Chapter 2

159 5 0
                                    

"Before the spying and lying and all for Diane, Kyle and I had a great senior year together," ang sabi ni Samantha sa amin ni Cassie. "Alam mo na, tulad ng ilang power couple sa high school – tulad ng mga mag-best friends. Gusto ko sanang doon muna tayo magsimula. There's more to my story than what Diane wanted me to do."

"Tell me your story then," ang sabi ko kay Sam.

"It was like an afternoon unlike any other," ang sabi ni Samantha habang may ngiti sa kanyang maamong mukha. "I mean, oo simula noong elementary kami ay lagi kaming magkasukob sa ulan. But each of those afternoons are special – unique – in their own ways."

"Paanong unique?" tanong ko kay Samantha.

"Basta natutuwa ako sa tuwing ginagawa namin iyon," ang sagot niya. "I was so close to him and we have all the reasons to be. At kahit ilang beses nang nangyari sa amin na magkasukob sa ulan habang pauwi from school, there's a different thrill everytime na ginagawa namin iyon. Parang drugs, nakakaaddict siyang kasama." Samantha smiled and stared at the table in front of her blankly, falling deeper and deeper in her thoughts and into her memory lane.

* * *

Isang maulang hapon, umuwing basang basa sa ulan si Samantha at may ngiti sa kaniyang labi. Isa na namang makulay na hapon para sa kaniya. Hindi ko napansin noon, may maliit pala siyang nunal sa may panga niya, at mapupula pala ang mga pisngi niya, ang sabi ni Samantha sa kaniyang sarili. Sa tuwing magkasama sina Samantha at Kyle pauwi at magkasukob sa ulan ay lagi na lamang niyang tinititigan ang mukha ng kaniyang best friend. Pinipigilan niya ang sarili ngunit sa loob ay unti-unti siyang natutunaw.

"Nandito na po ako," ang bati ni Samantha nang buksan niya ang pintuan ng kanilang bahay. Binuksan niya ang ilaw at pumasok sa loob. Iniwan niya ang kaniyang basang sapatos sa labas ng pintuan at tinanggal ang kaniyang basang basang medyas. "Ma, nandito na po ako." Ngunit walang sumasagot kay Samantha.

Tumutulo pa sa sahig ang basang basang damit ni Samantha nang pumasok siya sa loob ng kanilang bahay. Agad siyang kumuha ng tuyong damit at dali-daling nagbihis habang wala pa ang kaniyang ina at nakatatandang kapatid na si Margaret.

Paglabas ng kwarto ay kinuha ni Samantha ang floor mop at mabilis na pinunasan ang basang sahig. Napansin niya na medyo makalat ang bahay kaya't agad siyang naglinis at nag-ayos ng mga gamit at pinunasan ang mga alikabok, winalis at trinapo ang buong bahay. Hinugasan niya ang mga plato at baso na nasa lababo. Hindi na naman naghugas si Ate ng mga pinagkainan niya, ang sabi ni Samantha sa kaniyang sarili.

Nakaramdam siya ng gutom nang matapos ang gawing bahay. Binuksan niya ang refrigirator at nakitang walang laman ito. Nakakita naman siya ng dalawang pirasong loaf bread sa ibabaw ng dinning table, parehong end parts pa ng loaf bread ang natira. Kumuha ng isang basong tubig si Samantha at nagsimulang magmiryenda.

Bumukas ang pintuan ng kanilang bahay at pumasok ang ang kaniyang inang is Percy at ate na si Sonia. "Oh nandito ka na pala," ang sabi ni Percy. "Naku napagod ako." Umupo sa sala si Percy habang dumiretso si Sonia sa kwarto nilang magkapatid dala ang ilang paper bags.

"Saan po kayo galing?" tanong ni Samantha sa kaniyang ina.

"Namili kami ng ate mo ng mga damit niya," ang sagot nito. "Magbabakasyon daw kasi sila ng mga kaibigan niya noong college sa Pangasinan. Ipinamili ko siya ng bagong damit para naman hindi siya mahuli sa mga kaibigan niya."

"Akala ko po ba pupunta siya ng Maynila para mag-apply ng trabaho?" tanong ni Samantha.

"Naku pagbakasyunin muna natin siya," ang sabi ni Percy. "Kaga-graduate palang naman niya last year sa college."

Tears and RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon