Chapter 4

70 5 0
                                    

"So kung minahal mo siya ng husto, bakit ka pumayag sa gustong mangyari ni Diane?" usisa ko.

Napangiti si Samantha sa aking tanong, nakatingin sa malayo't tila malalim ang iniisip. "I wanted him to stop me."

"Ha? What do you mean?"

"Sabihin na nating may attention deficit ako pagdating kay Kyle, kaya't gumagawa ako ng paraan para lang lagi na lamang siyang mag-alala para sa akin at pigilan ako sa mga gagawin ko. Ang inisip ko noon, the more I do something na ayaw niya, the more naman na ako'y pipigilan niya. That means he'll have more time for me."

"Did it work?" tanong ni Cassie.

Ngumiti lamang si Samantha kay Cassie at kaniyang sinimulan ang kaniyang kwento.

* * *

"Sige, pumapayag ako," nagulat si Kyle sa sagot na iyon ni Samantha na ikinatuwa naman ni Diane. "I'll just pretend na may gusto ako sa kaniya, tama ba?"

"Oo," ang sagot ni Diane. "At kapag in love na siya sayo makikipagbreak ka sa kaniya ng walang dahilan."

"Sounds easy," ang sabi ni Samantha.

"Sounds crazy," ang sabi naman ni Kyle.

"Okay, so I'll just see you after class. Salamat ulit Sam, ha?" Nagpaalam si Nova sa dalawa at nagtungo sa sa susunod niyang klase habang naiwan naman ang dalawa na nananahimik sa ilalim ng puno ng Acacia malapit sa basketball court.

Hinihintay ni Samantha na may sabihin si Kyle na tila hindi alam kung anong uunahing sabihin sa dami ng pumapasok sa kaniyang utak at nag-uunahang lumabas sa kaniyang bibig. Galit ba siya? Nagtatampo? Siya mismo ay hindi mawari ang kaniyang nararamdaman.

Kaya't tahimik lamang silang naka-upo doon sa ilalim ng Acacia hanggang...

BANG!!!

Tinamaan ng lumilipad ng bola ng basketball sa ulo si Kyle mula sa mga naglalaro sa court. Nagulat si Samantha sa nangyari at agad na kinumusta si Kyle. "Okay ka lang ba? Masakit ba?"

Tumayos si Kyle at pinulot ang bola ng basketball.

"Brad, paki-pasa dito," ang sabi ng isa sa mga estudyanteng naglalaro ng basketball. Natatawa pa ito sa nangyari kay Kyle, ganoon din ang mga kalaro nito ng basketball.

Humarap ang binatilyo sa mga estudyanteng nasa court. Hawak ang bola sa kaniyang kanang kamay at nanlilisik ang kaniyang mga mata.

"OOOOOHHHHH..." mapang-asar na ungol ng mga naglalaro sa court. "Galit na daw siya oh," dagdag pa ng isa sa mga ito.

"Kyle...?" bulong ni Samantha.

Gamit ang kaniyang buong lakas ay ibinato niya ang bola pabalik sa mga estudyante ngunit kinapos ito't naglanding halfway pabalik sa court at gumulong na lamang sa lupa. Lalong nagtawanan ang mga estudyanteng naglalaro ng basketball. Namula naman ang mukha ni Kyle na nagmistulang keso de bola.

"Kyle, okay ka lang?" tanong ni Sam.

Ihinagis ni Kyle sa puno ng Acacia ang natitirang pritong balat ng manok na kanilang kinakain si Samantha at nag-walk out.

* * *

Magkatabi sina Kyle at Diane sa sofa habang nanonood ng TV. Si Cathy naman ay nasa kusina at nagluluto ng camote fries para sa kanilang miryenda. Hindi umiimik si Kyle habang daldal lamang ng daldal si Diane tungkol sa gwapo nilang Student Teacher sa trigonometry.

"Huy, okay ka lang?" tanong ni Diane kay Kyle.

"Bakit naman hindi ako magiging okay?"

"Wala kang imik," ang sabi ni Diane. "Kanina ko pa ine-exagerate ang kwento ko pero hindi ka kumukontra."

"Eh ano ba kasing bago?"

