<Nathalie's pov>
I-I love you Nathalie.. and I don't want to lose you..
argh! kanina pa yan paulit ulit sa utak ko! hindi na ko maka tulog!
"Nathalie!" napatayo naman ako sa gulat ng may tumawag sa pangalan ko. shocks! 2:00 am na sino naman kaya yun?
tumayo ako sa kama para buksan ang pinto, kinilabutan naman ako, grabe! wala namang tao!
"Nathalie!" napalingon naman ako sa bintana doon kasi galing yung boses.
"what the heck!" tanging nasabi ko at binuksan ang bintana. nakalitaw kasi yung ulo ni Luke.
"anong ginagawa mo dyan?" tanong ko sakanya habang sya naka akyat sa mahabang hagdan. oh? diba! para lang kaming Romeo at Juliet!
"tara!" aya nya sakin.
"saan naman!? baliw ka ba!? baka mamaya mahuli tayo ni dad." itong sira ulo na to ngayon pa nag aya, graduation ko na bukas.
"sa park lang di ako makatulog eh" tss, wala na kong nagawa kaya bumaba na din ako dun sa dinaanan nya, napaka lupit talaga ng kapatid.
"maglalakad lang tayo ha?" napatango na lang ako, pag nag kotse pa kami edi nahuli pa kami.
"di ka rin makatulog?" tanong ko.
"ah oo eh, mamimiss kasi kita kapag nasa Korea kana." sabi nya at yumuko.
"hahaha okay lang yan kailangan eh" sabay gulo ko sa buhok nya.
"pero noona.." tss! nagpa-pa cute na naman!
"no buts! kailangan mong mag aral ng mabuti." yeah kailangan nyang mag aral ng mabuti para ma i handle nya ng maayos ang company nya.
"hay.. okay lang naman kahit malugi yung nasa Korea may branch naman tayo dito!" binatukan ko naman sya sa sinabi nya.
"study hard pag balik ko dapat professional kana."
"bakit ikaw? di ka naman pumapasok eh! minsan lang!" binatukan ko ulit sya.
"nag s-self study naman ako!" sagot ko sakanya.
"pero noona.. please wag ka na lang umalis.." pag mamakaawa nya.
agad naman akong umupo sa isang bench ng makarating nang kami sa park.
"Luke, listen to me, I need to this para sayo to company to ng dad mo diba ibinilin nya to sayo?" napayuko naman sya sa sinabi ko at umupo sa tabi ko.
"pero nakita ko kayo ni Kurt.." napalingon naman ako sakanya.
"and I heard everything.." nasakal ko naman sya agad.
"--ack-- Nath-- di.. ko...makahinga!" binitawan ko na sya.
"he said he still loves you at you feel the same? iiwan mo na lang ba sya?" napailing na lang ako, mana ata sakin ang kapatid ko.
"stalker pa kita?" tanong ko sakanya at natawa.
"haha hindi ah! because I have my own sources! haha" gaya gaya ng linya!
"baliw! pero before ako umalis babawin ko sya.." sabi ko at ngumiti.
"yes! pwede akong maki join?" tss, ito talagang lalaki na to!
"we have to think a plan first.." napa ngiti naman ako..
---"noona.. 5:00 am na.." sabi nya at humikab na, nandito pa rin kami sa park.
"basta yung plan natin ha?" sabi ko sakanya.
"oo! tara na nga! umuwi na tayo! haha mukha ka ng zombie graduation mo pa naman! haha" sabi nya at tawang tawa. inirapan ko naman sya!
kaasar! mukha nga talaga kong zombie.
---
"Nathalie! dalian mo!" dinig kong sigaw ni mom mula sa baba.
duh? 8:30 am palang at 10:00 am pa ang simula ng graduation namin. mga excited nga naman!
"ito na! sandali!" sigaw ko din.
humarap muna ko sa salamin bago tuluyang bumaba, well kailangan maganda talaga ako! haha
"ready?" tanong sakin dad. tumango naman ako sakanya. anyway buong pamilya kami kasama na din ang assistant kong si Janine.
nakarating kami sa school ng maayos salamat sa driver naming si Luke! hahaha.
"Nathalie? why so beautiful today?" tanong sakin ni.. uhm? ewan ko! basta kaklase ko sya!
pumili na ko kung saan ako naka pila. at sa wakas nag simula na din ang mahabang prusisyon. katabi ko naman ngayon si Luke. bakit hindi ang magulang ko? simply because ganun talaga pag matanda na! hahaha.
"Nathalie!" napansin ko naman ang mga kaibigan kong bugok na kumakaway sa gilid. lahat sila naka graduate na, ganun kasi talaga by department ang graduation.
"so? huwag kakabahan ha?" sabi sakin ni Luke bago humiwalay.
"as if naman?" bulong ko sakanya at inirapan. baliw talaga ang isa na yun!
ng simula ng mag speech ang mga guest at ilang mga teachers.. and what so ever.. chu chu! pati yung akyat akyat sa stage sabay bow, sus basta! katamad mag kwento ng mga details mag hanap na lang kayo ng possible na details! hahaha.
nakatunga nga lang ako sa kinauupuan ko hanggang matapos ang graduation namin. yung iba nag iiyakan, yung iba puro picture yung iba nag kakatuwaan, yung iba naman nag pa-plano ng mga gagawin nila. hay.. basta ako tapos na ang pag hihirap ko.
"Nathalie! waaah! we are proud of you!" sigaw ng pamilya ko kasama ang barkada ko.
"picture!" sigaw ni Janine kaya naman nag kanya kanya kaming pose at nag picture pa kami ng madami hanggang sa nagkayayaan ng umuwi.
"wala man lang pakain Nathalie?" tanong sakin ni Sam. natawa naman ang pamilya ko sa sinabi nya.
"pasensya na hija ha? wala pa kasing tulog tong si Nathalie." sabi ni mom at napatingin naman ako sakanya. how did she know?
"hehe" narinig kong bulong Luke. sinamaan ko naman sya ng tingin siguro ay hindi na naman nakapag hintay ang at nag kwento na naman.
"oo, wala pa kong tulog besides may gagawin pa kami ni Luke na importante." at binigyan ko naman ang barkada ko ng magandag ngiti.
"ahh.." sabay sabay na tango nila. at mukhang nakuha naman nila ang ibig sabihin ko, nasabi ko na din naman kasi sakanila yung mga balak ko kay Vanessa.
"bye guys! see you!" sigaw ko at nauna nang mag lakad.
are you ready for my revenge Vanessa? haha.