Rhian’s POV
Kausap ko ngayon si Diane sa cellphone..
(kelan nga alis natin?)
“in two days daw ang alis natin kaya magkita tayo ngayon at mamasyal dahil matagal tayo hindi makakabalik dito”
(o sige ba! Anong plano? Tawagan ko na si Vince para ihanda ang kotse sa likod bahay?)
“haha! Sira! Pumayag si mommy na wala akong bantay ..nag-usap na din kami tungkol jan..alangan naman padalhan nya pa ako ng bantay pagpuntang BOHOL?”
Hahaha.. tama ang narinig nyo.. basta kasama ko si Diane ay hindi na kumukontra sila mommy.. hmm, minsan nga naiisip ko, kung hindi lang ako nag-eenjoy sa company nila ay iisipin ko na din na binabayaran lang din sila ng mommy ko para bantayan ako.. hmp!
Sinundo kaming lahat ni Vince, ayos! Dami gasoline..
“san tayo?” – Vince
“gusto ko sa park!” – Ako
“sige pre! Sa park na lang tayo” – Bryan
Pagdating namin sa park ay nag-picture-picture muna kami.. haha! Todo pictorial?amp! syempre no, para pagpunta ko ng Bohol ay parang lagi ko pa din sila kasama pag titingnan ko lang ang pictures nila.. emote ko no? hahaha
“uyyy!! Sa fountain naman!!” – ako
Tumungtong ako sa may fountain at nag-pose pero…
Waaaaaaaaahhhh!!!!
“Rhian, ok ka lang?”
amp! Nalaglag ako sa may tubig.. hahaha
“hahahahahahaha!!!!” – Ako
“uy! Puro ka tawa jan.. tumayo ka na nga!”
inabot ni Sarah yung kamay nya pero hinila ko sya sa tubig kaya nabasa din sya..
“ahahahahahahahaha!!” – Vince
“aaa!! Tawa kayo aa..”
tapos hinila naman ni Sarah si Vince, hahahah!!
“Diane!! Pa- hug!!”
hahahaha.. tumakbo si Diane dahil super basa na ako kaya naghabulan kami ng naghabulan pero di naman yung super habulan..joke joke na takbo lang.haha!!.. pati sila Bryan nakisali na din samin.. Hahaha...basang-basa na kaming lahat. mga isip bata talaga kami.. paki ba nila??.nung napagod na kami ay umupo kami sa may damuhan .. picture-picture ulit!!
Sarah’s POV
Waaaa! Basang-basa na ako.. haha! Pero ok lang, masaya naman ii.. loko talaga tong mga tropa ko! May mga sapak sa ulo, pero ang nakakatuwa naman ay damayan kami at kahit ano pang pinagdadaanan ng bawat isa ay hindi kami nag-iiwanan.. Pffffft!!
(Ako : author, bat ang drama ng point of view ko.. parang di naman ata bagay?
Author : mas di bagay kung si Rhian.. hahaha!! Imagine?)
“hayyyyy…hanggang kelan kaya ganito kasaya?”
Umupo si Rhian sa may damuhan habang nakatingin dun sa camerang hawak niya
“ano na namang drama mo Rhian??” – Bryan
Hahaha! Lahat kami binabasag si Rhian kapag nagddrama na siya.. di kasi bagay..
“wala! Tara na! dirty ice cream na lang tayo..”
Kinain namin yung mga chichirya na dala namin tapos nung nilamig na kami ay nagsiuwian na kami .. kawawang mga kotse, basang-basa! Hahaha..
Rhian’s POV
“sigurado ka ba na magiging okay ka lang dun kahit wala sila George?”
“dad, mom, wala pong mangyayari sakin na masama dun.. I can handle myself.. akala ko ba napag-usapan na natin to?”
Nagtinginan sila mom at dad, hayyy! Hindi na ba talaga kami matatapos sa issue na to?
“pero Rhian… gusto lang naman namin na siguraduhing okay ka!” – dad
“dad, okay lang talaga ako..”
“haayyy…o’ryt honey.. basta don’t forget to take this..”
inabot sakin ni mommy ang isang box at nilagay ko yun sa mga bagahe ko..
“you take care ha?”
sila mommy, kung makapag-drama.. hindi pa naman ako mamamatay! Ooopsss.. dapat di binibiro yun..
“yes mom! I will..”
“and don’t do nasty things ..”
“dad?”
“hahaha.. ou na! I love you anak!”
“aaawwww!! I love you too dad.. I love you mom! Picture tayo??”
ang drama ko, di bagay! Hahaha.. pero ito kasi yung first time na malalayo sa kanila ang kanilang unica ija, kahit nung pumupunta pa ako sa America ay lagi silang nakabuntot sakin..
xxxxxx hahahaha!! i'm kinda happy with all the support i'm getting!! heheeh..salamat talaga sa inyo!! sobrang saya ko na!! xxxx
BINABASA MO ANG
When Love Takes Over (by chapter updates)
Umorismothey're both afraid to LOVE .. they met and suddenly their perfectly arranged lives changed .. please read and experience not just a love story but also a story of friendship and family .. what will you do.. WHEN LOVE TAKES OVER ??