"Sinasadya ko this time." Humarap si Diane kay Kyle at pinaharap ang binata sa kaniya. "Look at me and tell me what's bothering you."

"Wala nga," ang sagot ni Kyle. "Huwag ka nang makulit."

Nagpamaywang si Diane, kinakagat niya ang kaniyang labi upang hindi makapagsabi ng salitang hindi magugustuhan ni Kyle. "Tungkol ba ito sa nangyari kanina?"

"Bakit kasi si Samantha pa?"

"Sabi ko na nga ba eh."

"Marami naman diyang ibang babae."

Umayos ng pagkakaupo sa sofa si Diane at napabuntong hininga. "It has to be her."

"Why?"

Huminga ng malalim si Diane, composing what she's about to say. "Look, Kyle alam kong nag-aalala ka lang for her. We all know why. She's my friend, too. Kung pwede lang na ibang tao ang kumuha ng lugar niya ay gagawin ko pero wala na talagang ibang pwede kundi siya."

"I don't really understand..."

"Siya lang ang kaibigan kong hindi kilala ni Gino, okay?" ang sabi ni Diane. "I have to do this for my peace of mind. I need revenge. It's all that I can think of right now. Wala nang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang sirain si Gino at gumanti sa kaniya."

"I don't really understand how your mind works," patuloy ni Kyle. "Ganiyan ka na ba talaga ngayon? Puro nalang paghihiganti ang nasa isip mo? Ito ang last resort mo dahil hindimo matanggap sa sarili mo na may mali ka rin kaya't ganito nagtapos ang relasyon niyo ni Gino?"

"Anong sinasabi mo?"

"Guys, itigil niyo na iyan," sabad ni Cathy.

"Never mind, I'm out of here," ang sabi ni Kyle at kinuha ang kaniyang bag.

"Where are you going?" tanong ni Cathy. "Camote fries?" sabay offer ng plato na puno ng kaniyang mga nilutong camote fries.

"Uuwi na ako," ang sagot ni Kyle. "Whatever your plan is, I don't want to be a part of it."

"Fine, you're not even in it in the first place," sagot ni Diane.

"Alam mo bang naaawa ako sa iyo?" ang sabi ni Kyle. "You're blinded by your own hate."

"Ikaw din naman," ang sabi ni Diane. "You don't know what I feel kaya huwag mong husgahan ang mga desisyon ko sa buhay. Pumayag si Sam dahil gusto niyang gawin ito, hindi ko siya pinilit."

"Guys, lumalamig ang camote fries," hirit ni Cathy. "Huwag na nga kayong magtalo tungkol diyan."

"Hindi ko alam kung bakit nga ba napagtiyagaan kitang maging kaibigan," ang sabi ni Kyle bago siya tuluyang umalis – ang ikalawa niyang pag-walk out sa araw na iyon.

Dinampot ni Diane ang throw pillow sa kaniyang tabi at ibinato ito sa pintuan sabay sigaw dahil sa galit. "Eh di mag-walk out ka! Diyan ka naman magaling!"

"Sabi mo eh," narinig nilang sagot ni Kyle mula sa labas. "Ihagis mo lahat ng gamit diyan sa loob, diyan ka naman magaling!"

"Can you believe him?" ang sabi ni Diane kay Cathy. "Napaka-immature."

Cathy just looked at her with surprise. Napakunut-nuo ang dalaga sa sinabi ng kaniyang kaibigan. "Tingin mo mas mature ka, gano'n?"

"Hello, sino bang nag-wo-walk out?"

"Kung tingin mo mas mature ang paghahagis ng gamit at pagsigaw na parang batang grabe ang tantrums kumpara sa pag-walk out, eh di okay."

"Kanino ka ba kumakampi?"

"Wala, okay? Itulog mo na nga lang iyang sama mo ng loob, bukas panigurado kapag malamig na ang ulo niyong dalawa ni Kyle ay magiging okay din kayo."

"Mabuti pa nga," ang sabi ni Diane pumanhik sa second floor ng boarding house kung saan naroon ang kanilang kwarto.

Bumalik sa kusina si Cathy at nakita ang kaniyang mga nilutong camote fries. "Ay kamote, sinong kakain ng mga ito ngayon?"

Eu��#w.

Tears and RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon