"hoy babae! problem?" bungad sakin ng isang bakla. hay naku! panira ng moment eh!
"wala" bored na sagot ko habang nakaupo dito sa ilalim ng puno, tumabi din sya sa akin.
"anyway Nathalie, may gusto akong malaman, lahat ng tao dito sa school natin kilala ka, hindi lang yun kilala ka bilang creepy at mysterious, remember yung pangasar sayo ni Kurt back then?" napa irap naman bigla ako ng maalala mga nangyayari nung highschool days.
"haha, lagi ka nya noong tinatawag na 'i have my own sources' hahaha pero saan mo ba nakukuha yung mga sources mo? kasi sa totoo lang? medyo na we-weirduhan na ko sayo" hindi ko na lang sya pinansin at nag sulat ng kung ano ano sa notebook ko.
"hoy bastos ka talaga eh nu!" sigaw nya sakin at inagaw ang notebook ko.
"tss! pwede ba Nathan, hindi lang pumasok si Samantha ako na ang kinukulit mo!" sabay irap ko sakanya. nakakaasar kasi ang bakla na to.
"nagtataka lang talaga ko sayo eh! kasi look? you partner me with Samantha, you paired up Railee and Sian, pinaglapit mo si Chloe at si Bryan now na sila na ang mag on ngayon, si Tiffany na pinush mo kay Kenrick na kabanda ni Kurt at ngayon! the last card! grabe ginawa mong baraha ang mga kaibigan mo!"
"because i want for them the better, not good but better did you get my point?" nakakaasar talaga tong kausap eh!
"i know. so? si Sidney na lang, can you give me some clue about her? huh?" sabay lapit nya sakin na nag aantay na magkwento ako.
"wala kang makukuha sakin na clue pinag iisipan ko pa itong last card ko, hindi ko pala alam kung naka move na ng tuluyan ang Sidney na to!" kailangan ko pa ng sources dito!
"hay nakaka miss dati..." napatingin naman ako sakanya.
"remember yung time na hindi ka niya sinipot?" natawa naman ako at nag simulang mag flashback sa utak ko...
-FLASHBACK-
nandito ko ngayon sa cafeteria ng school namin katamad kasi vacant hour ko ngayon.
may napansin naman akong dalawang tao na nag t-take ng lunch dun sa bandang dulo. it was khen and Samantha, napalingon naman ako sa bandang entrance ng cafeteria, there he is! Nathan was watching them. haha how interesting!
nag lakad naman palabas si Nathan kaya tumayo na ako sinundan sya..
pumasok sya sa music room, hay! how i miss this music room! syempre next time ko na iku-kwento kung bakit ngayon lang ulit ako makakapasok dito! hahaba pa yung kwento eh! haha
"oh.. how sad hindi sya sinipot ng ka lunch nya!" pang aasar ko sakanya habang naka sandal sa gilid ng pinto.
"manahimik kang babae ka! nakakaasar ha!"napangiti na lang ako, syempre ayoko namang ipahalaat sakanya na nag e-enjoy akong makita sya na nahihirapan! haha.
"ano tatayo ka na lang ba dyan?" napatingin naman ako sakanya. papasok nga ba ko dito sa music room na to? tss! bahala na nga!
pumasok ako at umupo sa harap ng piano, my first instrument...
nag simula naman akong mag play at hindi ko na kinaya at na carried away na ko!
"grabe ha! ang sakit naman ng kanta mo!" nabalik naman ako sa realidad! hay naku! kaya ayokong papasok dito eh! nawawala ako sa sarili ko!
"magaling ka palang kumanta Nathalie bakit hindi ka sumali sa Theater Club namin? mag audition ka! akong bahala sayo." napatingin naman akong masama sakanya.
"i don't want to, hoy bakla! anyway, don't lose hope!" yung mukha nya mukhang nagtataka.
"what i mean is..---" pinutol naman nya agad ang sasabihin ko.
"wait Nathalie! alam kong hu-hugot ka na naman! pwedeng tagalog muna bukas kana mag english!" napa irap naman ako sa sinabi nya, tss! may request pa!
"tss! ang ibig kong sabihin wag mong hayaan na mabaliwa ang ilang efforts na nagawa mo sinimulan mo na kaya tapusin mo na, wala ka namang ibang choice kundi ang mahalin sya.." sabi ko at tumayo na..
"aalis na ko after some minutes pupunta na sya dito." sabi ko at tuluyan ng lumabas.
-END-
"hahahahaha" sabay naman kaming natawa siguro ay nag flashback din sya.
"Nath! ang galing mo! tama ka! after siguro 5 minutes dumating sya nun! haha" napangiti na lang ako. ang galing ko talaga mag calculate ng mga mangyayari.
"ouch!" sabi ko sabay hawak sa binti ko, bwist naman kasi! sino ba kasing nag sabing tamaan ako ng bola!
"sorry Ms. Nathalie, I-I'm really sorry" napatingin naman ako sa lalaking nakatayo sa harap ko at kinuha ang bola.
"i really don't mean it. I'm sor--" pinutol ko na agad ang sasabihin nya.
"enough for sorry" sabi ko at tumayo na.
"taray mo naman!" sumusunod pala si Nathan.
"alam mo, pansin ko lang ako lang yung lalaki na kinakausap mo! feeling ko nga bestfriend na tayo eh!" inirapan ko lang sya.
"wanna know why?" mukha naman syang na excite sa sinabi ko.
"because for me you're still a gay" i left him with his mouth widening.