<Kurt's pov>
isang taon na din ang nakalipas.. at aaminin ko, mahirap ang LDR kahit wala kaming relationship! hahaha. she's doing well, syempre si Nathalie yun eh! expected naman na lahat ng bagay kaya nya.
ako? ito isang doctor na gumagawa ng droga, haha! joke! gamot na nakakagaling ng sakit ang ginagawa ko. balak ko ding mag patayo ng Hospital kaso lang naalala ko na may Hospital sila Nathalie at for sure naman na sakanya yun ipapamana ng dad nya.
si Luke? ayun kaka graduate nya lang kahapon at ito nga eh! nandito ko sa bahay nila! haha welcome ako dito kahit hindi pa kami ni Nathalie. yung bahay ko nga napa renovate ko na syempre dapat mas maganda na ang bahay ko dun kami titira ni Nathalie! haha. actually pati wedding namin na plano ko siguro after nyang bumalik dito magpapakasal na kami? haha joke lang depende na yun kay Nathalie.
"talaga noona!? can't wait to see you!?... gusto mo bang sunduin ka namin?.... ganun?.... ingat ka ha?.. bye bye!" hindi naman maalis ang ngiti ni Luke.
"oh bakit?" tanong ko.
"uuwi na si ate at paalis na yung eroplano na sinasakyan nya!" napangiti din ako.
"yang ate mo hindi marunong mag surprise man lang nu? haha talagang sinabi pa nya na uuwi na sya.!" napatawa naman kami.
"oh? kayong dalawang baliw dyan uuwi na pala si Nathalie tumulong kayo at mag aayos tayo ng bahay!" napa nganga naman kami ni Luke sa sinabi ng dad nila. sana pala nasa bahay na lang ako ngayon -.-.
---
"huuu! kapagod!" bulong ni Luke at naupo sa sofa. grabe naman kasi 4 hours kaming nag linis!
"dyan lang kayo mga bata at mag luluto lang kami!" sigaw naman ng mom nila. grabe! bakit kasi naka leave lahat ng katulong nila even drivers!
napatingin naman ako sa tv nila medyo madumi pa.
"kailan nyo huling ginamit ang tv nyo?" tanong ko kay Luke.
"uhm? siguro mga one year ago na din!" nanlaki naman ang mata ako sa sinabi nya.
"seriously?" tanong ko sakanya na halatang di naniniwala.
"oo nga! wala namang mahilig manuod samin, lalo na si Nathalie! nakakanuod lang naman kami kapag nag b-bonding kami, movie marathon ganun lang." wow! this family is really weird! mostly kasi lahat ng tao hindi mabubuhay kapag walang tv.
"oh! ito na bubuksan ko na para naman makita natin kung okay pa to! baka sira na eh! haha" sabi nya at kinuha ang remote.
"oh? buhay pa pala ang tv natin!" natatawang sabi ng dad nila.
"breaking news! one of the best airplane of Korea's best airline found crashed at the Philippines. and one of the survivors is well known in the Philippines for being a business successor named Nathalie Claire Demonise and the other survivors is------" pinatay na ni Luke ang tv. pati sina tito at tita na nasa kusina ay napatakbo sa harap ng tv ng maranig ang apelido nila.
ayoko sanang maniwala pero nakita ko kanina si Nathalie na ni r-rescue.
*Kriiiiiiiiiiiing*
lahat kami ay napatingin sa telepono nila. Si tito na ang lumapit sa telepono at sinagot ang tawag.
"yes? Demonise residence."
[Mr. Demonise it was doctor Cruz] si Dr. Cruz ay isa sa magagaling na doctor nila sa Hospital.
"yes Dr. Cruz? is there any problem?" halata naman kay tito na kinakabahan sya.
[your daughter is here and to tell you the truth Mr. Demonise medyo hindi maganda ang tama nya sa ulo nandito sya ngayon sa private room ng family nyo.] binaba na ni tito ang telepono.
"let's go" malamig na sabi nya. wuuu! mukhang alam ko na kung saan talaga nag mana si Nathalie!
---
isang linggo na ang nakalipas at ito tulog pa din si Nathalie.
"hoy! gumising kana! akala ko ba pag uwi mo magiging in relationship na tayo!? tulad ka din ng iba! paasa!" sabi ko na medyo maluha luha. Argh! Kurt wag kang iiyak!
"hmm..." narinig kong sabi ni Nathalie kaya napatingin ako sa kanya at unti unti ng bumubukas ang mata nya.
"nasaan ako?" tanong nya.
"nasa ospital ka" hinawakan ko naman ang kamay nya.
"t-teka? sino ka? tsaka bakit ako nandito?" halata sa mukha nya ang pag tataka.
"ako to Nathalie si Kurt! haha wag ka ngang ganyan!" at tuluyan ng tumulo ang luha ko! shit! lumabas naman ako at tumawag ng doctor.
agad namang pumunta si Dr. Cruz pati na rin ang pamilya ni Nathalie.
may ginawa namang mga examine kay Nathalie at ng matapos ay pumasok kami ulit sa kwarto nya.
"well Mr. Demonise. we confirmed it. Nathalie has amnesia" para namang huminto sa pag tibok ang puso ko.
"a long term amnesia" sabi ng doctor at lumabas na.
"sorry, pero hindi ko talaga kayo kilala" nag simula namang umiyak si tita at lumabas na din sila ni tito kasunod ni Luke.
"Nathalie.." tawag ko sakanya at naiiyak pa din.
"sorry pero hindi kita kilala at hindi kita maalala.."
huling salitang narinig ko sakanya bago ako tuluyang lumabas sa kwarto nya. masakt.. oo sobrang sakit.. sa dami ng plano ko para samin masisira lang pala dahil sa ganto.. ang galing mo talaga Nathalie.. pero hindi ako titigil hangga't hindi mo ko naalala.