Prologue

459 10 1
                                    

June 2014

Pumasok ako sa isang coffee shop sa Session Road, kaunti ang tao noon dahil bakasyon at nagsi-uwian ang lahat ng estudyante sa kani-kanilang probinsya. Isa ako sa mga estudyanteng naiwan pa sa Baguio City dahil hindi pa tapos ang duty ko sa hospital. Actually katatapos ng duty ko kahapon at pwede na akong bumalik ng Pangasinan para magbakasyon.

Iginala ko ang aking mga mata sa loob ng coffee shop, wala pa ang taong aking kakatagpuin. Nagpunta ako sa cashier at sinabing "One hot caramel machiato, venti."

"Would you like your drink to be extra hot?" ang tanong sa akin ng barista, nakaputi itong white polo shirt na pinatungan ng green apron.

Umiling ako at ngumiti sa magandang barista. Tinanong niya ang aking pangalan at isinulat ito sa cup. Matapos i-punch sa cash registry machine ang aking order ay nagbayad ako at humanap ng upuan sa loob ng shop. Inilabas ko ang aking mobile phone mula sa aking bulsa at tinignan ang oras, late na ang taong kakatagpuin ko. Naku, kung hindi lang dahil sa interview na ito ay nakasakay na ako ng bus pauwi sa amin, ang sabi ko sa aking sarili.

Isinuot ko ang earphones ko at nagpanggap na nakikinig sa music playlist sa aking phone, ngunit pinakikinggan ko lamang ang usapan ng mga tao. May mga nag-uusap tungkol sa school, yung tatlo naman sa isang sulok ay about sa isang sikat na networking company at ibinibida pa ng isa na malapit na daw siyang makapaglabas ng kotse. Isa lang ang naisip ko, madadagdagan na naman ang mga sasakyang hirap sa paghahanap ng parking area sa Baguio.

Hindi ko rin maiwasang marinig ang usapan ng dalawang high school student na nakaupo just across where I am. They're talking about this book that's so familiar I want to react and say "Alam niyo bang nandito lang sa coffee shop ang writer n'yan?"

Ilang sandali pa ay dumating na ang taong aking hinihintay. Sinalubong niya ako ng ngiti at napakamot ng ulo. "Kanina ka pa?" ang tanong niya.

"Hindi naman," ang sabi ko sa kaniya.

"Pasensya ka na late ako ha," aniya. "Traffic kasi sa may Rimando paakyat sa may Bonifacio kaya na-late ako."

Sus, pa'nong may traffic eh wala nang estudyante ngayon kaya walang traffic, ang bulong ko sa aking sarili. "Ah ganoon ba? Sige order ka muna."

Makalipas ang ilang sandali...

Parehong ang aming mga kape ay nasa aming harapan, magkaharap kaming dalawa malayo sa mga taong maaring makarinig ng aming usapan. Tinanong ko siya kung pwedeng kong i-record ang usapan namin, pumayag siya ngunit pinili niyang tawagin ko siya sa ibang pangalan.

"Anong gusto mong itawag ko sa'yo?" tanong ko sa kaniya.

"Kyle nalang," ang sagot niya sa akin.

Inilabas ko ang aking mobile phone at isinet ang recording. "Sabihin mo ang buong pangalan mo at kung paano nagsimula ang iyong kwento."

"Ako si Kyle Benedicto, hindi tunay na pangalan," ang sabi niya. "24 years old, tunay na edad. Nag-aral ng kursong Psychology sa Saint Louis University, Baguio City." Natigilan si Kyle sa kaniyang pagsasalita. Nakatitig lang siya sa screen ng aking mobile phone at sinusundan ang waveform na ginagawa ng narerecord na ingay nito. "Actually hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang kwento ko."

"Ano bang gusto mong i-kwento?" tanong ko sa kaniya.

"Charles alam mo ba yung kantang 'The One that Got Away?'" tanong ni Kyle sa akin, he leaned over as he ask his question. Tumango ako. "You see, I had one. She was the girl I've always wanted. She was the girl of my dreams. I've known her since... I don't know. Kilala ko na siya simula noong bata palang kami. She was the only girl I can imagine I'm growing old with. She's everything."

"Does she know?" tanong ko.

"Na ano?" looking confused.

"What you feel for her," I clarified.

"Oo, nalaman din niya eventually," ang sagot ni Kyle sa aking tanong, leaning back to his chair as he straighten his clothes. "Pero sa bandang huli nalang."

"Anong ibig mong sabihin sa 'huli'?"

"Huli, as in last na. Ending. Period. Wakas. Wala nang part two."

"At kailan naganap ang 'huli' na tinutukoy mo?" tanong ko sa kaniya.

"Fourth year high school," ang sagot ni Kyle na muli ay parang natutulala – tila bumabalik siya sa araw na kaniyang tinutukoy. "Last day of school, the day before graduation."

"What happened that day?"

"I told her everything... everything I kept inside for a very long time. She's my one that got away."

One week later...

Sa La Union, pumunta ako sa isang bahay malapit sa simbahan. Kasama ko ang isa sa mga kaibigan ko simula pa noong high school na si Cassie, hindi tunay na pangalan, at nagtungo sa bahay ng subject sa bago kong kwentong isusulat na kwento – si Samantha, hindi tunay na pangalan.

Bente tres anyos na si Samantha, mas matanda ng apat na taon sa amin ni Cassie, huminto siya sa pag-aaral dahil sa ilang rason. May bakery sila sa ibaba ng kanilang bahay at ang bahay sa tabi nila ay kanilang pinaparentahan bilang boarding house.

Pinapasok kami ni Samantha sa kanilang bahay at inalok ng maiinom habang nagpupunas kami ng pawis dahil na rin sa init ng panahon.

"Pasensya na kayo ah, medyo madumi dito sa bahay," ang sabi ni Samantha. "Hindi na kasi kami nakatira dito, matagal na. Sa Pampanga na kami nakatira simula grumaduate ako ng high school. Si Mama na lang ang pumupunta dito ng madalas para tignan tignan itong lumang bahay at yung boarding house namin sa tabi."

"Matagal ka na palang hindi nagagawi dito," ang tanong ni Cassie kay Samantha.

"Oo," ang sagot ni Samantha. "Madami din kasi kaming inaasikaso sa Tarlac."

"Salamat at pinaunlakan mo ako na maisulat ang kwento mo," ang sabi ko kay Samantha.

"Wala iyon," ang sabi ni Samantha. "Hindi ko gustong gawing public ang buhay ko, ang rason ko lang naman kung bakit ako pumayag eh dahil nagbabakasakali ako na... na mabasa niya ang kwento ko. Siguro sa librong isusulat mo, kapag nabasa niya parang nasabi ko na din ang mga bagay na hindi ko nasabi sa kaniya noon."

"Niya?" sabay naming tanong ni Cassie.

"Siya, yung lalaking kasama sa kwento ko. Siyempre hindi naman magiging love story ito kung wala akong taong kinahulugan ng loob," pabirong sinabi ni Samantha. "Pero huwag niyo akong tatawanan ha? High school pa kasi ako noong nangyari ito, at hindi lang ako nakaget-over. Hindi na ako naka-move on."

"Bakit naman?" usisa ko. "Paki-explain naman."

"Nagmahal ako ng taong... taong hindi ko alam kung mamahalin din ba ako," ang sabi ni Samantha.

"We've been friends since Genesis pa ata. Magkakilala na kami bata palang kami. Then I met another guy dahil sa friend ko. Actually, hindi dapat ako ma-i-in love sa taong iyon. But I fell for his every word, and I gave everything for a boy who just changed his mind."

"How did your story go exactly?" tanong ko kay Samantha. Cassie looked at her waiting for an answer.

Tumayo si Samantha at dinala niya kami ni Cassie sa kabilang bahay kung saan naabutan namin ang isa sa kanilang mga boarders. "Hi Christian!" ang bati nito sa binatang naglalaba sa may gripo. "Pakita ko lang sa kanila yung living room okay lang?"

"New boarders?" tanong ni Christian kay Samantha.

"Ay hindi, taga-MMK. Joke. Pero parang ganoon," ang sagot ni Samantha.

"Kung ipapalabas sa TV ito gusto ko si Gerald Anderson o si Paolo Avelino ang gaganap sa akin!" ang sabi ni Christian sa amin ni Cassie na kapwa ngumiti lamang sa binata.

Binuksan ni Samantha ang pintuan ng bahay at pinapasok kami. Maaliwalas sa loob ng bahay, may maliit na TV malapit sa hagdan at sofa set malapit dito. Malapit lang ang kusina at tanaw ko mula sa aking kinatatayuan ang tambak na hugasing pinagkainan. Hindi ko maiwasang mapansing ang ilang marka sa pader na tila may tumarak na kutsilyo o ano mang matalim na bagay.

"Dito," ang sabi ni Samantha. "Sa lugar na ito, dito ko sisimulan ang aking kwento."

Tears and RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon