A/N: Hi Readers! Let me know po kung sino sino ang nagbabasa ng story ko. Mas gaganahan kasi ako kapag alam kong may sumusubaybay nito. :) Bear with me please, I'm a first timer. Vote po pag may time. Thank you!
-----
"Shan, Can I court you?"
Hindi parin ako makaget-over. Gustong manligaw sa akin ni Kier. Nananaginip ba ako? Kinurot kurot ko ang braso ko, masakit. So totoo? Grabe. Paanong gusto nyang manligaw sakin? Bago palang kami nagkausap. Oo, apat na taon ko na syang pinapangarap pero hindi ko kailanman inisip na darating ang araw na ito. Yung pagtawag nya nga lang ng pangalan ko, halos magttumbling na ako sa kilig, ito pa kayang nagsabi sya kung pwedeng manligaw?! I am so blessed. Hindi ko alam kung anong magandang bagay ang ginawa ko dahilan kung bakit pinagpapala ako ng ganito ni Lord.
"We're here." Hinatid na ako ngayon ni Kier sa boarding house. Nauna na naming ibinaba sina Loise at Tamara sa kanikanilang bahay at ngayon ay kaming dalawa nalang ni Kier ang nasa loob ng Land Rover nya.
"Thank you for letting me court you and sa pagsama sa akin tonight. Goodnight Shan. See you sa school." Binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti bago ako bumaba ng sasakyan niya at nagpaalam. Nag doorbell naman ako at agad lumabas si Tita Lydia na land lady namin. Buti at hindi ako napagalitan.
Naligo muna ako at nagpatuyo ng buhok saka ko napagpasyahang humiga sa kama. Ang bilis ng pangyayari. Parang kailan lang, hanggang tingin lang ako kay Kier, ngayon nanliligaw na sya. Sa pag iisip ko sa nangyari ng buong araw na ito, sumagi sa isip ko si Gaige. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang sya kung makatingin sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit may pakielam ako sa pinapakita nyang pagtataray sa akin. Well. Nevermind. Basta ako, masaya ngayon.
Tanghali na akong nagising kinabukasan dahil sa puyat at pagod kagabi. Pagtingin ko sa cellphone ko, may text message doon galing kay Kier.
Goodmorning Shan. :)
Nireplyan ko naman agad siya ng isa ring good morning text. Sabado na ngayon at napagpasyahan kong wag nalang muna umuwi sa bayan namin. Mag aaral nalang ako hanggang bukas dahil nalalapit narin naman ang finals namin. After nun, 1 month vacation and then graduation na!
Ginugol ko ang buong oras ko sa pag aaral. Nagfocus ako sa major namin na Capital Markets since palaging absent ang professor namin roon at self study lang ang nangyayari. Kailangan kong maipasa lahat ng subject para wala ng aberya paggraduate. Wala na naman akong problema sa thesis dahil defended na iyon noong isang buwan pa.
Maaga akong nagising kina Linggo. At dahil hindi na ulit ako makatulog, napagpasyahan kong magsimba nalang sa St. Peter's Church ngayong alas 8. Naligo ako at nagbihis ng pinakasimple kong short sleeve white dress at brown doll shoes. Hindi na ako nagbreakfast dahil hindi pa ako nakakapag grocery para sa darating na linggo. Pumara ako ng tricycle para pumunta na sa simbahan.
"Kuya, sa simbahan po." At pinaandar na nya ang tricycle patungo sa simbahan. Nagbayad ako ng 8 pesos pagkarating doon.
"Ang daming tao." Imik ko sa sarili dahil sobrang dami ng tao at parang wala ng maupuan. Pumasok na ako at naglakad pa papalapit sa altar para maghanap ng upuan. Nakita ko naman na may bakante doon sa tabi ng isang babae kaya hindi na ako nag atubiling pumunta roon.
"Excuse me, Miss. May nakaupo na ba dito?" Tanong ko.
"Meron na dito sa tabi ko, pero kasya pa naman." Sabay urong nya para bigyan ako ng space na mauupuan. Bali bakante ang nasa gitna namin ni ate dahil may nakaupo na raw doon.
BINABASA MO ANG
Back To You (On-Going)
Teen FictionShannen Priya Martinez, a simple college student who has a long time crush like any other girl. Sa hindi inaasahang pangyayari, napansin sya ni Kier Valencia, ang kanyang nag iisang crush for 4 long years. As time goes by, she met this guy who could...