Chapter 12

64 3 0
                                    

"Naiinis ako," ang sabi ni Diane. "Naiinis ako sa nagsabing paduguin ang kebs ng babae buwan-buwan! Hay, ang sakit ng ulo, ng tiyan – ng lahat! Tapos sumasakto pa sa mga very important night sa life. Coincidence? I think not! Parusa ito!"

Sa lahat ng tao sa gym ay tila si Diane lamang ang mainit ang ulo dahil sa kaniyang buwanang dalaw habang nagpapakasaya naman ang iba lalo na ang mga Seniors na tulad nina Diane. Ang gabing iyon ang isa sa pinakahihintay, inaabangan at taun-taong pinagpipitagan ng mga estudyante, isang selebrasyon bago ang graduation – ang Junior-Senior Promenade, isang gabi ng sayawan at ligawan para sa mga may iniirog at isang gabi ng kalungkutan para sa mga taong hindi mahanap ang kaligayahan sa pagiging single.

Everyone was wearing their best dress and suit while the faculty roams around to look for the candidates for Prom King and Queen.

Napukaw ang atensyon ng karamihan ng pumasok si Kyle suot ang kaniyang puting suit and tie. Bago pumasok ay may red carpet entrance at photoshoot para sa school paper at para na rin makilatis ng faculty ang bawat isa. Nang matapos kunan ng litrato si Kyle ay lumapit ang isang nanginginig na junior student at nilagyan ng corsage ang suit ni Kyle. "Hangbango," bulong ng junior student.

Pagpasok ay agad na hinanap ni Kyle kung nasaan naroroon si Walt at agad itong nilapitan. Kasama ni Walt sa table sina Cathy at Diane. "Nasaan si Jane?" tanong ni Kyle.

"Oy, looking good bro," ang sabi ni Walt. "Wala siya, hindi daw pwede sa relihiyon nila."

"Oh bakit nakasimangot itong si Diane. Ang aga pa parang natatae na," puna ni Kyle sa nakabusangot na si Diane. "May dysmenorrhea ka ba?"

"Oo," ang sagot ni Diane. "Ang sakit talaga."

"Eh bakit pumunta ka pa dito hindi pala maganda ang pakiramdam mo?"

"That's not an option, ano ka ba?" biglang bumalik ang sigla ni Diane upang sagutin si Kyle. Tumayo ito at nagpamaywang. "This is one of the best nights of our high school life that we'll always remember. Ayokong ma-miss ang chance na ito. This is the second to the last ceremony of our youth bago tayo magkolehiyo at humarap sa totoong mundo. Malapit na ang graduation, at dapat i-maximize na ang lahat ng opportunity to be with your friends."

"Point taken," ang sagot ni Kyle.

Muling umupo si Diane at bumalik ang kaniyang pagbubusangot. "Ugh, ang sakit talaga."

Inilapit ni Kyle ang kaniyang upuan sa tabi ni Diane at bumulong sa tenga ng dalaga. "Nabalitaan ko ang ginawa mo sa Baguio."

Napukaw ang atensyon ni Diane mula sa sakit. Hindi siya nagsalita. Hinintay niya ang susunod na sasabihin ni Kyle. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung anong magiging reaction ni Kyle sa nangyari.

"Okay ka na ba?"

"Ha?" pagtataka ni Diane sa tanong ni Kyle.

"Okay ka na ba dahil nakuha mo na ang gusto mo?"

"Are we really having this conversation now?"

"I'm not mad," ang sabi ni Kyle. "I just want to know kung nahanap mo na yung peace of mind na gusto mong makuha."

Diane sat up and sighed. "Everytime I think of Gino hurting is a very satisfying moment for me," pag-amin ni Diane. "Pero nasasaktan parin ako."

"Bakit?"

"When we were together, I have these fantasies about our relationship being so perfect – him being the guy I always imagined him to be. Pero hindi naging ganoon ang relasyon namin."

"Eh di ikaw din pala ang nanakit sa sarili mo," ang sabi ni Kyle. "Ikaw itong umasa eh, hindi ka naman niya pinaasa sa part na iyon."

"Ang masakit na parte ay iyong nakita ko ang hinahanap ko sa kaniya noong kasama na niya si Sam," dagdag ni Diane. "Kaya siguro ganoon nalang ako kagalit kay Sam dahil nagsiselos ako."

Tears and RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon