Chapter Seventeen

95.7K 4.5K 413
                                    


Chapter Seventeen

"Ano ang alam mo tungkol sa nangyayari ngayon, Noah?" tanong ni Andrew sa lalaki.

"Mas mabuti kung hindi tayo dito mag-uusap. May alam akong mas ligtas na lugar," sagot ni Noah. "Hintayin ninyo ako rito."

Umalis si Noah at umakyat sa hagdan. Naiwan na nakatayo sa sala sina Yngrid at Andrew.

"Hindi pa rin ako nagtitiwala sa kanya," sabi ni Andrew sa pinsan. "May itinatago siya."

"Hintayin natin na marinig ang sasabihin niya."

"Paano kung mag-sinungaling siya sa atin? Baka kasabwat niya pa ang mga lalaking iyon. Ano ang koneksyon niya sa lahat ng ito?"

"Maririnig natin mamaya sa kanya, Andrew."

"Bakit nagtitiwala ka parin sa kanya, Ate Yngrid?" may bakas ng inis ang boses ng binata.

"Wala akong nakikitang rason para gawin siyang kaaway, Andrew. Siya lang ang handang sumagot sa mga tanong mo."

"Siguradong hahanapin tayo ng propesor mamaya."

"Hindi na tayo babalik doon, Andrew. Wala akong tiwala sa kanya."

"Wala rin akong tiwala sa Noah mo, Ate."

"Pero may tiwala ka sa akin."

"Alam mo naman 'yan. Susundan kita kahit saan ka pumunta. Hindi kita hahayaan na mawala ulit."

"Hwag kang mag-alala, Andrew. Mapagkakatiwalaan si Noah."

"Ikaw lang ang pagtitiwalaan ko, Ate Yngrid. Kahit na anong sabihin mo, wala akong tiwala sa lalaking 'yon."

Ilang sandali pa ay bumaba na si Noah na may bitbit na malaking maleta.

"Follow me," ani ng binata at pumunta sa labas ng bahay.

Doon, lumapit siya sa kulay itim na sasakyan. Inilagay niya ang maleta sa likod ng kotse.

"May alam akong lugar na hindi matutunton. Mas ligtas tayo roon," sabi ni Noah.

"Saan naman 'yon?" tanong ni Andrew.

"Malalaman mo mamaya."

"Paano kami makakasiguro na hindi mo kami dadalhin sa mga taong gustong pumatay sa amin?"

Tinignan ni Noah si Andrew at nakita sa mga mata nito ang pagdududa sa kanya. Bumuntong hininga si Noah. Kinuha niya ang susi mula sa kanyang bulsa.

"Ikaw ang mag-maneho ng sasakyan," sagot niya at ihinagis ang susi sa binata.

***

"Lumiko ka sa kaliwa," utos ni Noah kay Andrew nang mapunta sila sa dalawang pagpipilian na daan.

Tinignang mabuti ni Andrew ang paligid. Nasa mapuno na silang lugar ngayon. Mukhang liblib na nga talaga ang paligid. Hindi pamilyar sa kanya ang mga pangalan ng mga kalsadang nalagpasan nila. Mahigit dalawang oras na rin siyang nagmamaneho.

Tinignan niya sa salamin ng kotse si Yngrid. Tahimik lamang itong nakamasid sa paligid. Walang emosyon sa mukha. Tila isang di gumagalaw na mannequin.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ni Andrew.

"Sa bahay ng isang kaibigan. Kilala siya ni Yngrid."

"Kilala ni Ate Yngrid?"

Tumango si Noah. "Malapit na tayo."

Hindi nagtagal ay huminto ang sasakyan sa tapat ng isang resthouse. Malapit iyon sa dagat. Naunang bumaba ng sasakyan si Noah.

"Ate Yngrid, alam mo ba kung nasaan tayo ngayon?" tanong ni Andrew sa pinsan na nasa backseat.

Project: YngridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon