Chapter 14: Game

18 1 0
                                    

<<Nathan's pov>>


"woooooooohhh!!" sigawan dito sa gym grabe ang ingay ng lahat! kalaban kasi ng school namin ang Namamori Univesity at dahil maganda ang school namin dito ginanap ang laban! tss! kaasar kasi si Samantha! nag ka sakit pa tuloy di nya mapapanuod ang laban! pero okay lang v-videohan ko na lang :)


"Go Go Go Song University!! Fighting!!" sigawan ng ilang mga babae, first half na ngayon at 50-46 ang laban lamang na ang kabilang school, kasalukuyan namang nag papahinga ang members ng school namin ang players ay ang banda ng THAT XX oo aminado ako na magaling talaga sila.


si Kurt ay kasama si Vanessa na kasalukuyan syang pinapainom ng tubig. si Kurt ay di mapakali at mukhang may hinahanap sa mga nanunuod.


kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nag simulang tumawag.


"hello!!" sigaw ko, maingay kasi dito sa gym.


[oh!?"] sigaw din nya, teka nandito ba sya? maingay din kasi sa kabilng linya.


"nasaan ka Nathalie?" oo si Nath for sure naman na sya ang hinahanap ni Kurt.


[soccer field, nanunuod ako ng game nina Xyrrone!] oo nga pala ngayon pala ang game ng mga pinsan nya maliban kay Mino! hindi ka sya sports active! alam ko yung 7 na lalaki ay ka team mates ng mga pinsan nya.


"ay! oo nga pala! game kasi nina Kurt ngayon!" kawawa naman kasi si Kurt mukhang matamlay pa kung mag laro.


[Nathan (woooooo! Go!!) maingay na dito! mamaya ka na lang tumawag!] at sya na ang nag baba ng tawag, obvious naman maingay talaga dun..

-----


nakalipas ang ilang minuto at malapit ng matapos ang game. 87-86 na ngayon ang score nila at lamang ng isa ang Namamori University.


"GO SONG UNIVERSITY ISA NA LANG! KURT KAYA MO YAN!!" sigaw ni Vanessa na napaka laka talaga! grabe! may mega phone ba sya sa lalamunan nya!?


nasa kabilang school na ngayon ang bola, inagaw ng kurt pero agad din nabawi sakanya. ano bang problema nya!?


inagaw naman ngayon ni Kevin ang bola at nakakunot na ang noo nya at mukhang may sinasabi kay Kurt.. pinasa nya ang bola kay Kurt ang bola at unti unting nauubos ang oras.... 5..4..3..2..1..


"wooooooooooooo!! CHAMPION! SONG UNIVERSITY!!" nanalo kami dahil sa three points shot ni Kurt 87-89 yes!! panalo kami!!


"waahh! honey sabi na at ako lang ang magiging daan para manalo kayo!!" sabay yakap ni Vanessa kay Kurt kahit pawis na pawis ito.


si Kevin naman ay tumakbo papuntang exit kaya sinundan ko sya ng tingin and a girl was walking away na hinabol ni Kevin na halata namang si Nathalie yun, gosh! hindi ko sya nakita ha! buti pa si Kevin! siguro about kay Nathalie yung sinabi nya?


"girl!! nag text sakin ang kaklase ko! at champin din tayo sa soccer!! waaaahh!! ang galing naman ng mga varsity natin magaling pang kumanta!!" tili ng isang babae at masaya silang nag uusap ng kaibigan nya.


so? nanalo din pala ang soccer team, well di na nakapagtataka, magaling talaga sila.


"Nathan!!" sigaw ni Sian, wow! buhay pa pala ang lalaki na to!? haha.


"oh? bakit?" himala kasi at naisipan nya kong tawagin.


"si Railee nakita mo?" napa irap naman ako ng di oras sakanya.


"kung si Samantha nga di ko hinanap sayo! tapos ngayon mag hahanap ka ng nawawalng Railee sakin!?" loko ba naman kasi to! sakin pa nag hanap!


"tss! pilosopo ka talaga! kung nahanap ko lang talaga si Nathalie sakanya ko mag tatanong hindi sayo!" kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.


"baka nakakalimutan mong demonyo ang babae na yun! baka nga mag kanda-buhol buhol ang dila mo sakanya! wala ka pang syang sinsabi nauutal kana!" totoo naman kasi! ang laki ng takot nya kay Nathalie!


"heh! ewan ko sayo!" sabi nya at umalis na. tignan mo yun! napag hahalataang ilag kay Nathalie hahaha. sya ba naman ang takutin!

Conjure up by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon