Chapter Twenty

106K 4.2K 1.2K
                                    


Chapter Twenty


Magkakasunod na putok ng mga baril ang maririnig sa loob ng silid. Maraming bala ang tumama sa metal na katawan ni Yngrid. Ngunit ni isa ay walang nagawa upang masira ang katawan nito. Ilang segundo pa ang lumipas bago mapansin ng mga lalaki ang nangyayari. Ngunit huli na ang lahat dahil nagsimula nang kumilos si Yngrid.

"A-ano'ng—?! Halimaw!!!" sigaw ng isa sa mga lalaki bago ito tumalsik sa sipa ni Yngrid.

"ANO'NG NANGYAYARI?!" tanong ng isa sa kanila na pilit na hinahabol ng mata ang nangyayari.

"PAANO NIYA NAGAWA IYON?!"

"HINDI SIYA TAO!!!"

"HWAG KAYONG TITIGIL!!! PAPUTUKAN NINYO SIYA!!!" hindi sumusukong sabi ng leader sa kanyang mga tauhan. Ngayon ay alam na niya kung gaano kadelikado ang misyon na ito para sa kanila.

Napuno ng usok ng pulbura ang paligid ni Andrew. Kaagad siyang nakapagtago sa likod ng isang malaking makina nang magsimula ang barilan.

Sinilip niya ang nangyayari. Mabilis ang mga galaw ni Yngrid at bawat lalaki sa loob ng silid ay isa-isa nitong pinabagsak.

Hindi nagtagal, ang mga tao sa paligid ni Andrew ay nalimita na lamang sa tatlo. Ang propesor at ang dalawa nitong assistant. Bakas ang takot sa mukha ng dalawang assistants na halatang walang alam sa nangyayari. Puno naman ng galit ang mukha ng propesor. Nagdulot iyon ng kaunting tuwa kay Andrew. Nasira niya ang mga plano nito.

Dahil sa defense mode ni Yngrid, hindi ito maaaring maunang umatake. Idinagdag lamang iyon sa kanyang system sakaling magkaroon ng panganib katulad nito.

Puno ng amoy ng pulbura ang paligid nila. Lumabas mula sa pinagtataguan niya si Andrew at tumingin sa lalaking dumukot sa kanila.

"Andrew..." nanginginig sa galit na sambit ng propesor habang nakatingin sa kanya.

"Sa tingin mo ba ay makukuha mo nang ganoon kadali si Yngrid?" sabi ni Andrew sa lalaki. "Kailangan mo munang hintayin na mamatay ako, propesor."

Nabura ang galit sa mukha ng propesor at napalitan ng tuwa. "HAHAHA! Sa tingin mo, dahil sa ginawa mo ay susuko na ako? HAHAHA! Hintayin na mamatay ka? Hwag kang mayabang, hijo. Sampung taon pa ang bibilangin mo bago mo ako mahigitan. Sa akin si Yngrid. Hwag mo nang sayangin pa ang oras mo!"

"Bakit..." sambit ni Andrew. Naikuyom niya ang mga kamao. "Nagtiwala kaming lahat sa'yo! Paano mo ito nagawa?! Paano mo sila nagawang patayin?!"

Inayos ng propesor ang kanyang salamin. "Bakit? Paano? Ginawa ko ang lahat ng ito para sa siyensya at para sa kinabukasan ng bansang ito! Hindi mo ba nakikita ang hinaharap? Kung makakagawa ang bansang ito ng napakaraming katulad niya, maghahari tayo sa buong mundo!"

"Hindi ginawa si ate Yngrid para gamitin ng mga katulad mo na gustong maging hari! Marami ang mamamatay sa balak ninyong gawin!"

"Hmm. Hindi maiiwasan ang collateral damage sa mga gera. Marami nga ang mamamatay pero ang mahalaga ay—"

"Stop this bullshit already!" sigaw ni Andrew. "Hindi lang 'yan ang gusto mo! Alam ko na hindi lang 'yan ang gusto mong mangyari! Bakit hindi mo pa aminin?"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Si Olivia," tukoy ni Andrew sa asawa ng propesor. "Gusto mo siyang buhayin muli, hindi ba?"

Sandaling natigilan si Professor Edwin sa narinig.

"Kung hiningi mo lang ang blueprint, ibibigay iyon nina Tita. Alam kong tutulungan ka nila—"

Project: YngridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon