Chapter 7: Hell yeah!

2 0 0
                                    

Habang pauwi kami ay kinulit ko ng kinulit si Kier tungkol dun sa meet and greet nila sa 1D. Nagkwento sya sakin ng mga nangyari doon. Na sobrang tangkad nga daw ni Harry at ang babait nilang lahat. Napaiyak pa nga daw yung kapatid nya nung nakita na sila. Di daw agad nakalapit dahil na-shock tapos nilapitan nalang daw ni Harry para yakapin at inakay papunta dun sa gitna kung saan nandun din sina Louis, Liam at Niall. Sabi ni Kier, hindi daw sya fan pero natuwa sya dahil masayang masaya ang kapatid nya. Inentertain daw talaga ng 1D ang kapatid nya at pinatahan pa sa pag iyak. Haaaay. Ang swerte swerte naman. Kung nandun siguro ako, ganun rin ang mararamdaman ko. Baka mahimatay pa ko! Haha. Charot.







Pasado alas 8 na ng nakarating kami sa boarding house. Hindi ko na sya pinapasok dahil bawal naman ang lalaki sa loob.






"Kier, thank you for this day. I appreciate it." Ngiti ko sa kanya at inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Nakita ko naman ang pagkagulat nya sabay marahan kong inilapat ang labi ko sa pisngi nya. Nakita ko namang pumula iyon.





"E---everything for you." Ngiti nya. Lumabas sya ng Land Rover nya at inunahan na akong buksan yung pinto sa gilid ko. Tinanggal ko ang seat belt at lumabas na.





"Goodnight Kier." Pinanood kong makaalis ang sasakyan nya bago ako pumasok sa loob.





Naabutan ko sa loob ng kwarto sina Elle at Allain na may kanya kanyang ginagawa as usual. Pero ng napansin nilang kakarating ko lang, bigla naman silang naging alerto at mukhang mga tutang nag aantay ng bati ko.






"Oh guys? Ba't ganyan kayo makatingin? Grabe. Parang kakainin nyo na ko ng buhay ah!" Biro ko habang nilalapag sa bed ko ang bag ko at nakuha ng damit pampalit sa cabinet ko.





"Usap usapan lang naman sa buong campus yung pang haharana sayo ng isa sa pinaka gwapong nilalang sa university na ito. What. Is. Going. On. Shannen?" Sabi ni Allain na mukhang uhaw na sa kwento ko.





Kinuwento ko lahat sa kanila. Kung paano ako napansin ni Kier, yung nangyari sa Infinitea, yung mga dinner at date, saka yung harana na nangyari. Halos sabunutan na ako ni Elle dahil sa kilig! Isa daw aniya si Kier sa mga crush nya sa campus pero nevermind nalang daw. Masaya na daw sya para sa akin.






"Ikaw na talaga!!! Haba ng hair ng room mate ko!!! Wooooo!!!" Pasigaw sigaw pa si Elle na parang nababaliw na.






"Timang ka! Sumbong kita sa jowa mo! Marami ka pa palang crush ha?! Hahahahah"






"Joke lang yun.. Ito naman, di na mabiro. Peace na. Hehe" sabi pa niya ng naka peace sign. Well, binibiro ko lang din naman sya.






Naging busy naman ako ng nga sumunod na araw. Nagsimula na rin pati ang final exams namin kaya hindi muna kami nagkakasama ni Kier. Focus muna ako sa pag aaral bago lande. Loljk. Pero yun nga, studies first. Maganda ang gising ko ngayon at napagpasyahan kong pumunta muna sa McDo para magbreakfast tutal 7am palang at 9am pa naman ang start ng exam ko. Pumara na ako ng Jeep at nakarating narin sa McDo after 20 minutes na byahe. Luminga linga ako sa mga table at kakaunti palang ang tao. Sobrang aga pa kasi.






Pumunta na ako sa counter at umorder ng McCafe, Burger at Fries. Ilang sandali lang ay dumating na ang order ko. Umupo na ako sa medyo tagong table sa bandang dulo at nagsimulang humigop ng kape. Ang sarap talaga nitong fries ng McDo! Kayang kaya kong umubos ng isang libong piraso nito. Swear!






Habang nilalantakan ko yung fries ko, naaninag ko ang isang lalaking nakatayo sa harap ko na para bang naghihintay na mag angat ako ng tingin.






Back To You (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon