Chapter 8

49 3 0
                                    

Inilabas ni Sam ang libro mula sa kaniyang bag at ipinatong ito sa mesa malapit kay Gino. "Nagustohan ko ang isang ito," aniya. "Nabitin lamang ako sa parte kung saan bigla na lamang nawala ang character na si Raphael bago pa man siya lamunin ng mga halimaw sa loob ng selda. I mean what happened next?"

"I guess he found peace before he became dinner for those creatures," sagot ng binata. "Ang galing mo ah, ito na ang ikalimang librong pinahiram ko sayo sa loob ng dalawang linggo."

"Mas mabilis magbasa ang iba kong kaibigan," ang sabi naman ni Sam. "Pero wala naman sa pacing ng pagbabasa iyan. Ang mahalaga ay nag-enjoy ka't naintindihan mo ang libro from it's superficial message hanggang sa underlying meaning."

"Good point," ang sabi ni Gino. "Gusto mo pa bang magbasa ng isa pa?"

"Saka nalang, malapit na kasi ang periodical exam namin. Kailangan ko munang magfocus sa pagrereview."

Biglang na-alarma ang binata sa sinabing ito ni Sam. Dahil dito ay mawawalan sila ng rason ni Sam upang magkita sa loob ng lalong madaling panahon, at hindi iyon pumapabor sa mga intensyon ni Gino. "How about I help you with your exams?"

"Hindi okay lang ako. Kasama ko kasi ang best friend kong nag-aaral. Mahina sa math iyon eh."

"Eh di tutulungan ko kayong dalawa," pagpupumilit ni Gino. "Kaya kong ituro ang trigonometry na para ka lang gumagawa ng basic math equation sa loob ng isang hapon."

Sam snorted. "I like your confidence."

"Really?"

"Okay let's have a deal," ang sabi ni Sam. "Turuan mo siya sa trigonometry at kapag nakakuha siya ng 90 percent ng score sa exam I'll do anything for you. Pero isang bagay lang ha."

"Talaga? Ano naman?" tanong ni Gino na nasurpresa sa hamon ng dalaga.

"Ikaw ang bahala," sagot ng dalaga. "I'll be your genie and your wish is my command."

Gino smiled, over-emphasizing his boyish features. He brushed the back of his head with his hand and said "Okay, saka nalang ako hihiling pagkatapos ng exam ninyo."

"Sige ikaw ang bahala," ang sabi ni Sam. "Halika, kumain muna tayo. Gusto ko ng fishball."

"Pwede bang dito nalang tayo kumain?" ang sabi ni Gino. "Last time kasi hindi naging maganda ang epekto sa akin ng kinain natin."

Sam bursted into laughter upon hearing what Gino said. "Kawawa ka naman. Sorry kasalanan ko pang nagkasakit ka sa kinain natin. Sige na nga, for now you're the boss."

* * *

"So what happened during the review session?" ang tanong ko kay Kyle.

"He is good with math actually," ang sabi ni Kyle. "Noong una kasi ayokong makipagparticipate sa 'review' nila ni Sam. Kaso hanggat maaari kasi ayokong iwanan mag-isa si Sam kasama siya. Ang nasa isip ko kasi eh mahirap na baka ma-isahan pa niya ako. Pero magaling talaga siya sa math eh, parang biglang dumali ang subject na iyon."

"Hindi ka niya nakilala bilang kaibigan ni Diane?"

"Nakilala niya ako actually," ang sabi ni Kyle. "Kinamusta pa nga niya si Diane. Pero hindi naman siya naduda na magkakilala sina Diane at Sam."

"Hindi siya nagtanong kay Sam?"

"Nagtanong naman, pero nang sabihin ni Sam na hindi niya kilala si Diane ay tila na-satisfy naman ito agad sa sagot ni Sam."

"Hindi ka ba nagselos sa kanilang dalawa?"

"Hindi naman, sa akin kasi siya naka-focus dahil nga mas mahina ako sa trigonometry kumpara kay Sam. But I really can't shake the feeling na nagpapa-empress lang siya kay Sam."

Tears and RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon