Chapter 5

92 5 0
                                    

 "Grabe, ang baho ng kwarto namin kagabi," ang sabi ni Diane habang naglalakad sila nina Cathy at Samantha patungo sa isang event sa kanilang local state university kung saan ay inimbitahan sila ng nakatatandang pinsan ni Cathy na si Luke.

"Sorry naman, inubos ko kasi lahat ng kamote kagabi dahil walang pumansin sa niluto kong camote fries," sagot naman ni Cathy.

"Eww, so utot mo pala ang naaamoy ko kagabi?"

"Ganoon na nga."

"Ano na nga bang event itong pupuntahan natin?" tanong ni Samantha.

"Search for Mr. and Ms. University," ang sagot ni Cathy. "Nagbigay kasi ang pinsan kong si Luke ng sobrang tickets sa akin kaya ininvite ko kayo ni Diane."

"Ahh. Nasaan nga pala si Kyle?"

"Tatlong tickets lang kasi ang meron," sagot ni Diane. "Kaya tatlo lang tayong narito."

"Bakit ako ang ininvite niyo at hindi si Kyle?"

"Nag-away kasi sila niyang si Diane," ang bulong ni Cathy kay Sam.

"Isa si Gino sa mga contestant mamaya," ang sagot ni Diane. "Kung papasukin mo ang buhay niya, ito ang perfect timing to make you're entrance."

"Ha? Eh di ba nasa stage siya so paano ko siya makikilala?"

"Bahala na si Batman," ang sagot ni Diane. "Este, bahala ka na." Sabay kindat.

Pumasok sa gym ng university sina Sam, Diane at Cathy. Halos puno na sa loob ng pumasok sila. Doon sila sinalubong ng pinsan ni Cathy na si Luke. Matangkad ngunit payat si Luke na tula uugoy kapag na-ihipan ng hangin. Kumaway ito sa kanila at binati ng isang napakalaking ngiti. "Halina kayo, magsisimula na ang pagent," anito.

Umakyat silas a mga bleachers at umupo sa bakanteng upuan. Color coded ang mga audience, nakasuot sila ng kulay ng college department na kanilang nirerepresenta, hawak ang mga baners, balloons at cheering equipments na kanilang gagamitin upang i-cheer ang candidate ng kanilang college department.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang program. Isa-isang lumabas ang mga kandidato at nagpakilala sa harap ng lahat. Sabay na lumabas ang isang maputi't matangkad na lalaking nakasuot ng costume na tila hybrid ng pusit at seaweed na sinundan ng isang babaeng chinita na nakasuot ng kapares na costume ng kaniyang partner. Nagsalubong sila sa gitna at sabay na rumampa at nagtungo sa harap ng stage.

"Cristal de Jesus," pakilala ng dalaga.

"Vandame Valerio," pakilala naman ng lalaki. "Representing..."

"College of Nursing," sabay nilang pagbigkas at nagsigawan ang mga estudyanteng naka-pink sa. Konting pose pa't tumalikod na ang dalawa at nagtungo sa back stage.

Agad lumabas ang pangalawang pares na nakasuot ng genie costume at Cleopatra outfit. Tulad ng ginawa ng unang pares, nagsalubong ang dalawa sa gitna bago nagpakilala sa lahat.

"Steele Raposa," ang sabi ng binata.

"Ciara Bucsit," ang sabi naman ng dalaga. "Representing..."

"College of Law," sabay nilang pagbanggit bago bumalik sa backstage.

Hindi naman mapakali sa kaniyang kinauupuan si Samantha. Hindi niya alam kung anong gustong mangyari ni Diane sa araw na ito. Gusto ba niyang magpakilala ako kay Gino ngayong araw? But why? Tanong niya sa kaniyang sarili. I mean, bakit ngayon?

"Gizelle Anne Juico," pakilala ng bagong kandidatong nasa harap ng stage.

"John Gabriel Belino," ang sabi naman ng kaniyang partner. "Representing..."

Tears and RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon