Chapter 4 (si Ric? nawawala ang sarili niya?)

492 14 1
                                    

“oh Ric, bigla kang nawala sa party kagabi?”

Naabutan ko si dad na nakaupo na sa mesa at kumakain ng almusal.. umupo na din ako para kumain..

“aa..wala po dad.. inantok na din po kasi ako..”

Tahimik na kaming dalawa..

“aaa..dad?”

Nag-angat siya ng ulo at tumingin sakin

“ano yun..?”

“aa.. dad, gusto ko po ulit bumalik ng Bohol.. gusto ko po ulit subukan..”

Halatang nabigla siya sa sinabi ko pero ngumiti lang siya

“sigurado ka na ba jan sa balak mo?”

“sigurado na po ako.. Kung hindi ko pa gagawin ngayon? Kelan pa? tsaka.. mahabang panahon na din po ang nasayang..”

“kelan mo balak umalis?”

“hmmm.. sa weekend po..”

“hmmm.. sige! Kung yan ang gusto mo…. Wala ka na din naman pasok dahil OJT niyo na.. bibigyan ka na lang namin ng certificate para may mapasa ka..”

“salamat dad…”

“walang problema yun.. kung magiging masaya ka..gawin mo..Nga pala, si Rhian, yung OJT, magkakilala ba kayo?”

huh? Bakit naman sya napasok sa usapan?

“sa Brenston din sya nag-aaral..”

“aa, I see…anak siya ni Edward Saavedra diba?”

“opo! Bakit nyo ho natanong?”

“hmmm.. wala naman!”

Diane’s POV

“uy Rhian! Tulala ka?”

Nasa kotse na kami ngayon papunta ng office.. sinundo na lang nila ako para daw may kasabay na si Rhian papunta ng office

“aaa.. ha? May sinasabi ka?”

“ano ba yan? Kanina pa ako salita ng salita dito.. hindi ka naman pala nakikinig!! sabi ko, nakakainis si Brandon.. ang hangin! Ano ba kasi yang iniisip mo?”

“hmmm.. wala! Si Ric kasi..”

“oh! Anong tungkol sa kanya?”

“hmmm.. wala lang.. para  kasing may problema siya..”

“sus..at kelan ka pa naging concern sa problema ng iba? Tsaka kung meron man siyang problema, sa kanya na yun,, wag mo ng problemahin pa!”

Ring..

Ring…

Ring..

Tumunog ang cellphone ni Rhian kaya hindi na siya nakasagot..

“hello bryan!....ha?...aa sige ba!...okay bye!”

Hayyyy si bryan pala.. pinili ko ng manahimik at pinikit ang mata ko..

Bzzzzzzt!

Bzzzzzzt!

“anak ng patolang hilaw naman!”

Nagulat ako nung biglang nag-vibrate ang phone ko kaya tumawa si Rhian

From : Bryan

Good morning pretty face….

--end—

Tsk! Asar! Kay Rhian tumawag siya pero sakin nagtext lang..

“sino yun?”

When Love Takes Over (by chapter updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon