nandito na kami ngayon ni Carlo sa harapan at hinawakan na nya ang isa kong kamay at yung isa naman ay inihawak sa bewang ko. nilagay ko naman ang kaliwa kong kamay sa balikat nya. hindi lang naman modern ang sinasayaw ko marunong din naman akong mag slow dance.
"ang ganda mo ngayon. Oppps! mali mas maganda ka ngayon" nginitian ko lang sya, nag simula naman syang mag kwento naka tingin lang ako sa stage na nasa harapan ko pero nakikinig naman ako sa sinsabi nya pero di ko na iku-kwento kahit ako di ko maintindihan eh! haha.
"naranasan mo na ba yun Nathalie?" tanong nya sakin.
"hindi pa" sagot ko na lang. kahit hindi ko alam yung tinatanong nya. haha.
"well ganun talaga eh" sabi nya at tumawa. baliw ata ang isa na to?
napalitan naman ang kanta ng Photograph ni Ed sheeran.
(wala na kong maisip na ibamg kanta eh! yan na lang din :D)
umiikot na kami ngayon ni Carlo at parehas ng nakahawa sa bewang ko ang kamay nya ganun din ang kamay ko sa balikat nya. habang umiikot kami ay saktong huminto kami ng nasa harapan ko si Kut hindi naman totally harap nasa malayo sya tapos naka tingin sakin gets? basta ganun! he was staring at me seriously. anong problema ng isang to? nakatingin lang sya sakin at ganun din ako. hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. si Carlo ang kasayaw ko pero bakit parang gusto kong iwan si Carlo at pilitin si Kurt na isayaw ako..
the next thing I saw is Vanessa came and she kiss Kurt directly to lips and I also saw that Kurt was falling for that kiss.. how dare him? after he said that he loves me!?
"Nathalie let's go hatid nakita sa mga kaibigan mo" sabi ni Carlo. perfect timing Carlo dahil hindi ko maalis ang tingin ko sakanilang dalawa. so after all? niloloko nya lang talaga ako.
"bye Nathalie thanks pumayag ka na isayaw kita" ngumiti lang ako sakanya dahil hindi ko alam kung nasaan ang utak ko ngayon.
"yiiee! ano yun Nathalie ha?" pangaasar ni Sidney. tatlo lang silang nandito sya si Railee at Tiffany.
"paki sabi kay Sam at Chloe umuwi na ko. I have to go." sabi ko sakanila at umalis na. hindi ko na kaya mukhang anytime maiiyak na naman ako.
naglalakad na ko ngayon papuntang kalsada ng maramdaman ko ang malamig na tubig na bumabagsak sa balikat ko. great! just great! perfect timing ang lahat. nakisabay ang ulan wag lang makita ang pag iyak ko!
nilabas ko ang cellphone ko at pag minamalaa ka nga naman! patay na! nabasa na pala ng ulan even my money! no choice kaya ko namang mag lakad eh! tsaka 1:00 am na din wala ng tao.
mabagal lang akong naglalakad dinadama ko pa ang ulan eh! bakit ba!
ang sakit kasi eh! akala ko ba ako na? bakit si Vanessa pa din!? kung kelan handa na kong mag mahal.. tsaka ka pa niloko! ang ganda nga naman ng buhay. bakit hindi ko pa wakasan? sakto namang dadaan ako sa isang tulay. sumilip ako dito mabilis ang agos ng tubig. siguro dahil umuulan ngayon.
sa hindi inaasahang pangyayari ay nahulog ang pouch ko akmang hahabulin ko sana ito ng kamay ko pero huli na, hindi ko na naabutan. ganto ba ang nangyari samib ni Kurt? kung kailan handa na kong saluhin sya tsaka naman nahulog ang loob nya aa iba?
sinilip ko ulit yung pouch ko, wala na.. di ko na nakita sayang yung cellphone ko..
"baliw ka ba? anong binabalak mo!?" sabay hatak sakin ng isang lalaki palayo dun sa gilid ng tulay.
"bakit ka magpapakamatay?" tanong nya sakin and to my surprise it was Kurt. tsaka anong sinasabi nya!?
"anong sinasabi mo!? nahulog yung pouch ko at sinisilip ko lang kung nandun pa!" sabi ko at pilit tinanggal ang pagkakahawak nya sakin at nag simula na ulit mag lakad.
"ihahatid na kita!" sabi nya at hinawakan ulit ang kamay ko. akala ko tumila na ang ulan naka payong pala ang asungot na to at iniwan sa di kalayuan ang kotse nya.
"no need kaya ko ang sarili ko kaya wag mo na kong pakialamanan" sabi ko at binawi ulit ang kamay ko.
"Nathalie mahal kita.. kaya lang.." napatingin nama ako sakanya at nag smirk.
"kaya lang mas mahal mo sya" sabi ko at nag lakad ulit.
"hindi mo kasi naiintindian Nathalie.. ito mag e-explain na ko.." sabi nya. saglit naman akong napahinto. malalaman ko na ang sagot pero its too late. niloko na nya ko.
"you don't have to explain, kung dalawa kaming mahal mo just choose Vanessa even na sya na talaga yung pinili mo, don't worry aalis din ako after graduation, one month na ang, paki hintay na lang ha? lalayo din naman ako" sabi ko at lumingon sakanya ng naka ngiti.
at huli ko na lang naalala ay dumating ang kotse ni Luke at isinakay nya ko.. and everything went black again..