Tears and Rain

1K 23 4
                                    

She is his 'One That Got Away.'

He is her 'One That Could Have Been.'

Dalawang pusong pinagtagpo ng panahon, pareho nilang ikukwento ang kanilang istoryang sinubok ng pagkakataon.

Magkababata sina Kyle at Samantha, magkasama simula pagkabata hanggang sa pagbibinata't pagdadalaga. Inilihim ni Kyle ang kaniyang tunay na nararamdaman para kay Samantha sa takot na masir ang kanilang pagkakaibigan. Ngunit dahil na din kay Kyle, pumasok sa isang kasunduan si Samantha na simira hindi lamang sa kanilang pagkakaibigan kundi pati narin sa mga buhay ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Three years and two months after their real story ended, nagkaroon ng kani-kaniyang buhay sina Kyle Benedicto at Samantha Lazaro. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling ikinuwento ng dalawa ang kanilang istorya, mula sa simula hanggang sa kung paano ito nagtapos. Muli nilang binuksan ang mga pahina ng kanilang kwento, ang lahat ng sugat at pait na dinanas ay muling sinariwa. Sa pagkakataong ito, mabigyan kaya sila ng pagkakataon upang mabago ang kanahinatnan ng kanilang kwento?

Tears and RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon