Chapter 15: Music Room

23 1 0
                                    

hay! ang boring naman ngayong araw! si Railee busy sa studies! si Samantha wala, may sakit sya. si Chloe busy sa boyfriend, si Tiffany busy sa pag l-lab. si Sidney naman ayun, binubwisit pa din ni Xyrrone, ako? eto.. nag lalakad dito sa 4th floor building ng Com. Arts. wala lang ganto lang ako, nag lilibot then marami na kong mad-discover na mga bagay haha.


napahinto naman ako sa tapat ng Music Room dahil may narinig akong tumutunog..



bahagya kong binuksan ang pinto at mas napakinggan ko ang tunog..


'I Need A girl' yun ang kantang naririnig ko. nakita ko na naman ang isang silhouette ng isang lalaki, naka talikod sya kaya hindi ko makita ang mukha nya.


"pwede ka namang pumasok bakit nakatayo ka lang dyan?" tanong nya at lumingon and to my surprise! it was Kurt.


"ha? I'm just passing by then akala ko kung sino yung tao, anong oras na din kasi at baka magsara na ang University" wow! ang galing mo talaga Nathalie!!


"haha, parang dati lang ha?" sabi nga at tuluyang humarap sakin.


"remember our first encounter? haha deja vu lang this day" pumasok naman ulit sa utak ko kung paano kami nag kakilala.


-FLASHBACK-

GRADE 4 DAYS.


naglalakad ako ngayon dito sa pang college na building di ko kasi alam kung anong tawag sa mga nag aaral sa building na to, bawal ang mga high school at elementary dito pero dahil pasaway ako ito ako nasa 4th floor na! hahaha


napahinto naman ako sa isang pinto dahil may naririnig akong kanta. 'I need a girl' ang kanta na yun!! yes naman! Fan kaya ako ni Dongbae! hahaha


"pwede ka namang pumasok" muntik na kong madapa sa gulat ng biglang mag salita yung lalaki, nasa pinto lang kasi ako at pinapakinggan ang pagtugtog nya.


"halika dito!" tawag nya sakin.


"ayoko nga! mamaya monster ka mamatay pa ko agad!" sabay talikod ko.


"Nathalie hindi ako monster!" napaharap ulit ako sakanya.


"how did you know my name?" at lumapit na ko ng tuluyan sakanya.


"member ka ng music club diba? pero hindi ka pa nakakapag practice dito kasi pang college lang dito, anyway bago lang ako sa music club actually kakasali ko lang last week, isa ka sa pinaka magaling kaya nga kilala kita" lakas mang uto ng bata na to! kala naman nya nauuto nya ko? hmmp!


"so? ano naman kung bago kang member?" hindi naman kasi ko interested sakanya!


"haha, don't worry gagawin ko lang naman to for experience at para mahasa pa ang talent ko, pag nag highschool na kasi ko gusto kong bumuo ng banda tapos yung title ng banda namin kakaiba.!" wow! buti pa sya may pangarap na ganun. so what naman ngayon? tss!


"tss, well goodluck na lang sa pangarap mo!" sabi ko sakanya at tumabi sa upuan nya na naka harap sa piano.


"nga pala di pa kita naririnig tumugtog ng instrument!" napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya, for sure papatugtugin ako ng bata na to!


"tss, hindi naman kita kilala bakit ba!?" naiinis kong sabi.


"oo nga pala! I'm Kurt Sky Lee nice meeting you" sabi nya at ngumiti


kinuha ko naman ang gitara sa tabi ko at nag simulang mag strum..



"wow! ang ganda naman nun!" comment nya.


"well, ang ganda kasi talaga ng kanta na yun!" pagmamayabang ko.


"ano ba ang title nun?" hay naku! tao ba to? bakit di nya alam ang kanta na yun!?


"That XX kanta yun ni ji-yong" napatango na lang sya.


"naku! tara na! malapit g mag 8 baka pag sarahan tayo ng gate!" napatingin naman ako sa relo ko at tama sya malapit ng mag 8.


-END OF FLASHBACK-


naging close kami nun ni Kurt lagi kaming mag kasama mag kapit bahay lang din pala kami at best friend ang mga parents namin, pero nag bago ang lahat ng mag highschool kami. umalis na sya sa music club at nawalan na ko ng kaibigan at totoo ang sinabi nya na bubuo sya ng banda. nagkaroon sya ng banda na ang pangalan ay THAT XX ewan ko kung saan nya napulot ang pangalan na yun, umalis na din ako nun sa music club dahil wala na kong nakakausap, well sanay naman akong mag isa pero namimiss ko din ang kaibigan ko.


"Nathalie? are you still there I'm talking to you!" nabalik naman ako sa realidad ng mag silata ang Kurt na to!


"h-ha? oo malapit ng mag 8. aalis na ko ha?" sabi ko at nag mamadaling umalis, shocks! tama ba yung mga sinbi ko? ano bang sinasabi nya? I'm not paying attention kasi eh!


"Nathalie wait!" rinig kong sigaw nya pero nag mamadali lang akong bumaba ng hagdan.

Conjure up by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon