Chapter 13

116 2 1
                                    

Halos wala nang estudyanteng pumasok sa eskwelahan dahil kinabukasan ay graduation na ng mga Seniors. Nagsibakasyon na ang mga estudyante maliban sa mga candidates for graduation. Maagang dinistribute ang kanilang yearbook, ibig sabihin ay nagsimula na naman ang kantiyawan ng mga estudyante dahil sa mga pictures nila sa mga pahina nito.

Pinapapirmahan ng bawat estudyante ang kanilang yearbook sa bawat batchmate na kanilang makasalubong. Ganoon din ang gawain ng ating mga bidang sina Diane, Kyle at Sam ngunit tila ibinaon nila sa limot ang pag-eexist ng bawat isa.

Naging masaya ang taong ito, naging masakit para sa ilan – ngunit hindi maitatanggi nina Sam, Kyle at Diane na ito ay isang taong hinding hindi nila malilimutan.

Bumalik si Kyle sa pinakapaborito niyang lugar sa campus – ang lawa. Mataas ang sikat ng araw ngunit nagbibigay ng lilim ang mga puno na nakapaligid dito. Wala ang mga itik at gansang karaniwang lumalangoy dito. Naupo si Kyle sa dati niyang pwesto sa tabi ng lawa at nilanghap ang sariwang hangin.

Sa tabi'y naroon ang punong kaniyang inukitan ng pangalan nila ni Sam, ngunit ngayon ay wala na ang dalaga upang hawakan ang kaniyang kamay.

Emptiness still exist inside him, tila wala na talagang pwedeng pumunan sa puwang na ito. Part of him wishes for Sam to return, but part of him says it's for the best. Hindi na kasing dalas ng dati ang sakit na kaniyang nararamdaman. He prefers the emptiness than the pain.

"Kyle," isang tinig ang tumawag sa kaniyang pangalan, isang boses na lilingon siya kahit saan niya ito marinig. "Hi."

Ngumiti si Kyle at tinapik ang lupa sa kaniyang tabi, sinasabing umupo si Sam dito. At first Sam did hesitate, pero umupo parin siya. Tila may nagbago sa hitsura ng dalaga, hindi lang maituro ni Kyle kung alin.

"Ang ganda ng araw," ang sabi ni Kyle. "Sa wakas at ga-graduate na din tayo bukas."

"Ang bilis ng panahon," ang sabi ng balisang si Samantha. "Dati, bata lang tayo na naglalaro ng bahay bahayan – ikaw yung tatay, ako yung nanay at ang manika ko ang anak."

"Wala pang ibang iisipin kundi kung sinong masusunod sa laro," dagdag ng binata. "Nagbago na ang lahat."

"Hindi lahat," ang sabi ni Sam at hinawakan niya ang kamay ni Kyle. "Pirmahan mo naman itong yearbook ko oh."

Nagpalitan sila ng yearbook at binukas ang pahina kung saan sila naroroon at pinirmahan ito. Maliban sa pangalan, at larawan ay naroon nakasulat ang kanilang mga pangarap para sa hinaharap. Nais mag-artista ni Kyle at nais namang maging singer ni Samantha – mga pangarap nila noong sila ay bata pa.

"Saan ka pala magkokolehiyo?" tanong ni Kyle. "Natanggap ako sa Baguio, doon ako mag-aaral ng BS Psychology. Excited na ako dahil isang bagong lugar ang pupuntahan ko."

Pinulot ni Sam ang isang bato sa kaniyang tabi at binato ito sa tubig. She just stared at the ripple it created unrtil she was ready to say what's in her mind. "Nandito lang ako para magpaalam," ang sabi ni Samantha.

"Magpaalam?"

"Aalis na kami dito nina Mama," ang sabi ni Sam. "Nandito parin ang boarding house, hindi ko alam kung ibebenta na ni Mama o kami parin ang magpaparenta. Pero aalis na kami Kyle. Lilipat na kami."

"Ha? Bakit biglaan? Saan kayo pupunta?"

Umiling si Sam. "Hindi ko pwedeng sabihin," ang sabi niya. "Huwag mo akong kakalimutan ha? Ikaw lang kasi ang pinaka-best friend ko."

"Bakit ba lagi ka nalang nagpapaalam sa akin?" ang tanong ni Kyle. "Bakit ba lagi ka nalang umaalis? Hindi ka pa ba nagsasawa sa pag-papaalam?"

"Believe me, kung pwede lang talagang tigilan ko na ang pagpapaalam," ang sabi ni Sam. Then she suddenly kissed his lips. Ikinagulat ni Kyle ang ginawa ni Sam ngunit nagpaubaya na lamang siya.

Tears and RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon