaze is very intimidating. I tried to remain my eyes on him pero ako na mismo ang bumitiw. Ang bigat ng pakiramdam ko, parang may tambol na humahataw sa bandang dibdib ko. Ibinalik ko ang mga mata ko sa kanya at nakita kong nakatingin parin sya sa akin sabay sabing ...

"Congratulations Graduates! I can't wait to see you around and meet you in my world... Yes, you." And the crowd gave him an applause. Mahina lang ang pagkakasabi nya ng mga huling salita pero sapat na iyon para marinig ang bawat kataga.

I am not ready to enter you world yet, Gaige. Not until I am still owned by someone else's world.

Back To You (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon