"nakakatakot naman dito"
ilan lang yan sa mga bulungan ng mga classmates at batchmates ko, nakakaloka! expected na syempre na ganto angangyayari! hello? camping nga diba? tss!
nakapalibot kasi kaming mag ka-kaklase sa isang bonfire ngayon may gagawin daw kaming confession ngayon na kanina pa nag simula, ito yung part na sasabihin mo sa lahat ng classmate mo isa isa ang feedback mo sakanila. positive man o negative.
"okay Nathalie's turn.. what can you say about her? start's with you jeff.." sabi ni ma'am. so? turn ko na pala?
"uhm... well.. hindi naman kasi kami close ni Nathalie kaya wala akong masabi sakanya.." sabi ni jeff at nag pass na sa katabi nya.
"s-si Nathalie? well i heard her sing once at napaka ganda talaga nun!" tss! sipsip talaga ang Clarisse na to!
"ah.. sana stay what you are!" napatingin naman lahat ng classmates ko kay Marco..
"what? wala akong masabi eh!" depensa nya, napangiti na lang ako.
"stay pretty Nathalie all of us naman ay hindi mo naging ka close kaya pag pasensyahan mo na ang mga feedbacks namin sayo" sabi ng president namin na si Antonette.
"uhmm.. sana po mag smile kana lagi.." sabi ng nerd na si Neil.
"hi? sana maging ka-close na kita :)" tinignan ko lang sya mula ulo mukhang paa. duh? as if naman!
marami pang nagsalita actually lahat naman sila dapat magsalita hanggang dumating na dito sa katabi ko at nagtilian na ang mga kaklase ko.
"yieee! si Kurt na!" tilian ng mga babae.
"go Kurt! you're a man!" sigaw ng mga lalaki. well mga baliw sila at takas sa mental.
"ehem! silence! magsasalita na ang gwapo!" sabi ngiti nya ng nakakaloko, abnormal talaga to kahit kailan.
"first of all Nathalie, thank you for being my friend na kahit di naman obvious! second thank you for being there for me all the times kahit alam kong wala kang pake, third thank you for being my inspiration, ang ganda mo kasi talaga!" nag hiyawan naman sila ng malakas dahil sa sinabi ng mokong na to.
" and lastly.." lumapit sya sakin at bumulong..
"thank you for loving me silently.." naitulak ko naman sya ng di oras at pinutol na ang sasabihin nya.
" are you nuts?" nakakaloko naman kasi yung sinabi nya.
"i can feel it Nathalie.." sabi nya sakin na puno ng pag asa ang mata.
hinatak ko naman ang kamay nya patayo.
"excuse us." sabi ko at medyo hinatak sya malayo. narinig ko pa ang mga classmates ko na sinabing..
"gusto siguro nilang mag solo?" mga baliw talaga.
"what are you talking about?" tanong ko at binitawan ang kamay nya.
"Nathalie!? kailan mo ba ko mamahalin?" halata sa mukha nya ang pag mamakaawa.
"I'm trying Kurt.." sabi ko sakanya na nag aalinlangan, di ko kasi alam ang sasabihin ko.
"tss! you're trying huh?" at nag smirk naman sya, omo! bipolar ang isa nato! kanina lang nakakaawa sya! ngayon parang ang angas naman nya!
"I mean it Kurt! I really do!" sabi ko sakanya pero makikita sa mukha nya na hindi sya naniniwala.
tumingin naman sya sa dagat pero ako nakatingin lang sa mukha nya. Shit! bakit ngayon ko lang nalaman na gwapo si Kurt!? naku naman Nathalie! bakit ngayon ka pa nag iisip ng ganyan?
"Nathalie nagsasawa na ko.." para naman akong nabingi sa sinabi nya.. n-nagsasawa?
"nag sasawa na ko sa one sided love na to.. hindi ko alam kung paano ka pa ipaglalaban.." he those word while looking at me directly and left me here dumbfounded..
---" Nathalie! sa wakas bumalik ka din! oh cellphone mo, tumatawag na naman ang kapatid mo!" sabi ni ma'am kaya inabot ko sakanya ang cellphone ko at tinawagan si Luke.
[noona.. si mom.. nasa ospital sya.. heart attack..] parang dinurog naman ang puso ko.. ano bang nangyayari? ito na ba ang karma sa kasamaan ko?
"okay.. uuwi din ako agad, just tell mommy to hang in there" sabi ko at binaba na ang cellphone ko.
nag simula na akong mag ayos ng gamit, pinayagan na din naman ako ng mga teachers dahil emergency to.
nakasakay nako sa eroplano at nag simula na ngayong tumulo ang luha ko.. masakit pala.. saan ba ko nasasaktan? kay Kurt o dahil sa nangyari kay mom? argh! di ko na alam!