Chapter 28: Talk

13 0 0
                                    

"mauna na kami Nathalie ha?" paalam ni Chloe.


"are you sure na mamaya kapa uuwi na hindi ka pa sasabay samin?" tanong ni Tiffany. ano ba yan! ang kulit nila! kanina pa ganito yung conversation namin eh!


"oo sige na umalis na kyo! mag g-gabi na!" pagtataboy ko sakanila.


"sige bye bye! ingat ka ha?" sabi ni Railee. kumaway na lang ako sakanila at nag simulang mag lakad.


hay.. how i miss being alone.. ang payapa dito sa school.. lalo na gantong nag uuwian na ang ilang students..


naglakad lang ako ng naglakad at hinayaan ang sarili kong paa kung saan man sya pupunta.


"anong ginagawa mo dito?" napatingin naman ako sa kumakausap akin. si Nathan pala.


"nasaan ba ako?" tanong ko. seriously hindi ko talaga alam. lutang ata ako?


"hello Nathalie!! nandito ka po sa tapat ng music room! at isasara ko na to ngayon! so bakit ka nandito?" napatingin naman ako sa paligid, oo nga nandito pala ko sa tapat ng pinto ng music room.


"honestly, hindi ko alam." napa face palm naman sya sa sinabi ko.


"ikaw ba yan Nathalie? baka naman kinuha na ng mga alien ang tunay Nathlie!? hindi ganyan si Nathalie! so? anong problema?" tss.. ano nga bang problema? i just found my self being sad this afternoon.



"wala, gusto ko lang sanang dumalaw sa room na yan." palusot ko na alam kong di nya papaniwalaan.


"seriously? ikaw GUSTONG dumalaw sa music room? that's ridiculous Nathalie! after ng mga memories nyo dito ni Kurt?" that's it! nasabi nya na ang ayaw kong marinig. natahimik na lang ako at pumasok na sa loob at naupo.


i took a deep breath. ano nga bang problema ko?


"I think Nathalie kailangan mo ng mag pahinga may event pa tayo bukas at alam mo namang required pumunta lahat ng 5th year students." tss. hindi naman ako interesado sa bwisit na Night na yun!


"alam mo ba na ang theme ay James Bond? sound's cool right? lalo na't gabi ang event natin!" buti pa ang isa na to! solve na ang problema nila Samantha.. ako.. ito nabigyan na ng love life ang mga kaibigan ko pero ako hanggang ngayon wala pa..


"uy... ano ba talagang problema? mukhang spaced out ka.." sabi nya at tumabi sakin..


"iniisip ko kasi kung papaano ko papatayin si Vanessa.." napatitig naman sya sakin dahil sa sinabi ko. honestly nag iisi talaga ko ng plano para sa babae na yun!


"OMG! inlove kana kay Kurt!? wow! after 11 years!" this time ako naman ang napatitig sakanya na may pag dududa.


"sorry! nadala lang ako! grabe naman kasi! pero lalaki ako nu!" defensive much!


"wag kang mag alala hanggang ngayon bakla ka pa rin para sakin" sinamaan naman nya ko ng tingin na alam nyang hindi tatalab sakin.


napatingin naman kaming dalawa ng biglang bukas ang pinto.


"Kurt?" tanong ko. para kasing si Kurt ang lalaking nakatayo sa pinto. napahinto din sya at sandaling tumingin samin.. pagkalipas ng ilang sandali ay tumalikod din ito at umalis.


"ano pang hinihintay mo? this is your chance habulin mo na!" napa irap naman ako sa sinabi nya at parang bumalik ulit ang pag katao ko.


"duh? bakit ko naman sya hahabulin?" tanong ko sakanya.


"tss, bahala ka! para kakausapin mo lang naman eh!" tss! epal din ang bakla na ito eh! wala na akong nagawa at tumayo na ako.


"ayun! sa wakas! kinain din nya ang pride nya!" inirapan ko lang sya at nag lakad na pero bago akong tuluyang lumabas ay sinabi kong..


"iluluwa ko din to after some minutes" sabi ko at sinimulang hanapin si Kurt.

---


"bakit ang dilim!?" reklamo ko, nandito kasi ko sa parang gubat, nag aalinlangan pa nga akong pumunta dahil alam kong hindi pupunta si Kurt sa gantong lugar pero alam ko sya yung nakita kong tumatakbo papunta dito and now hindi ko na alam kung nasaan sya.


nasaan na ba ang lalaki na yun? ayoko namang sumigaw dahil alam kong hindi nya rin ako maririnig.


teka? parang napuntahan ko na ang lugar na to? minsan kasi gumagala ako mag isa, nakita ko naman ang isang malaking puno ng Narra, and that's it! alam ko nga ang lugar na to! sa bandang dulo ay may burol na kakayanin mo namang akyatin ng ilang minuto kung may kasama kang aalalay sayo, kaso lagi akong mag isa kaya hindi ko pa naakyat ang lugar na yun, actuaaly gustong gusto ko talaga makita ang view mula sa burol na yun.


ayun! nakita ko na ang halaman ng rose! ibig sabihin malapit na talaga ako,


naglakad pa ko ng kaunti ng bigla akong napahinto sa tapat ng isang puno, may naka ukit kasi dito na Vanessa heart Kurt, eww! ang baduy naman nila! pero lalo akong nagulat sa nakita ko.


sa itaas ng burol makikita ang anino ng dalawang tao na mag kayakap, so? sino lang ba ang nakita kong pumunta sa lugar na to? no other than Kurt. kaya naman pala hindi sya natatakot dahil alam nyang may makakasama sya! how dare he! sabagay? ano ka ba talaga para sakanya Nathalie? a long time friend kahit hindi naman kami ganung nag uusap? a family friend/ business partners. tss, nag assume ba ko? I guess no.. I guess yes.. argh! sumsakit na talaga ang ulo ko!


unti unti namang umiikot ang paningin ko at naka ramdam ng tinding init.. don't tell me hihimatayin na ko? argh! this feeling! I felt this before! tuluyan ng nag dilim ang paningin ko, and everything went black.

Conjure up by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon