Chapter Three

148K 6.3K 406
                                    

Chapter Three


A bloodcurdling scream woke me up from a hazy dream. Nababalot ng kadiliman ang buong paligid ko. Ilang beses kong isinara at ibinukas ang mga mata ko. Ginalaw ko ang mga kamay ko at nakapa ang matigas na bagay na nakaharang sa harapan ko. Iginalaw ko rin ang mga paa ko pero tumama ito sa harang. Kinapa ko ang paligid at pinag-aralan ang sitwasyon ko. Nakatayo ako at tila nakakulong sa isang matigas na kahon.

Ano'ng ginagawa ko sa isang kahon?

Malamig ang harang at tila yelo. Hinampas ko ito gamit ang dalawa kong kamay. Paulit ulit ko itong hinahampas at palakas nang palakas.

'Tulong!'

Napatigil ako nang marinig ko ang boses. 'Sino ka?' tanong ko. Nagtaka ako sa boses na lumabas sa aking bibig. Katulad ng boses na humingi kanina ng tulong. Hinawakan ko ang leeg ko. Kasing lamig din ako ng yelo.

Ipinagpatuloy ko ang paghampas sa pader na nakaharang. Nilakasan ko nang nilakasan ang paghampas. Kailangan kong makalabas dito. Narinig ko itong tumunog katulad ng sa isang metal na nayupi. Tuluyan itong bumagsak at nakakita ako ng liwanag.

Nasa isa akong basement.

May nag-iisang dilaw na bumbilya sa itaas. Napapaligiran ang paligid ng mga lumang gamit na may mga sapot ng gagamba. Ang ibang gamit ay natatakpan ng puting tela. Humakbang ako palabas sa kahon. Lumapit ako sa isang mahabang mesa sa harapan ko. Napakaraming papel na nagkalat sa mesa maging sa sahig. Hinipan ko ang mga nakatakip na alikabok, may mga nakasulat na formulas at chart pero hindi ko maintindihan.

Inikot ko ng tingin ang buong lugar. Mukha itong isang advanced science laboratory. Ano'ng ginagawa ko rito? May hagdan pataas sa kabilang dulo.

Namatay ang ilaw ng bumbilya. Nabalot na naman ng dilim ang paligid ko. Nakakapanibago dahil kahit na namatay ang ilaw, nakikita ko parin ang paligid ko. Naglakad ako sa dilim at hinintay na makalapit sa hagdan. Inumpisahan ko itong akyatin. Kinapa ko ang seradura ng pintuan at pinihit ito para bumukas.

Isang baseball bat ang bumati sa akin, mabilis itong bumaba papunta sa mukha ko. Naging mabilis ang reaksyon ko rito, napigilan ko ito bago pa tumama sa akin.

Napatingin ako sa kamay ko, sa braso ko. Sa akin ang mga ito pero parang hindi. Hindi ko naramdaman ang sakit na hatid ng hampas ng bakal na bat.

Sinundan ko ang kamay na nakahawak sa dulo ng bat, nakita ko ang mukha ng isang lalaki. May asul siyang buhok na nakatirintas sa maliliit na bahagi. Katamtaman ang pangangatawan at may suot na twalya lamang sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.

Binitawan nya ang baseball bat at humakbang sya ng isa palayo sa akin. Nakatingin sya sa mukha ko nang namimilog ang mga mata. Narinig ko ang pagbilis ng tunog sa loob nya. Ang puso nya. Napansin ko rin ang pagtigil ng hininga nya.

"Ate Y-Yngrid?" sambit nya. "Nagising ka..."

Yngrid.

Ito ang pangalan ko.

Seventeen years old. Nakatira sa Summerville Subdivision, block 8 lot 14. Isa akong sophomore sa Agatha College. Nag-iisa akong anak. May mga magulang ako. Ano'ng ginagawa ko sa lugar na ito?

Tumakbo palayo ang lalaki na nasa harapan ko kanina. Iniwan nya ako sa gitna ng isang mahabang pasilyo. Naglakad ako at sumunod sa direksyon na tinakbuhan nya. Lumiko ako at napunta sa sala. Sa isang bahagi ng pader ay nakalagay ang isang malaking larawan.

Ang larawan ng aking pamilya.

Inikot ko ang tingin sa sala. Dito ba ako nakatira?

Bakit hindi ko matandaan?



Project: YngridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon