Chapter Eighteen

101K 4.3K 839
                                    

Chapter Eighteen


Napatigil sina Noah at Andrew sa kanilang ginagawa nang lumabas ng bahay sina Sabina at Yngrid. Lumapit sa kanila si Sab at nagpaalam na aalis.

"Sigurado ba kayo na kaya ninyo?" tanong ni Andrew. "Hindi pa tayo nakakasiguro na ligtas nga rito."

"Andrew, ilang beses na tayong lumabas nang magkakasama para mag-grocery. Magtataka na ang mga tao. Baka isipin nila na hostage kami dito sa bahay," paliwanag ni Sabina.

"Hindi ko gusto ang ideya mo, Sabina," sabi ni Noah na nagpupunas ng kamay sa asul na twalya. May naiwan parin grasa sa mga kamay niya.

"Malapit lang naman ang grocery store. Hwag kayong mag-alala at ipagpatuloy nyo lang ang ginagawa ninyo rito," sagot ni Sab saka tumingin sa sirang sasakyan na dala ng mga ito. "Kailangan nyo 'yang sasakyan, hindi ba? Ituloy nyo na 'yan para mas mabilis matapos."

"Hindi parin tama," sabi ni Andrew.

"Sa grocery store lang naman kami pupunta.Fifteen minutes lang ang layo non dito. Walang mangyayaring masama. At ang isa pa, matagal na kayong nandito pero wala namang dumadating na naghahanap sa inyo, hindi ba? Isang linggo na ang nakalipas."

"Mas maganda kung mag-iingat parin tayo," kunot noong sabi ni Noah habang nakatingin sa dalawang babae. "Paano kung may mangyari sa inyong dalawa at wala kami para tulungan kayo?"

Tumawa si Sab. "Mas safe ako na kasama si Yngrid kaysa sa inyo. Mas malakas siya kumpara sa inyong dalawa. Kaya kung may mangyari man, alam kong safe ako. Kayo nga ang dapat kong alalahanin. Kung hindi lang talaga dapat na may maiwan dito sa bahay..."

Bumuntong hininga si Noah. "Bumalik kayo kaagad. At tawagan mo kami kung may mapapansin kayong kakaiba."

"Yes, Sir!" sagot ni Sab na sumaludo pa sa binata.

"Ate Yn," tawag ni Andrew sa pinsan. "Mag-ingat kayo."

Tumango si Yngrid sa pinsan niya. Hinawakan na siya sa braso ng kaibigang si Sab.

"Babalik kami kaagad," sabi ni Sab sa dalawang binata. "Let's go, Yn!"

Pinanood nina Noah at Andrew ang dalawang babae na sumakay sa kotse. Umandar iyon at tuluyan nang umalis ang mga ito. Pareho silang hindi komportable sa pag-alis ng dalawa dahil sa nakaambang na panganib. Pero may punto rin si Sab. Isang linggo na ang nakalipas, walang dumating na naghahanap sa kanila. Bukod pa roon, sa tuwing pupunta sila sa bayan, tinitignan sila ng mga tao. Tila hindi sanay ang mga ito na makakita ng mga dayo.

Bilang lang ang mga nakatira sa lugar na ito. Kung hindi sana nangyari ang trahedyang sinapit ng mga nakatira rito, marahil ay hindi umalis ang karamihan. Anim na taon na ang nakakaraan, nilamon ng dagat ang mga bahay dito. Marami ang mga namatay. Kaya naman natakot nang manatili ang iba.

Kaya naman kapag may mga dayo o turista, kumakalat kaagad ang balita sa buong bayan.

***

"Eggs," basa ni Sab sa listahan niya. Pumunta sila sa kabilang aisle para kumuha ng carton ng itlog.

Nakasunod sa kanya si Yngrid na nagtutulak ng cart. May ilang tao roon na tumitingin sa kanya.

"Butter, milk, hotdogs," patuloy na basa ni Sab.

Kalahati na ng cart ang napupuno ng kanilang mga bibilhin.

"Bread." Inabot ni Sab ang dalawang plastic ng loaf bread at inilagay sa cart. "May gusto ka bang idagdag, Yn?"

"Wala akong kailangan."

"Shoot! Sorry, hindi ka nga pala nakain nang ganito."

"Sab, hindi ka dapat na mag-alala sa akin."

Project: YngridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon