Chapter One

296K 8.4K 1.1K
                                    

Chapter One


Tinignan ko nang mabuti ang flyer na nakadikit sa pintuan ng locker ko. Isang end of the school year bonfire event sa beach house nina Reya. It's the month of april, bakasyon na next week and today is Friday; last day of exam. Fortunately, tapos na rin kami sa exams namin, so I guess, it's the start of vacation for us sophomores. We're free!

"So, are we going or are we going?" malapad ang ngiti na tanong ni Sabrina sa amin ni Chloe. She's always this energetic kapag may gagawin kaming activities na walang kinalaman sa school. "This is sooo exciting! Like super! Sa wakas no more projects, no more exams and no more recitations! Good bye school! Hello life!" pumapalakpak na sabi nya.

"I don't know. Anton's not replying to my text messages! Ugh! Damn him!" inis na pahayag ni Chloe habang nakatingin sa kanyang cellphone.

This is typical of Chloe and her on-again-off-again boyfriend Anton. Hindi lumilipas ang isang bwan nang hindi sila nag-aaway.

"So? Dearest Chloe, the more reason na dapat tayong pumunta sa party. Everyone's gonna be there; like the varsity players. Siguro time na para iwan mo na yang boyfriend mo at maghanap na ng ibang lalaki na loyal. I'm just saying," payo ni Sab kahit alam namin pareho na hindi kayang iwan ni Chloe ang boyfriend nya. Isang bagay na hindi rin namin maintindihan ni Sab.

"She's right Chlo, maybe you guys need some space. Alam mo naman ang mga lalaki hindi ba? Lalo na si Anton. Ayaw nya nang nasasakal," sabi ko nalang, hoping na hindi masira ang araw na ito dahil sa lalaking iyon.

Bumuntong hininga sya at ibinalik ang kanyang cellphone sa loob ng shoulder bag nya. Tumingin sya sa akin. "You're right. But still, damn him!"

"Yes! So we're going to the partay~" kanta ni Sab.

"I think I'll pass."

"What?!" sabay na tanong nilang dalawa.

"I'm grounded, remember?" Binuksan ko ang locker ko at kinuha ang ilang gamit ko na gusto kong iuwi sa bahay.

I'm not really grounded. It's more like a curfew, before six pm kailangan nasa bahay na ako. I told them na grounded ako since hindi ko sinabi sa kanila na may stalker ako. I'm not sure if he's really my stalker or just some crazy-criminal on the loose. It started a week ago, palaging may nakasunod sa akin sa tuwing uuwi ako mula sa school or galing sa mall. Fortunately, palagi akong may mga nakakasalubong na tao from our subdivision kaya kahit papaano naging safe ako. Sumasakay na rin ako ng taxi pauwi kung sobra akong napapagabi galing sa labas.

"But it's a party, Yn! We should be there! Everyone's expecting us to be there," reklamo ni Sabrina. Kulang nalang ay ang mag-stomp sya ng paa sa sahig na parang bata. "I mean, c'mon! It's the end-of-the-sophomore-year-party! Who knows kung pupunta pa ang senior varsity players sa next party! It's like their graduation party with us! It's our chance to meet them personally!"

"She has a point Yn. It's the party of all parties and we can't miss it," segunda ni Chloe.

Napabuntong hininga ako. Is it worth the risk? What if nandyan na naman yung stalker ko? What if mag-alala sina Mommy at Daddy? What if—

"And Noah's gonna be there too."

Napukaw ni Chloe ang atensyon ko. Noah? Noah's going? Isinara ko ang locker ko.

"Ooohh~ We got her attention, sis!" excited na sabi ni Chloe kay Sab.

"Your one and only true love, Noah, will be attending the party," Sabrina said in a sing-song voice.

"Ssh!" sabi ko at tumingin sa paligid. Mabuti nalang abala ang mga tao sa hallway sa kani-kanilang topic tungkol sa bakasyon. Ang iba naman ay busy parin sa pag-rereview.

Tumingin ako kina Sab at Chloe na tumatawa dahil sa akin.

"Relax sis, wala naman mag-aakala na si Noah Alonzo ang pinag-uusapan natin," saad ni Sab nang may pilyang ngiti sa labi.

"Sab's right Yn, Noah's practically a nobody. Mga teachers nga lang yata nya ang nakakakilala sa kanya eh," dugtong ni Chloe.

I rolled my eyes. They're exaggerating. Noah's not a nobody... he's just.. not popular among the girls. That's just it. He's not bad looking but he's not hot either. He's just Noah. Noah's my seatmate in Calculus, he's a math genius.

"Wait we forgot his minions from hell! Hahahaha!" tawa ni Sab na sinabayan ni Chloe.

"Seriously Yn, ano ang nakita mo sa kanya? He's a goth-freak!" sabi ni Chloe while rolling her pretty brown eyes. Hindi naman ganito dati si Chloe, pero dahil sa ex nyang ipinagpalit sya sa kaibigan ni Noah, damay na ang lahat ng mukhang goth sa mundo. "Sa ganda mong 'yan. And is it true na ininvite ka ni Alex Fuentabella sa Grad Ball?"

"Noah's not a freak. Please don't exaggerate guys," inayos ko ang bag sa balikat ko. Tinignan ko ang oras. "And what minions are you talking about?"

"Yung kulto nya ng mga goth. But enough of Noah, let's talk about Alex. Is it true?" tanong ulit ni Chloe.

"Yes it's true."

Tumili silang dalawa nang malakas.

"Oh gosh! You one lucky girl!" nakangiting sabi ni Sab. "Ano'ng sagot mo?"

"I said 'No'." I smiled at them, enjoying their dumbfounded expressions. "Because I'm grounded."

In the end, napapayag din nila akong sumama sa beach party. The party will start at six pm at sinabi ko sa kanila na uuwi ako ng seven pm. They agreed. It's just a one hour extension of my curfew. Siguro naman magiging okay lang ang lahat.

Ibinaon ko sa limot ang pag-aalala ko. Noah's attending the party. He will be there. It's not like I haven't seen him in a long time. I just saw him this morning, kumuha sya ng exam sa calc but he's six seats away from me at likod lang nya ang natitigan ko. Nasa first row sya katapat ng teachers's table. Para siguro walang makakopya sa sagot ni Noah sa test paper nya.

Hindi kami close ni Noah. Hindi nga siguro nya alam ang existence ko. We're like living in two different worlds. Napansin ko sya noong first day ko sa school na ito. Nagkasabay kami noon sa pagpasok sa gate. He was wearing all black that day. Sya ang ginawa kong tour guide, I didn't talk to him. I followed him around the campus because he's a freshman just like me. Magkasama kami sa tatlong subjects noon. ComArts, Algebra at PE. He was not a goth, I heard that his mom died before he entered college. He never stopped wearing black since then. And it's true na may mga kasama syang kulay itim din ang mga suot ngayon. They were labeled as Goth or Emo sa school.

Hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin sya. Tahimik sya at palaging nag-iisa noon. Wala rin syang naging girlfriend ayon sa observation ko. Hindi ko alam kung bakit ako attracted sa kanya. Napansin ko lang sya noon dahil kakaiba sya, pero habang tumatagal nagustuhan ko na sya.

Noah Alonzo, kung may gusto man akong maka-date sa grad ball, it's him.

Pero hindi ko inakala na sya rin pala ang magiging dahilan ng pagkamatay ko...

�e:E�|�


Project: YngridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon