Chapter 9

56 5 0
                                    

Naging mabilis ang panahon at umabot na ng isang buwan ang panliligawan nina Gino at Samantha. Dinala ni Gino si Sam sa isang basketball game sa kanilang university. Kalagitnaan noon ng intramurals at naglalaro ang college department nina Gino laban sa College of Nursing.

Kasisimula pa lamang ng mga players na mag-warm up nang dumating ang dalawa sa loob ng gym. Pumwesto sila sa bleachers malapit sa bench ng mga manlalaro ng College of Accountancy and Business Management.

Hindi na ikinagulat ni Sam na kilala si Gino hindi lamang ng mga players at cheering squad ng mga ito kundi pati narin ng mga manonood sa bleachers. Siya ang Mr. University, malamang kilala siya, ang sabi ni Sam sa kaniyang sarili.

"Huwag mo akong tatawanan kung antokin ako sa gitna ng laro," abiso ni Sam kay Gino. "Hindi ko talaga hilig ang mga ganitong bagay."

"Sabihin mo ulit sa akin iyan pagkatapos ng laro," ang sabi ni Gino.

Maya-maya pa'y nag-huddle up na ang mga manlalaro ng dalawang kupunan at nagsimula na ang laro. Unang napunta ang bola sa team ng College of Nursing ngunit mabilis naman itong naagaw ng kabilang kopunan.

Napuno ng sigawan ang buong gym at magkahalong hiyawan ng mga taga-suporta ng dalawang kopunan. Napangiti lamang si Sam dahil first time niyang makapanood ng ganoong kalaking laro dahil na rin hindi siya nanonood ng kahit simpleng paliga ng baranggay.

Dahil sa pag-aagawan ng bola, nadapa ang isang manlalaro ng College of Nursing – not once but twice – face down. Sa ingay ng gym ay dinig na dinig ni Sam ang kalabog ng sahig nang madapa ito. "Ito iyong moment na ayaw mong ipahalatang nasaktan ka pero alam naman ng lahat na masakit nga talaga ang pagkakadapang iyon," ang sabi ni Sam.

"Sanay naman ang mga iyan," ang sabi ni Gino.

Hindi nagtagal ay tumambak ang lamang ng kabilang kopunan, at ganoon na lamang ang panggigigil ni Sam sa panonood. Natatawa na lamang si Gino dahil tila si Sam pa ata ang pinakamalakas na mag-cheer sa players ng college department nina Gino. "DEFENSE!!!" ang malakas na sigaw ni Sam.

"Actually it's offense," ang bulong ni Gino.

"Ah ganoon ba? Hindi ko naman alam. Basta ang alam ko lang kailangang maka-score ng players niyo," ang sabi ni Sam sabay hiyaw nang makitang naka-shoot ang isang player.

Natapos ang unang dalawang period at lamang na lamang ang kalaban. Umupo si Sam na paos na paos ang kanyang boses. Tinawanan lamang siya ni Gino. "Akala ko ba aantukin ka?"

"First time kong manood, malay ko bang ganito pala kasayang manood ng laro ng basketball," ang sabi ni Sam. "Nakakadala masiyado."

"Sabi ko sayo eh."

"We should do this more," ang bulalas ni Sam. Then she stopped when she realized what she just said.

"Yeah," ang sagot ni Gino. "We should."

Sam cleared her thraot and yelled with the supporters of their players. Hindi pala pwede iyon, ang sabi ni Sam. Kailangan ko ding tapusin ito agad, bakit ba kasi kailangang... kailangang...

Hindi mahanap ni Sam ang tamang salitang dapat niyang gamitin upang ilarawan ang kaniyang nararamdaman. Bakit ba kasi kailangang makaramdam ako ng ganito sayo?

Bakit ba sa tuwing magkasama tayo, nakakalimutan ko ang mga bagay na dapat itinatatak ko sa isipan ko? Hindi pwedeng mahulog ang loob ko sayo kahit na ang objective ko ay maging girl friend mo ako. Hindi ako pwedeng masanay sa ganito kasi... kasi sa huli ako parin ang taong... ako parin ang mananakit sayo.

Tears and RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon