pababa na ko ng sasakyang di ko pag aari pero bago ako tuluyang lumabas ay pinigilan nya ko.
"wait" sabi nya at lumabas. pinag buksan nya ko ng pinto at inalalayan palabas.
"tss! di ako pilay!" sabi ko sakanya.
nauna na akong lumakad at ngayon ay pinagtitinginan na kami ng students. oo KAMI.
"look Nathalie siguradong papatayin ka ng fans club ko mamaya, ang gwapo ko kasi!" pagyayabang ni loko.
"napatingin naman ako sa grupo ng ilang babae na halatang naiinis pero halata pa din ang takot sa mata nila.
"as if naman Kurt" oo si Kurt nga! sinundo nya kasi ko kanina at nag insist na ihahatid daw nya ko at susunduin.
"don't worry Nathalie! I'm here naman eh!" sabay akbay nya sakin.
"nakakadiri!" sabay tanggal ko sa balikat nya at binilisan ang paglalakad.
"wait Nathalie! mamayang Lunch wait mo ko ha? wag kang sasabay sa mga kaibigan mo sakin lang! SA AKIN!!" sigaw nya, napa irap na lang ako at nag patuloy pa din sa pag lalakad. baliw na naman ang isa na yun.
pumasok na ko sa klase ko at umupo sa upuan ko. sakto naman na dumating na ang prof.
nagturo sya ng kung anu-ano na ewan ko! haha!
"anyway class? don't forget about our camping ha? I hope na sana makasama kayo! okay that's all, class dismiss" tss. camping their face! itong pamilya ni byran ay may lahi din ng baliw at naiisip pa ang mga camping camping na nakakatamad namang sumama!
"hi Nathalie!" bati sakin ng mga kaibigan ko na nag aabang sa pinto ng classroom namin.
"sorry bitches hindi ako makakasabay mag lunch, may asungot kasi" at saktong dating naman ni Kurt.
"hi girls! sorry ha? may date kami ni Nathalie eh!" sabi nya na ngiting ngiti!
"ayiee.. ikaw Nathalie ha! malantod kana!" pang aasar ni Sidney.
"kung isubsob ko kaya yang mukha mo?" bwisit ang babae na to!
"sus! sa una date date lang makalipas nya may kiss na! yiiiieee!" sabi ni Samantha at sabay sabay na silang nag hiyawan.
"eh kung ikiskis kaya kita sa lupa? kaimbyerna kayo!" lakas mang asar ng mga to!
"tara na nga! hayaan na natin silang mag solo" sabi ni Chloe kaya nag paalam na sila.
---
dinala naman ako ni Kurt sa isang Korean Seafood restaurant. tss! bakit ba kasi favorite namin ang seafood?
"anong sayo?" tanong nya sakin.
"anything. just choose" sagot ko. katamad kasing pumili.
"tss! ikaw na! mamaya masira ko balance diet mo!" napa irap na lang ako at hinablot ang isang Menu list.
I scan the Menu..
"okay, Jjukkumi Gui and Ganjang Gejang. Makgeolli for drinks." the waiter repeated what I said. si Kurt ay ganun na lang din ang inorder, gaya gaya talaga!
"anyway Nathalie! gawa ka nga ng list." napatingin naman ako sakanya.
"what list?" nagtatakang tanong ko. ano na naman bang pinagsasasabi ng lalaki na to?
"kasi may nabasa ako, meron syang list ng gusto nyang gawin ng boyfriend nya para sakanya" kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.
"di naman kita boyfriend" straight na sa sabi ko.
"alam ko, kaya nga ko nanliligaw eh! pero sige na! gawa ka na!" binigyan ko naman sya ng isang malaking iling.
sa wakas ay dumating na din ang pagkain namin. tahimik lang kaming dalawa ng basagin nya ulit ang katahimikan.
"gusto mo haranahin kita?" nasamid naman ako sa sinabi nya.
"w-water?" offer nya at tinanggap ko naman.
"baliw kaba?' tanong ko ng maka recover ako.
"ha? hindi. ikaw na nga tong kakantahan ayaw mo pa!" sabay pout nya, yuck!
"alam kong magaling kang kumanta Kurt p--" agad naman nyang pinutol ang sasabihin ko.
"talaga Nathalie? magaling ako? wow! ngayon ko lang narinig sayo yan!" tuwang tuwa pa sya nyan ha!
"oo na! pero palpak ka pag dating sa pagpili ng kanta!" oo palpak sya! best example? ito!
-FLASHBACK-
(HS days.)
"Kurt!" tawag ko sakanya.
"oh?" bastos talaga sumagot to kahit kailan!
"pwede ba kayong kumanta para sa kaibigan ko, masyadong kasing kinakabahan si Sian at ayokong maging palpak ang plano ko para kay Railee.!" yeah, gusto kong ipaharana si Railee.
"yeah! sure! kaming bahala." sagot nya sakin. nginitian ko naman sila.
-END-
"oh diba? anong kinanta nyo nun? BAD BOY!?" halata sa mukha ko ang di makapaniwala.
"haha. akala kasi naman nag s-sorry sya kay Railee! haha" tss. loko loko talaga!
"tss! you're insane!" at di ko na naman napigil at napa irap na naman ako.
"pero, haharanahin kit Nathalie may surprise din ako sayo!" napa smirk namana ako sa sinabi nya.
"siguraduhin mo lang ma secret yang plano ko, magaling ako sa mga plano na yan Kurt at baka nakakalimutan mo? I have MANY sources" sabi ko at binigyan sya ng isang matamis na ngiti. tinignan nya lang din ako at ngumiti pero yung ngiti nya, iba! anong pinaplano mo Kurt!!?? iba ang ngiti nya, parang syang nad-demonyo! kailangan kong malaman ang mga plano nya. tss! I have a mission na naman! at sobrang lapit na ng alas!! haha!